CHAPTER 2

2 0 0
                                    

Ano ang gagawin ko, iibahin ko ba ang tadhana o hahayaan ko? 

Papasok na sana ko sa trabaho ng mag dalawang isip ako kung tutuloy ba ako sa meeting na importante o pupuntahan si Veronica? 

Mas nanaig pa din sa akin ang iligtas sya at ilayo sa kapahamakan.  ( Syempre ano pa nga ba? hmm?)

Nag mamadali akong pumunta sa lugar kung saan nangyari ang naka saad sa hinaharap. 

Nakita ko na si Veronica agad agad na nag lalakad malapit na isang convinience store. Malapit na sya sa tawidan kung saan nangyari ang insidente. 

Naglakad ako ng mabilis para abutan sya at mailigtas. 

Nakita ko na ang jeep na babangga kay Veronica, papalapit na ang jeep at papalapit na din si Veronica. 

Pag nag kataon ay sakto at magiging malakas ang impact nito kay Veronica na magiging dahilan nga ng pag kamatay nya, na hindi ko hahayan na mangyari sa kanya. Alam ko na may nararamdaman na ako para sa kanya at hindi ko hahayaan na may mangyari na hindi maganda kay Veronica.

Malapit na si Veronica sa tawidan at sinusundan ko na sya, agad din nya ako nakita at nagbilis din sya ng lakad. Sa huling pag kikita kasi namin ay hindi maganda ang naging tapos ng pag sasama at pag uusap namin. Kaya eto ngayon ay hindi ako pinapansin ni Veronica at ayaw makinig sa mga sinasabi ko.

Alam ko naman na kahit ano ang sabihin at kahit kanino din ay walang maniniwala sa mga sinasabi ko o sa mga sasabihin ko. Baka mamaya ay pag tawanan lang nila ako kapag sinabi ko na isa akong time traveler, nakakapunta at nakikita ko ang future pati nadin ang past. Pero wala, walang maniniwala unless kakilala ko tulad ni Dave.

Veronica makinig ka naman sakin oh, samahan mo lang ako, importante lang. Wala kasi ako ibang kakilala na pwede sumama sakin, alam ko ikaw lang. Saka isa pa busy din si Dave at alam ko na di din yon papayag- Alibi ko kay Veronica para hindi sya tumuloy sa pag tawid at para hindi matuloy ang akaidente. 
Alam mo Jonathan, itigil mo na yan. Umalis kana! Wala ka bang ibang magawa? Wala ka bang trabaho? Mag paka busy ka nalang sa office mo. Para mas lalo ka yumaman at mag ka pera, di ba ayan naman gusto mo? - Sagot sakin ni Veronica habang nag lalakad na halata mong galit dahil sa pag bigkas nya ng bawat salita.

Sa ayaw nya sakin makinig, hinarang ko na sya para makadaan na ang jeep at hindi na din sya tumuloy sa pagtawid. 

Pero hindi sya nag patigil at inalis lang ang kamay ko. Kaya ngayon nakaka ilang hakbang palang sya ay hinatak ko na sya, habang padaan ang jeep. 

Natumba kami ng malakas sa pag kakahatak ko sa kanya at napahiga kami sa may bangketa. 

Mas lalong nagalit si Veronica sa nangyare. Agad syang tumayo at umalis sa pag kakahiga namin sa kalsada. 

At imbis na tumawid nalang ay nag dere-deretso nalang sya sa pag laakad. Sa awa ng Diyos ay nabago ko ang nakasaad aa hinaharap na dapat ay mawawala na sa mundo etong babae na hinatak ko. Pero yung jeep, nabangga sya sa may puno, dahilan sa mabilis na pag papatakbo ng driver at hindj dahil sa biglang tumawid si Veronica. May ilang sakay ang jeep, pero makikita mo na halos lahag ng sakay ay sobrang ayos lang at wala natamong mga sugat at gasgas, kabilang na ang driver at konduktor. Lahat ng nakita ko sa future ay sobrang iba sa nangyare ngayon na aksidente.  Pero Teka? N A B A G O K O? Nabago ko talaga? Naiba? Paano? 

Ngayon lang nangyari to sa buong buhay ko, naiba at nabago ang naka saad sa hinaharap. Pero bakit? Bakit pumanig sakin ang kapalaran. 
Sa kakaisip ko kung totoo ba talaga itong nangyayari o hindi. Hindi ko namalayan na ang layo na pala ng nalakad ni Veronica. Pero hinayaan ko nalang muna dahil alam ko na mainit ang ulo nya sakin, dumagdag pa tong nangyare ngayon. Hindi man lang nag pasalamat e no? hahahaha ni wala ngang pake don sa jeep na nabangga.
Wala syang idea na nailigtas ko buhay nya ngayon ngayon lang no hahahaha.
Hinayaas ko nalang sya na umalis dahil alam ko naman na ligtas na sya sa aksidente. Ligtas sya ngayong araw at pipilitin ko ma iligtas pa din sya at protektahan bukas, sa makalawa at hanggang nabubuhay pa ko.
Hindi ko din alam kung ano ba tong nararamdaman ko, totoo ba o ano? haha grabe mukang tinamaan na nga ako. 24 years na akong nabubuhay at kahit kailan wala akong nagustuhan na babae. Tulad nga nung sinabi ko, kahit saan at kahit kanino wala akong pake. Sarili ko ngang kompanya wala akong naiaambag pag meeting. Si Dave lang talaga lahat kumikilos, sobrang hard working at tapat sakin pati na sa company. Lahat gagawin na para bang kala mo sya ang CEO hahaha. Kaya mahal na mahal ko yang kaibigan ko e.  Tapos lahat din ng sabihin ko sinusunod at ginagawa. Pero pag ako? Lahat ng sasabihin nya, as always WALA AKONG PAKE HAHAHA. I mean hindi naman sa totally na wala akong pake. Hindi ko lang talaga trip o gusto gawin mga sinasabi nya AT sinasabi ng iba haha.
4: 45 na ng hapon at eto ako ngayon nag lalakad pauwi. Hanggang ngayon nasa kalsada pa din ako, yung dapat ipupunta ko sa meeting kanina e tumakbo ako papunta kay Veronica kaya eto ko ngayon, Walang sasakyan. Wala din dalang wallet pamasahe hahaha. Dumaan ako sa company para dun nalang kumain. Nag madali din ako umalis kaya di na ako nakahiram ng pera kay Dave. Haha nag madali ako umaalis ng hindi ko man lang alam ang dahilan.
Habang nag lalakad ako ngayon, wala ng ibang tumatakbo sa isip ko kung hindi si Veronica. Simula sa nangyare kanina hanggang sa ngayon sya lang nasa isipan ko.

Bakit parang may pinapahiwatig pa ang future?

May iba pa bang pinapahiwatig ang hinaharap kaya pinakita sakin ang Future ni Veronica?

Ano ang pinapahiwatig nito? Kailangan ko malaman at matuklasan. Kailangan ko pumunta sa Future at alamin ito. Sa future doon ko malalaman ng sigurado kung ano ang meron samin ni Veronica o kung meron man.

Kailangan ko matulasan kung ano nga ba talaga ang koneksyon namin ni Veronica.
Sino ba talaga sya sa buhay ko?

To be continued...

My TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon