CHAPTER 17: VIRAL PICTURE

242 18 4
                                    

ATHENA'S POV

Hanggang ngayon talaga hindi parin ako makapaniwala gaganda ako ng ganito. Nakakaloka. GANDANG HINDI KO INAKALA lang ang peg. Kahit saan ako mag punta pinagtitinginan ako ng mga tao pero ayoko na pagtinginan nila ako. Hindi naman sa nag iinarte o nag mamaganda lang ako, sadiyang hindi lang talaga ako sanay sa attention na binibigay ng lahat para saakin. Ehh ikaw ba naman lumaki bilang DAKILANG NOBODY ewan ko lang kung masanay ka sa ganito. Hay para akong lumulutang. Hindi ako makapaniwala na gaganda ako ng ganito. Pero okay lang. Siguro eventually masasanay din ako.

"Ahhhm bes gusto mo ng maiinom?" tanong ni Zoey.
"Ahh oo bes. Eh kanina pa ako nauuhaw eh." sabi ko.
"Sige bibili lang ako sa Starbucks ng maiinom. Mauna kana sa baba. Dun nalang kita hanapin okay?" sabi ni Zoey.
"Pero kinakabahan ako bes." sabi ko.
"Sa ganda mong yan kakabahan ka? Kaya mo yan!"

Naglakad na ako palabas ng mall ng biglang may isang lalake na bumangga saakin at nalaglag ang mga pinamili kong mga damit.

"Sorry miss. Hindi ko sinasadiya. Nag mamadali lang talaga ako sorry." sabi nung lalake.

Tinulungan niya akong pulutin ang mga damit at sapatos na nahulog. Nang biglang nahawakan niya ang kamay ko. In all  fairness gentleman siya. Buti nalang may mga natitira pang gentleman sa mundo. Akala ko kasi wala na eh. Medyo pamilyar ang boses niya saakin. Narinig ko na yun sa kung saan eh, hindi ko lang talaga maalala kung saan. Tinignan ko siya, nanlaki ang mga mata ko ng si Kendrix pala ang nasa harap ko.

Tinakpan ko agad ang mukha ko gamit ang buhok ko. Gusto ko sana magsalita pero parang biglang umurong ang dila ko at hindi na ako makapagsalita ng makita ko si Kendrix. Totoo ba to? Nakakaloka! Sa dinami dami ng makakabangga ko si Kendrix pa talaga? SHHEEEEET! ANG BILIS NG TIBOK NG PUSO KO. Agad agad kong kinuha ang mga pinamili ko at pumunta nalang ulit sa taas. Hanggang sa nakasalubong ko si Zoey.

"Oh bakit parang nagmamadali ka ata bes? Hinahabol ka ba ng mga fans mo? Okay ka lang ba?" Tanong ni Zoey.
"Ano ka ba bes! Hindi noh! May nakita kasi ako." sabi ko.
"Sino ba? Tao ba to?" tanong ulit ni Zoey.
"Ay hindi. HAYOP BES. HAYOP! MALAMANG TAO. SHUNGA KABA?" Sabi ko.

Tinignan ako ni Zoey ng may blankong reaksyon.

"Grabe siya! Ikaw na matalino! HAHAHA! Eh sino ba kasi yung nakita mo? Nacu-curious ako eh." sabi ni Zoey.
"Wag kang mabibigla okay?" sabi ko.
"Okay bes. Sino ba  ang nakita mo?"

Tinignan ko si Zoey ng may blankong expression at huminga ng malalim.

*INHALE.. EXHALE.. INHALE.. EXHALE..*

"Nakita ko si Kendrix. Hindi lang basta nakita kundi nabangga ko pa. Nakakaloka diba?" sabi ko.

Hindi sumagot si Zoey at tinignan lang ako with a poker face.

"Hindi ka ba nabigla bes sa nakita ko at nakabangga ko?" sabi ko.
"Diba sabi mo wag akong mabigla?" sabi ni Zoey ng walang reaction.

MINSAN TALAGA PURO GANDA LANG SIYA PERO SOBRANG
SHUNGA NAMAN. SIGURO LAHAT NG UTAK NETO NASA BOOBS NIYA LAHAT. KAKALOKA!

"Pwede kana mabigla bes." sabi ko.
"OHHHH MMAAAAAY GGHHHAAAD! SI KENDRIX LEE? ANO NAKILALA KA BA NIYA?" sigaw ni Zoey.

Biglang nagtinginan ang lahat ng tao ng dahil sa pag sigaw ni Zoey.

"Ang O.A mo bes. Pwede ba wag kang sumigaw. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh. Mahiya ka naman." sabi ko.
"Ohhhh Mmaaaaay Gghhhaaad! Si Kendrix Lee? Ano nakilala ka ba niya?" bulong ni Zoey.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon