Kasalukuyan akong nakasakay sa aking magarang sasakyan papunta sa aking trabaho. isa akong CEO, ang business ko ay sapatos. sikat at kilala sa bansa maging sa kalapit bansa ang aking mga sapatos, bigla akong napatigil sa kakamasid sa aking mga nadadaanan ng biglang kong marinig sa radyo na panalo ang paborito kong basketball team sa naganap na PBA 2022 (shoeter) * February 20, 2022
*April 4, 2020 ( Kasalukuyan/Present)
Pumunta ka na naman sa future? Diba sabi ko sayo tigilan mo na iyan, mamuhay ka nalang ng normal jonathan. Bungad sakin ni Dave, isang matalik na kaibigan/Driver.
Alam mo na kahit gaano ko kagusto na wag gawin, hindi ko pa din alam kung bakit ko ginagawa. Gulo ko din e, hindi ko maintindihan sarili ko. Parang may gusto ako malaman pero hindi pa sya nangyayari sa future. Sagot ko naman sa kanya.
Magulo ka nga, oh ngayon, ano nanaman nakita at nalaman mo sa future? Tanong sakin ni Dave
Ay oo pre, grabe! alam mo ba February 20, 2022 nanalo yung paborito kong basketball team sa PBA after 1 dacades. Biruin mo yon, hahahahahaha astig nga daw ni romeo eh! Wooo siguro sya ang MVP ngayon - tuwang-tuwa na sabi ko sa kanya.
Hahaha hay nako, bumaba kana at mauna umakyat. ipapark ko na itong sasakyan - sabi nya sakinHindi ko namalayan na nakadating na pala kami sa kumpanya kaya agad naman akong bumama ng sasakyan at dumeretso sa aking opisina.
Ako yung CEO na tamad, walang pake sa mga meeting na nagaganap at madalas wala sa opisina. oo madalas. Dahil lagi ako pumupunta sa future. Lahat ng pwedeng mangyari nakita ko na sa future, sunog, kidnap, pag nanakaw at maging pagpatay/pagpatay ay nasaksihan ko na. Pero ako din yung tipo ng tao na walang pake, ni isang beses hindi ko sinubukan na baguhin o ibahin ang tadhana. Hanggang sa may naramdaman akong kakaiba na bigla ko nalang nilagtas yung isang babae na muntik ng masagahan at mamatay.
Isang babae na minsang ng naging sikat nung kanyang kabataan. Siya si Veronica. Sumikat sya nung kabataan nya sa edad na 10 years old. Napakagaling nya kumanta, sa edad nya na sampu ang dami nyang napahanga na tao. Kahit ako di ko makakaila na magaling sya. Pero bakit? Bakit ko sya kailangan iligtas? Hindi ba dapat hinayaan ko lang sya tulad ng ginagawa ko?
September 15, 2020 (Hinaharap/Future)
Patawid na si Veronica. Nakita ko na may paparating na jeep at napaka bilis ng takbo, ngunit hindi nya ito napansin at dumere-deretso pa din sya. Doon ako nag balak na sagapin at iligtas sya.*April 15, 2020 ( Kasalukuyan/Present)
Napaisip ako kung itutuloy ko ba ang nangyari sya future. Ililigtas ko ba talaga sya? Limang buwan nalang bago mangyare yun hay….
oyyyyy!! napaka lalim naman ng iniisip mo. ano yan ha? may nakita ka ba na hindi maganda? Tanong sakin ni dave.
Ha? Ah wala to. Sagot ko naman
Hindi mo ako maloloko. Ano yan ha? Sabihin mo na. Kilala kita pre. Sagot din nya sakin
Ano kasi eh, pre kilala mo si Veronica? Yung sikat dati? yung magaling kumanta. Nakita ko sya sa future. Sabi ko kay Dave
Nakita? Bakit ano bang nangyari? – Dave
Muntik na sya masagasaan habang patawid, tapos niligtas ko sya. Sabi ko sa kay dave
Ano? Niligtas mo? wowww kailan ka pa nag karoon ng pake sa ibang tao? Eh sa akin nga wala ka din pake e hahahaha - Tuwang sabi nya sakin
hahaha hindi ko din alam pre. Limang buwan nalang bago mangyari. September 15, 2020 jusko- Sabi ko
Alam mo, mag trabaho ka nalang. para naman malibang libang ka. Sabi ko sayo itigil mo na yang pagpunta punta. Ngayon ayan nangyari haha. Bago ko mag paka busy dito, tara sa cafeteria. Gusto ko ng napakainit na kape. Ang lamig sobra. - Yaya sakin ni dave
Ikaw nalang. May lakad ako. Ikaw na bahala dito sa trabaho haha - sagot ko sa kanya*April 20, 2020 (Kasalukuyan/Present)
Mahigit dalawang linggo na mula ng masaksihan ko sa future ang nangyari. Hanggang ngayon di parin mawala wala sa isip ko. Gusto ko mawalan ng pake, at pinapanalangin na sana wag ng mangyari, pero ang tadhana ay tadhana. Bahala na. yan nalang ang lagi kong nasasabi.
Isang buwan, dalawa buwan, tatlong buwan ang nakalipas. Ang tanging ginawa ko lang ay Punta sa future balik sa present. Binili ko ang mga bagay na bago sa future na wala pa sa kasalukuyan. Inaalam ko din kung may kakalaban ba na sa negosyo ko na sapatos. pero so far wala pa naman. Kaya eto pa din ako, chill lang at kampante pag dating sa trabaho. Syempre nalalaman ko kasi kung malulugi, babagsak o mas lalong magiging sikat pa ang business ko haha.
Kasama ko ngayon ang isa pang matalik ko na kaibigan, kaibigan mula pag ka bata. Magulang nya at magulang ko ay minsan din naging mag kaibigan. Nasa Isang fast food kami ngayon at kumakain habang nag kwekwentuhan haha syempre. Mahigit isang buwan din kasi kami nung huli kaming nag kita. Pumunta sya sa London para sa isang business, kaya eto more more kwentuhan haha. Nga pala Kelsea ang kaniyang pangalan.
So anong balita Jonathan? - Kelsea
Eto tamad pa din hahahaha - Sabi ko
Hay nako kailan ka ba mag babago? Si Dave nalang lagi ng subsob sa trabaho. CEO ka ba talaga? haha - Kelsea
Wala akong balak mag bago hahaha - sabi ko ulit sa kanya
Eh ikaw, kamusta ano balita? Dugtong na tanong ko
Eto, ayos lang at maganda ang kinalabasan ng project sana mag tuloy tuloy na haha, ang bait ni Mr. Hockey e - Kelsea
Oh really? Good for you, saka kay tito. If you need help, you can ask me anytime ha - Sabi ko
Mahigit isang oras at kalahati din kaming nag kwentuhan, nag papasama pa sana sakin mag shopping pero hindi ako pumayag hehe tinamad ako e.
Umuwi na ako at hindi na dumaan pa ng opisina. Nag paalam naman ako kay dave kaya okay lang.
Ng bigla ko nanaman maalala si Veronica, hindi ko maintindihan kung bakit ko ba pinoproblema to. Dalawang buwan nalang at mangyayari na.
BINABASA MO ANG
My Time
De TodoProlouge: Ako si Jonathan. Isa akong time time traveler. nakakapunta sa future life ko. Lahat nakikita ko kung ano ang pwede mangyari after 1,2,3 o kahit 20years pa. Nakikita ko kung sino ang babawian ng buhay pero wala akong pake sa mga bagay na pw...