CHAPTER 56: INTERNSHIP

99 4 0
                                    

ATHENA'S POV

*KINABUKASAN...*

Habang nag hihintay sa pag sisimula ng first class ko, naupo ako sa upuan ko at nag mukmok. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos ng dahil sa kakaisip ko nung nangyare kagabi. Nakakaloka! Ano ba yung ibig sabihin nung AKIN KA LANG tapos I LOVE YOU na sinabi niya kagabi? JUICECOLORED! PAKIRAMDAM KO MABABALIW NA TALAGA AKO NG TULUYAN. Hindi ko na alam ang gagawin eh. Hay! Kendrix naman kasi eh! T_____T

Lumapit saakin si Zoey at kinausap ako.

"Oh? Bakit ganyan yung itchura mo? Para kang pinagsukluban ng langit at lupa ah? Anyare sayo?" tanong ni Zoey.
"Eh kasi naman bes, tignan mo sila oh? Pinag chichismisan nila yung nangyare kagabi. Nakakahiya eh. " sabi ko sabay takip sa mga mata ko.

Maya maya pa...

"Hala? Nandito na si Kendrix." Sabi ko.

Biglang nagtinginan ang lahat ng pagdating ni Kendrix tapos nag chismisan sila. Nagmadaling naglakad papunta si Kendrix sa upuan niya. Tapos tinignan niya ako then he smile na parang ewan.

"Ah bes balik na ako sa upuan ko ah. Nakalimutan ko na may gagawin pa pala ako. Sabi ni Zoey habang nag mamadaling umalis.

Sobrang awkward yung nararamdaman ko ngayon. Ni-hindi ko nga siya matitigan sa mata eh. Nakakaloka! Ang bilis bilis bg tibok ng puso ko. Pakiramdam ko lalabas na yung puso ko sa sobrang kaba eh. huhuhu! T______T

Sa gitna ng nakakabinging katahimikan biglang nag salita si Kendrix.

"Athena tungkol pala dun sa nangyare kagabe......"

Hindi na natapos ni Kendrix yung sasabihin niya kasi biglang dumating si Calyx. Agad na kinuha ni Kendrix yung cellphone niya at nag kuwaring may ginagawa habang ako naman, nag drawing.

"Ehem! Mukhang busy ata kayo mag aral ah. Pero kailangan niyong mag concentrate at wag mawala yung focus. Look at you Kendrix, ginagamit mo yung cellphone mo ng pabaliktad. Ikaw din Athena, bakit ka nag dadrawing sa libro? Bawal yan ah!" sabi ni Calyx.

Oo nga noh? Bakit sa dinami dami ng pwede kong pagdrawingan, yung libro pa yung nakuha ko? Great Athena! GREAT! -_________-

"Siguro kailangan niyo munang kumain para makapag concentrate kayo sa pag aaral. Kaya bumili ako ng mamakain niyo." Sabi niya sabay abot nung pagkain saamin.
"Sa...salamat Calyx." sabi ko.
"Oh sige na. Aalis na ako ah. Eat well." sabi niya sabay alis.

******

MAKALIPAS ANG ILANG LINGGO...

Sa sobrang bilis ng mga araw, ilang linggo na pala ang nakalipas. Ilang linggo na rin ng hindi kami nagkikibuan ni Kendrix. Hanggang ngayon kasi awkward parin kami sa isa't isa ng dahil sa nangyare. Pero mas okay na yung ganon, yung wala munang kibuan para kahit papano makapag concentrate naman ako sa INTERNSHIP ko noh. Kailangan kasi tong pagdaanan ng every college student bago makagraduate. Nag apply ako sa isang maliit na company na gumagawa ng children's book. Kinuha nila ako as an intern illustrator ng mga libro nila. Pero sa kasamaang palad hindi kwento ko ang ginagawa ko. Kwento ng ibang writer. Balang araw makakagawa din ako ng sarili kong libro. Yung sarili kong love story. Hehehe. But for now, okay na din to kaysa wala diba? Sa katunayan nga this is my first day eh. Medyo malayo nga lang sa bahay at sa dorm namin pero okay lang. First day palang ng pagiging junior illustrator, pero super hectic na yung schedule ko. Ganon ba talaga pag baguhan? JUICECOLORED! PATONG PATONG NA YUNG TRABAHO KO NGAYON EH. KONTI NALANG TALAGA MABABALIW NA AKO. Pero hindi ako susuko. Kaya ko to  para sa pangarap ko.

*******

Hanggang sa bahay, dala ko parin yung mga trabaho na dapat kong tapusin at ipasa bukas. Takbo dito, takbo doon. Pasa dito, pasa doon. e
Eh halos hindi na nga ako matulog ng maayos para matapos lang yung mga trabaho ko. Nakakaloka! Ganito pala kahirap kumita ng pera. Akala ko pag nakagraduate ka ng fine arts ang dali lang ng buhay. Nakamali pala ako. Hay! Ano ba yan! -______-

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon