CHAPTER 34: HOUSEMATE

145 9 2
                                    

CALYX'S POV

Pagkatapos ng party ni Kaycee, nakita ko si Athena at si Kendrix na naglalakad palabas ng convention hall sa hotel namin. Sinundan ko sila hanggang sa bahay nila Athena at narinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Maraming salamat Kendrix sa pag hatid ahh?" sabi ni Athena.
"Ahhh wala yun. Basta ikaw Athena." sabi ni Kendrix.
"Ahh sige ahh. Pasok na ako." sabi ni Athena.

Papasok na sana si Athena ng biglang pinigilan ni Kendrix si Athena.

"Ah wait lang Athena, may sasabihin ako." Sabi ni Kendrix.

Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Ano yun Kendrix?" nakangiting sabi ni Athena.

Aamin na ba si Kendrix kay Athena? Ano tong nararamdaman ko? Bakit nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko silang dalawa magkasama? Gusto na rin kaya kita Athena? Siguro nga. Mahal na din kita. Handa na ba ako na masaktan sa maririg ko? Wala naman na akong magagawa. Aamin na si Kendrix eh. At alam ko din na hanggang kaibigan lang ako para kay Athena. Pero okay lang. Masaya parin naman ako para sakanila ehh. There's no place for bitterness. I should be happy to see my love happy. Hindi ko na tinapos ang pakikinig sakanila at pumasok nalang sa apartment ko.

"Hay ang laki laki nga ng apartment ko pero nag iisa ako. Siguro its about time para maghanap ako ng magiging roommate ko." sabi ko sa sarili ko.

Agad kong kinuha ang laptop ko at nagpost online tungkol sa available room dito sa apartment ko with contact number.

*WANTED MALE ROOMMATE.*

Matapos kong magpost, Nagbihis na ako at nahiga na. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

KENDRIX'S POV

KINABUKASAN..

Maaga akong nagising at bumaba para magprepare ng almusal. Although hindi ako marunong mag luto, nandiyan naman sina manang para turuan ako. Kasi itlog at hotdog lang ang alam kong lutuin eh at ang best part pa dun, SUNOG LAHAT! Ohh diba galing ko. Hahaha! Biro lang! Aba'y dapat matuto na akong magluto para in the near future pag asawa ko na si Athena, mapagsisilbihan at mapaghahandaan ko siya ng pagkain. Syempre obligasyon ko yun bilang asawa eh. Kaya ngayon palang magsisimula na akong mag practice. Since nandiyan naman si manang para turuan ako diba? Agad agad akong pumanta sa kitchen at kinausap si Manang.

"Good morning manang!" sabi ko.
"Oh? Ang aga mo ata nagising Kendrix. Gutom kana ba? Saglit lang, magluluto na ako." -Manang.
"Nako wag na po manang. Ako nalang po ang magluluto ng almusal para sainyo." sabi ko.
"Nako wag na Kendrix. Kaya ko naman ehh. Maupo kana lang doon at hintayin ako." - Manang.
"But I insist manang. Ako na po ang magluluto. Mag relax ka nalang po diyan. Okay?" sabi ko
"Sigurado ka Kendrix?" -Manang.
"Oo naman po manang." sabi ko.

Bigla akong tinignan ni Manang habang nakangiti.

"Bakit po manang? Bakit ganyan po kayo makatingin? May dumi po ba ako sa mukha?" Tanong ko.
"Ahh wala naman Kendrix. Proud na proud lang ako sayo. Hindi ko akalain na lalaki ng ganito. Sa tagal ng paninilbihan ko sa pamilya niyo, nasubaybayan ko ang paglaki niyo ni Kaycee. Hindi na nga ako nakapag asawa ng dahil sa paninilbihan ko dito pero alam mo, hindi ko yun pinagsisisihan kasi napalaki ko kayo ng mabubuting tao. Hay! Binata na talaga ang alaga ko." -Manang.

Lumapit ako kay manang at niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Salamat po kasi palagi kayong nandiyan para alagaan kami ni Kaycee. Kaya mahal na mahal ka po namin manang."  sabi ko.
"Mahal ko din kayo Kendrix. Alam mo, mamatay ako ng masaya ng dahil sainyo." -Manang.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon