CHAPTER 13: DETENTION

242 18 6
                                    

CALYX'S POV

Tinignan kami ni Athena na may blankong expression sa mukha. Biglang nawalan ng malay si Athena. Nagmadali akong binuhat si Athena at agad ko siyang dinala sa school clinic.

"Nurse tulongan niyo po kami. Nawalan po ng malay yung kaibigan ko. Please paki check po yung kalagayan niya." sabi ko.

Ihiniga ko si Athena sa stretcher para matignan ng school nurse. Nang biglang nag salita si Angel.

"What are you doing here Calyx? Bakit buhat buhat mo yang panget na yan? After what she have done to me. She dont deserve that." sabi ni Angel.
"Oo nga. Di mo ba alam na sinaktan niya si Angel. At dahil sakanya nabali ang braso ng kababata ko. Wala siyang kwentang kaibigan." sabi ni Kendrix.
"Pero wala naman ginagawang masama si Athena." sabi ni Zoey.
"Tama si Zoey. Walang kasalanan si Athena." sabi ko.

Biglang lumapit yung school nurse saamin.

"Sandali nga! Pwede ba! Kung gusto niyo magamot ang mga kaibigan niyo pwede ba manahimik kayo? LABAS!" sigaw ng Nurse.

Pinalabas kami ng nurse dahil sa sobrang ingay namin. Nang makalabas na kami, agad naman tinignan ng nurse ang kalagayan ni Athena. Sana naman maging okay lang siya. Hindi ko kakayanin pag may mangyari kay Athena. Di ko alam kung ano ang nararamdaman ko para sakanya pero ang lakas ng tibok na puso ko sa kaba. Pumunta muna kami ni Zoey sa chapel ng school para mag dasal. Makalipas ang 10 minutes, bumalik na kami sa clinic.

"Kamusta na kaya si Athena?" nag aalalang tanong ko.

Tinignan ako ni Zoey at hinimas ang likod ko.

"Wag kang mag alala Calyx. Si Athena ang pinaka matatag na tao na nakilala ko. Wag kang mag alala sakanya, hindi siya papabayaan ng Diyos. Magiging okay lang siya." sabi ni Zoey.
"Pero nangako ako sakanya na hindi ko siya pababayaan at poprotektahan ko siya pero hindi ko nagawa. Sorry!" sabi ko.

Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Lumabas yung nurse at inabot ang bag ni Athena saakin. Hanggang sa biglang..

"Bakit umiiyak ka?" tanong ni Athena.

Tumakbo ako papunta kay Athena at niyakap siya ng mahigpit.

"Sorry Athena. Kasi hindi kita naprotektahan." Umiiyak na sabi ko.

Tinignan ako ni Athena at pinunasan ang luha ko.

"Wag kanang mag alala. Okay lang ako. Wala ka din dapat ipagsorry kasi wala kang kasalanan. Kasalanan ko naman to eh. Kaya wag ka nang umiyak okay?" Nakangiting sabi ni Athena.

Dahil sa mga sinabi ni Athena, hindi ko na talaga alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sakanya. Basta ang alam ko lang, IMPORTANTE SIYA SAAKIN.

"Well! Well! Well! Anong drama nanaman to Athena? Pagkatapos mong landiin si Kendrix, si Calyx naman ngayon? Wow. Ano bang meron ka para lahat ng lalake maakit at landiin mo? Tandaan mo to Athena. Hindi pa tayo tapos." sabi ni Angel.

ATHENA'S POV

Umalis nalang kami at pumunta nalang sa Principal's Office. Nang malapit na kami sa pinto ng principal's office, nauna na akong maglakad at hindi na ako lumingon. Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Yung parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Di ko na alam kung anong gagawin ko. Nang biglang sumigaw si Calyx.

"OKAY LANG YAN! SUPORTADO KA NAMIN. IPAGLABAN MO ANG TAMA." nakangiting sigaw niya.

Napangiti ako dahil sa sinabi ni Calyx. Nagkaroon ako bigla ng lakas ng loob para ipaglaban kung ano ang tama. Habang papalapit ako ng papalapit sa pinto ng principal's office ng lalong bumibilis ang takbo ng puso ko sa sobrang kaba. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko pero nang lumingon ako, bigla kong nakita sina Calyx at Zoey na nakangiti habang buong puso akong sinusuportahan. Medyo gumaan ang pakiramdam ko nung makita ko sila.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon