Chapter 11

536 16 0
                                    

Yuan's POV

Masaya ako dahil binigyan ako ng pagkakataon ni Coleen. Kung isa itong panaginip ay ayaw ko na magising pa.

Pagkauwi ko sa bahay ay nakita kong gising ang anak ko at naglalaro sa loob ng kanyang crib. Kinuha ko si Yuuta para kargahin.

"Thank you, Yuuta. Kung hindi sayo ay hindi ako bibigyan ng mommy na pangalawang pagkakataon. Hindi ko na ito sasayangin pa." Masayang sabi ko kay Yuuta kahit hindi pa niya ako maintindihan.

"Mukhang masaya ka ngayon." Lumingon ako sa likod at nandoon pa rin ang ngiti ko.

"Yes, ma."

"Sa anong dahilan?"

"Coleen gave me a second chance."

"Coleen? Your ex?"

"Mama naman. Huwag niyo na sabihin na ex girlfriend ko si Coleen because she will be my girlfriend again."

"I'm sorry, son. Pero sabihin nga sa akin, siya ba ang ina ni Yuuta? Huwag ka magsinungaling sa akin, Yuan dahil nakikita ko sa kanya si Coleen."

"Yes po."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?!"

"Ma, I'm sorry. Ang totoo niyan wala akong ideya na si Coleen... I mean, pinanganak si Yuuta pamamagitan ng surrogacy."

"What? Why are you doing this, Yuan? Hindi ka namin pinalaki para gawin ang ganito."

"I know. Gusto lang po kayo bigyan ng apo."

"Kailangan mo siya pakasalan, Yuan."

"I will. Inaayos ko lang yung ang mali na ginawa ko noon pero kapag okay na ang lahat ay yayain ko si Coleen."

"May alam ba si Coleen na si Yuuta ang anak niyo?"

"Meron, ma. Sinabi ko sa kanya noong isang araw na pumunta siya rito. Ang akala nga niya isa sa mga kuya ko ang may anak."

Sa tuwing naalala ko iyon ay gusto ko matawa dahil sa reaksyon ni Coleen. Napaka inosente talaga niya.

"Masaya ako dahil may isa sa mga anak ko ang may balak na magpakasal. Ang akala ko wala sa inyo ang may gusto mag-settle down."

"Wala naman po akong balak." Binalik ko na si Yuuta sa crib niya. "Isang babae kasi ang gusto kong pakasalan kung papatawarin niya ako sa ginawa ko. Ngayon binigyan niya ulit ako ng pagkakataon kaya liligawan ko na muna siya. Tatlong taon kaming hiwalay at sigurado akong marami rin ang nagbago kay Coleen."

"That's good."

"Kailan niyo po pala kakausapin ulit si dad, ma?"

Iniwanan ako ni mama na hindi man lang sinagot ang tanong ko. Isa lang ang ibig sabihin ay hindi pa niya napapatawad si dad. Hindi naman ginusto ni dad ang nangyari kay kuya Yuuta.

"Hanggang ngayon pa rin ba umaasa ka mapapatawad ni mama si daddy?" Tumingin ako kay kuya Yusuke.

"Umaasa pa rin ako na magkakaayos silang dalawa."

"Kahit tatlong taon na wala si Yuuta sa atin ay sa nakikita ko hindi pa move on si mama sa pagkaaala ni Yuuta."

"Ayaw ko naman sisihin si daddy sa nangyari kay kuya Yuuta dahil ama natin siya."

"Hindi na ako umaasa na magkakaayos pa sila mama at daddy."

Para ako si dad na ayaw ng gulo. Lumalayo sa gulo. Ang sabi nga nila iyon daw ang nakuha ko kay dad. Pero ang pagkaiba lang namin ni dad ay gumagawa ako ng paraan para maayos kami ng babaeng mahal ko.

Kinabukasan ay pumunta ulit ako sa hotel para bisitahin si dad.

"Dad, may gusto sana ako malaman. Sana sagutin niyo ko." Sabi ko kaya umupo na rin sa tabi ko si dad.

"Tungkol saan?"

"Kung paano kayo nagkakilala ni mama."

"Nakilala ko ang mama niyo sa isang party."

"Nagkagusto na kayo kay mama noong nakita mo siya sa party?" Tanong ko pero isang mabilis na iling ang binigay sa akin ni dad. Ibig sabihin hindi niya gusto pa noon si mama– baka minahal niya si mama lalo na may mga anak sila.

"May nobya ako noon. Ang kapatid ng mama niyo pero gumagawa siya ng paraan para paghiwalayin kaming dalawa." Nagulat ako sa kwento ni dad. Ganoon si mama? Hindi ako makapaniwala. "Nagtagumpay siya paghiwalayin kaming dalawa. Nagalit pa ako sa kanya dahil ang akala ko ay palabas lang na sinabi niyang buntis siya."

"Paano niyo nalaman na buntis talaga si mama sa mga kuya ko?"

"Pumunta kami sa doctor para malaman kung nagsasabi ba talaga siya ng totoo. Wala ako maalala na may nangyari sa aming dalawa."

"So, nakumpirang buntis si mama?" Tumango si dad sa akin. "Nagawan niyo bang mahalin si mama?"

"Ginawa ko ang lahat para mahalin rin siya."

Kahit kailan hindi talaga mahal ni dad si mama. Pinakasalan niya si mama para sa tatlo kong kuya. Kaya pala niisang beses ay hindi ko pa nakikitang gumawa ng paraan si dad para magkaayos silang dalawa sa tuwing nagaaway. Imbes ay umaalis ng bahay si dad at sa hotel namin siya tumitira.

"Pero hindi pa siya nakuntento sa triplets kaya dumating ka sa buhay namin. Ginagawa ko lamang ito para sa inyo kahit gusto ko ng hiwalayan ang mama niyo noon."

Hindi na ako nakapag salita pa. Hindi ako makapaniwala na ganoon ang nangyari.

"Babalik na ako sa trabaho." Tumayo na ako at lumabas na sa suite ni dad.

Tahimik lang ako habang nagtatrabaho hanggang lunch break. Wala akong pakialam kung mapanisan pa ako ng laway dahil hindi ako nagsasalita rito.

"Ang tahimik mo yata ngayon." Inangat ko ang tingin.

"Wala ako sa mood makipag usap ngayon." Sabi ko. Hindi ko nga rin ginagalaw ang pagkain ko.

"May problema ba, Yuan?" Umupo na rin siya sa harapan ko. "Palagi mo ko tinutulungan, baka makatulong ako sayo."

"Wala." Tumayo na ako. Hindi man lang ako kumain ng pananghalian. Wala rin akong gana kumain ngayon.

"Saan ka pupunta? Hindi mo nga ginalaw yung pagkain mo."

"Wala akong gana kumain ngayon. Kung gusto mo sayo na lang iyan."

"Hindi pwede hindi ka kumain. Sakit ba ang hanap mo? Paano si Yuuta kung magkasakit ka?" Inabot niya sa akin ang isang biscuit at juice. "Kainin mo ito para magkaroon ng laman ang tyan mo."

May napansin akong pasa sa braso niya. Kinuha ko ang braso niya para tanungin siya.

"Ano nangyari dito?" Kunot noo kong tanong pero bigla niya binawi ang kanyang braso.

"Wala lang ito. Nadulas ako kaninang umaga dahil nagmamadali akong pumasok. Ayaw kong mahuli sa unang araw ko rito."

"Sa susunod magiingat ka."

Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Coleen na nadulas siya sa kanila. Hindi naman clumsy si Coleen para madulas siya at magkaroon ng pasa sa braso.

Crazy In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon