CHAPTER 68: PREPARATION

89 7 0
                                    

KENDRIX'S POV

*EARLIER...*

Halos isang buong maghapon palang  ang lumilipas, pero miss ko na agad si Athena eh. Hay! Ano kayang ginagawa ng babaeng yun? Hay sobrang excited na akong makita siya. Hehehe. Habang naglalakad papapunta sa bus stop na pauwi, nakita ko si Kylie na nagpapakain ng pusa sa gilid ng kalsada. Isa din siyang intern sa pinapasukan kong hospital. Oo, sabihin na natin na maganda siya at sexy pero wala parin tatalo sa mahal ko noh! Para saakin si Athena parin yung pinakamaganda at pinaka sexy na babae na nakilala ko. Kahit sobrang takaw niya sa pagkain, lalo na pagdating sa HOTDOGS! Pero okay lang, SIYA PARIN YUNG MAHAL KO. Hehehehe.

"Oh? Kendrix, ikaw pala." Bungad ni Kylie.
"Hello Kylie. Ano yung ginagawa mo diyan?" tanong ko.
"Ah... Pinapakain ko lang yung pusa. Kawawa naman kasi  eh. Baka nagugutom na siya. Halos ilang araw ko na din ting ginagawa eh. Tara! Tulungan mo ako na pakainin yung cute na pusa." sabi niya.

Bigla akong napa atras at napakamot sa ulo ko ng dahil sa sinabi ni Kylie.

"Ah sorry Kylie. Allergic kasi ako sa balahibo ng pusa eh. Thats why I hate cats." sabi ko.

She look at me na parang gulat na gulat.

"Pero bakit hindi mo sila gusto? Eh ang cute kaya nila. Ginawan ko nga siya ng maliit na sumbrero eh. Para lalo siyang mag mukhang cute." sabi ni Kylie.

Bigla akong napangiti ng dahil sa sinabi niya.

"Oo nga. Ang cute niya nga. Parang si Athena." Nakangiting sabi ko.

Pero imbis na sumagot siya, she just look at me na parang ewan.

"Athena? Sino naman si Athena? Sister mo?" tanong niya.

I look at her and I smile.

"Nope! Hindi ko siya kapatid. Athena is my special someone. My future and my forever. She really likes cute stuffs thats why she really really likes hello kitty. Kahit saan ka magpunta sa bahay namin may makikitang hello kitty. Mula sa stickers, kurtina, notebooks, mug, paintings, maleta, ballpen at bedsheets. Anything basta related kay hello kitty meron siya. Nag mukha na ngang super girly yung bahay namin eh. Pero okay lang, I find it so cute. Lalo na pag kasama ko siya." Nakangiting sabi ko.

Bigla niya akong tinignan tapos ngumiti siya.

"Bakit ganyan ka makangiti Kylie. May mali ba sa sinabi ko?" tanong ko.
"Nako wala noh. Narealized ko lang na ang swerte swerte ni Athena kasi meron siyang sweet, mapagmahal, malambing, maalaga, mabait at higit sa lahat poging boyfriend kagaya mo. Sana makahanap din ako ng boyfriend na kagaya mo." sabi niya.
"Nako! Sigurado ako na makakahanap ka ng boyfriend na mas sweet, mas mapagmahal, mas malambing, mas maalaga at mas mabait pa kaysa saakin. Sigurado ako na nandiyan lang siya sa tabi tabi, naghihintay na mapansin mo siya." Nakangiting sabi ko.
"Siguro nga. Sige ah? Mauna na ako Kendrix ah. Medyo gabi na din kasi eh." sagot niya.

Paalis na sana siya ng bigla ko siyang tinawag.

"Kylie! Iiwan mo lang ba yung pusa dito? Kawawa naman siya oh." sabi ko.
"Ah oo Kendrix. Bawal kasi sa dorm namin yung animals eh." sabi niya.
"Ganon ba? Pwede ba akin nalang siya?" tanong ko.

She look at me so wierdly.

"Ha? Seryoso ka? Diba allergic ka sa pusa? Bakit mo kukunin to?" tanong niya.
"Ah hindi para saakin. Para sa girlfriend ko. Sigurado kasi ako na magugustuhan niya yan." Nakangiting sabi ko.

Hindi na siya sumagot at inilagay nalang sa loob ng bag ko yung pusa.

"Salamat kylie. Ingat ka sa pag uwi ah." nakangiting sabi ko.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon