[ Love Me Tomorrow.]
✒iamyourfictionalwriter
"lovee!!" Tawag sakin ni Tristan.
Tumingin ako sakanya, "Yes po?" Saad ko.
"i love you." Tristan said.
I smiled, "I love you too."
"Promise me na hindi mo ko makakalimutan kapag umalis ka na." Saad niya na ikinakunot ng noo ko.
"Ako? Aalis? San naman ako pupunta?" Gulo kong tanong.
"Oo, Sa tamang panahon iiwan at aalis ka na wala ako sa tabi mo. " Lumungkot ang boses niya sa sinabi niya.
Hinampas ko siya.
"Hindi mangyayari yun. Ano ka ba naman!" Natatawa kong saad.
Bakit ko naman siya iiwan? diba? Mahal na mahal ko siya. Pano ko siya magagawang iwanan?
"Loveeee!!" I called him out.
"Yess love?" Sagot niya sakin.
"Date tayo." I pouted.
We're still dating kahit na 10 months na kaming mag jowa. Everytime I asked kung nasan ang parents ko. He always ended up saying na hindi namin sila kasama.
Pagdating namin sa mga carousel. Para akong bata na tuwang tuwa.
"Loveee sakay tayo doon" Turo ko sa Ferris Wheel.
He nodded, "Okaay" He smiled.
Shit pamatay talaga ngiti niya kahit kailan.
"Staring is a crime love." Saad niya ng nakatitig lang ako sa gwapo niyang mukha.
Hindi ko pinagsisisihan na sagutin siya lalo na ng makilala ko siya. Sobrang saya ko ng maging kami, Ganon pa din naman kami ih. Walang pinagbago
Palagi siyang sweet, He cared too much for me. Kung ano pa rin siya nung nakilala ko ganon pa din walang pinagbago.
Papasok na ako sa ferris wheel gusto kong makita ang sunset mula sa taas. At alam ni tristan na gustong gusto ko ang sunset.
Pataas kami ng pataas dahil pinupuno pa nila bago kami tuluyang bumagal ang takbo hudyat na nagsisimula na.
I stared at his soft featured face.
"Tristan." Tawag ko sa kaniya.
He turned his gaze at me then smiled.
"Thank you for bringing me here." Saad ko na ikinatulo ng luha ko sa sobrang saya.
"Shh.." He wiped my tears. "Dont cry, I'll do everything for you." Saad niya na ikinangiti ko.
Hinalikan ko siya sa sobrang saya at Inenjoy namin ang view.
Sa sampung buwan na magkasama kami wala akong naging regrets kumbaga he's too perfect para sakin. Hindi ko nga alam kung anong ginawa ko sa past life ko at binigyan ako ng katulad ni Tristan.
He's too much for me.
Mamahalin ko siya hanggang sa nabubuhay ako.
Ikakasal pa ata kami nito sa future.
Natawa ako sa naisip ko. Damn, this thought.
Nang natapos kami sa ferris wheel lumipat kami sa bomb car na talaga namang na enjoy na namin.
As we reached the exit door, Nagsalita si Tristan.
"Love? Where do you want to eat? My treat." Saad niya at tsaka hinawakan ang kamay ko.
I hold him tight na para bang mawawala siya sakin anytime.
"Sa fastfood na lang. Tara uwi na tayo. I really enjoy it." Saad ko na nakapag pangiti sa kanya
He chuckled, "Halata namang nag enjoy ka. Tingnan mo yang labi mo mapupunit na sa sobrang ngiti."
Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas.
"BADTRIP KA TALAGA!" Saad ko.
He hugged me tight and kissed my forehead, "I love the way you smile lalo na kung ako ang dahilan nito." Perks of having Tristan Nicholas Tomlinson as your boyfriend. He can make you laugh so hard, He can make you smile na para bang mapupunit na ang labi mo, He can hugged you, Kissed you kahit na nasa public place kayo.
Inaamin ko sa 10 buwan na yon madaming naging challenges na dumating sa amin katulad na lang ng bigla kong pagkahilo at minsan nagdudugo pa ilong ko. Kaya nate-tempt si Tristan at sinusugod agad ako sa hospital.
He caressed my hair, "I love you, Yaz." He said.
"I love you too, Tristan. " I said and he gives me a peck on my lips.
"Nagugutom na ako. " Reklamo ko.
Nagmaneho siya until we reached the seaside na palagi naming kinakainan may mga banda na nag-guest minsan kaya hindi ka talaga maboboring kahit na pang sinauna ang tema ng chain na to.
Si tristan na ang nag order para sakin.
"Love, Washroom lang ako." Saad ko at tumango siya.
I walked inside the washroom. Naghuhugas ako ng kamay ng may marinig akong mga boses.
"Anak, please... Umuwi ka na."
"Yaz, Come on.. Dont leave us."
"Princess, Daddy misses you so much."
"Wake up now, Yaz. Everyone is waiting for you."
"Hey yaz. I didnt mean what happen to us."
Fuck thaaat voicess!
Nakahawak ako sa hamba ng lababo ng tumigil na ulit sila. Palagi ko silang naririnig kapag biglaan akong nahihilo.
Naghilamos ako at tumingin sa salamin.
"Bakit nila ako tinatawag? Kilala nila ako?" Saad ko sa sarili ko.
I wiped my face at bumalik sa mesa namin ni Tristan.
He stared at me.
"You okay?" He asked.
"Actually.." Naputol ang sasabihin ko ng dumating ang pagkain namin.
We talked a lot of things katulad na lang ng pag travel namin sa buong mundo na magkasama.
As we finish our dinner naglakad lakad kami bago umuwi.
Patawid na kami ng biglang may malakas na tunog at bagay ang rumaragasa papunta sa direksyon namin. Hindi kami makagalaw na para bang na stock kami sa kinatatayuan namin.
Nang palapit na ng palapit ang ilaw sa amin tanging sigaw na lang ng nga tao ang narinig ko at ang paghigpit ng hawak sa akin ni tristan.
Are we going to die?
Bago ako mawalan ng malay narinig kong nagsalita si Tristan.
"Magpagaling ka hihintayin kita ulit kita sa tagpuan natin. But before that, Live your life to the fullest and love me tommorrow. I love you baby.. so much." He kissed me.
Ayun yung hudyat na nawalan na ako ng malay.
Hirap kong galawin ang katawan ko. May naririnig akong tunog sa di kalayuan.
Konti konti kong binuksan ang mata ko at mga pamilyar na mukha ang nakita ko.
"Anak! G-gising ka naaa.."
"Si t-tristan ppo.." Tanong ko
"Tristan? Wala kaming kilala na tristan anak." Saad ni mommy.
Is he was only in my dream?
Why?..
"10 months kang nasa coma anak."
Tears started to fall into my cheeks.

YOU ARE READING
My One Shot Stories
Short StoryDito ko na lang ip-post lahat. You can message me for dedication. Gagawan ko kayo : )