CHAPTER 7

1 0 0
                                    

Alam mo, hindi naman na natin kailangan mag ligawan ng napaka habang panahon. Bakit Hindi na natin simulan ngagon? - Sabi sa akin ni Veronica

Simulan? Simulan ang alin? - tanong ko kay Veronica, na kunwari hindi ko alam ang sinasabi nya

Eto. Itong tayo haha - Veronica

You mean. Tayo na? In short tayo na ganon? - Tanong ko sa kanya

Oo, hindi ko alam kung ano nakita ko sayo, pero nung naalala mo ng minsang tayo uminom dalawa. Dun ata ko na fall, pero nawala ka sa isipan ko e. Mula nung mag ka problema. Sarili at Pamilya ko lang naalala ko nung mga oras na yun. Pero after maliwanagan isipan ko, ikaw agad unang pumasok sa isip ko. Kung gusto kita makausap ulit kaya hinanap ko yung company mo. And I found you haha - Sabi sa akin ni Veronica

Thankyou for finding me. And thankyou for being my girlfriend. - Nag aalangan pa na sabi ko kay Veronica

Oh bakit parang napilitan ka dyan, hahaha ubusin mo na yan para makaalis na tayo. Para na kasi akong sikat na artista na naman dito. Kanina pa naka tingin sa akin mga tao, baka mamaya pag mag pa selfie pa yang mga yan sa akin eh haha -  Veronica

HAHAHAGA tara na nga, baka mamaya may lalaki pang mag pa selfie sayo tas akbayan ka. Ayoko, kakabigay mo lang mg OO mo tapos may aangkin na ibang tao sa iyo hahahaha - Me

Ano ba yan corny mo ha hahaha tara na. Hindi mo ba uubusin yan? - Veronica

Hindi na. Saan mo gusto sunod na pumunta? Cine? -  Pag aaya ko

Mahigit 8:30 pm na ng makauwi ako sabay, hinatid ko pa kasi si Veronica sa bahay nya. After namin kumain non, e nag punta kami sa Star Kingdom haha, nag rides at sumakay sa Perris Wheel. Sobrang saya ng araw na ito, hinding hindi ko malilimutan.

Bago kami mag hiwalay, nag paalam sya sakin na magiging busy daw sya bukas. Mag kailangan lang daw sya ayusin. Baka matapos na daw ng gabi yon at baka hindi dw sya makapag text dahil busy. Sabi ko na okay lang at mag ingat nalang sya. Tawagan or text ako pag pa uwi na, para ihahatid ko sya sa bahay. Mahirap na umuwi ng gabi, baka mapano pa sya.

Kaya naman naisipan ko din na pumunta sa future bukas hanggat busy din si Veronica. Baka may iba pa akong bagay na kailangan malaman tulad ng aksidente na sinasabi nya kaya kamk ng hiwalay. 

Aftef ko mag shower at magbihis, humiga agad ako sa kama kahit basa pa ang buhok ko. Ang sakit din kasi ng likod ko, at kailangan ko na ipahinga. Ilang minuto lang din ay naka tulog agad ako. Dahil na din sa sobrang pagod.

At exactly 7 in the morning ng magising ako. Nag hintay pa ako ng 10 minutes para tumayo, medyo tinatamad at antok pa ko haha.

After ko kumain at maligo, umalis na din ako agad. Pag ka sakay ko ng jeep ay tinext ko muna si Veronica bago mag maneho.

"Goodmorning love! Hindi ko alam kung gising ka na ba o kung tulog ka pa. Pero pag nabasa mo na to, huwag mo kalimutan mag breakfast bago ka umalis mg bahay dahil alam ko na busy ka ngayon tulad ng sabi mo. Huwag mo pa din masaydo pagudin sarili mo ha? Kumain ka sa tamang oras at mag ingat kung saan man pupunta. Mag text ka sa akin pag pa uwi ka na ha? Pupuntahan kita agad at susunduin. I love you so much!" - Text ko kay Veronica

After ko naman isend ang text ko ay umalis at nag maneho na din ako agad para mas maaga ako makabalik.

May 12, 2021 ( Future/Hinaharap)
8 months mula sa present. Napunta ako sa isang resto bar around 9pm, I saw myself na sobrang lasing na lasing at may kasama na babae. Pero yung babae na kasama ko is not Veronica. I saw my self na kahalikan ko yung babae. At kitang kita ko naman na parang wala na naman ako sa sarili dahil sa pag ka lasing pero yung babae e hindi naman ganon ka lasing. Sya ang una na yumayakap sa akin, at humalik. Maya maya pa nakita ko si Veronica na pumasok sa Resto Bar, nagulat sya ng makita ako na nakikipag halikan sa babae na kasama ko. Binilisan nya ang punta sa akin, at sinampal ako ng pag ka lakas lakas. Sinigawan pati ang babae na kasama ko. Halos lahat ng tao na nandon ay nakatingin sa amin. Nakita ko na umiiyak sya habang binabanggit yung mga kataga na " Ano bang kulang sa akin, bakit kailangan mo ako lokohin Jonthan.  Mag 8 months pa lang tayo pero hindi kana nakatiis at nag hanap ka agad ng iba. Anong mali sakin. May mali ba akong nagawa?!" Sobrang nanlumo ako habang nakikita ko sya na ganon.

Nasaktan ako ng makita ko nasasaktan at umiiyak si Veronica don. Lumabas na agad ako mg Resto bar at bumalik sa present. Hindi ko kaya yon. Napaisip ako na baka ayun ang dahilan kung bakit kami nag hiwalay. Baka dahil don kaya nawala ang tiwala sa akin ni Veronica.

Hindi ko hahayaan na mangyari ang naka saad sa future. Kailangan ko mabago ulit yon. Hindi ko kaya kung mawawala sa buhay ko si Veronica. Ayaw ko na ng iba, sya lang ang gusto ko makasama hanggang pag tanda ko.

11 am na sa present, walang akong ibang pinuntahan kundi sa office lang. Nag hihintay lang ng text ni Veronica. Mayat maya ay tingin ako ng tingin sa Cellphone ko kaya napansin ako ni Dave.

Kanina ka pa tingin ng tingin dyan. Sino ba hinihintay mo mag text o tumawag? At saka ano nangyari sa inyo kahapon ni Veronica ha? - Tanong ni Dave

Pre, wag kang magugulat. Mabilis man pero wala eh, akin talaga. hahaha kami na Dave - pag sasaad ko kay Veronica

Wow wow wow wow!! Ang tinik mo pre ha hahahahaha pero hindi na ako mag tataka nako, so pano congrats!! Shot na mamaya? - pag yaya ni Dave sa akin

Depende sa schedule. Nag hihintay ako ng text ni Veronica eh. Baka gabi pa yon, kailangan ko sunduin at ihatid sya bahay. Baka kung ano pa mangyari. - Sagot ko

Wow talaga haha! Boyfriend na boy friend ang ganap talaga. Sabagay Girlfriend over Best friend na haha joke. Pero sige unahin mo ang jowa mo. Ngayon ka lang nag ka ganyan, ibigay mo na lahat - Sabi naman ni Dave

Syempre haha iba tama ko dito. Hindi ko ma explain haha. - Me

6pm na pero wala pa din text o tawag man lang si Veronica. Pero kanina nag reply sya akin hehe. Kaya naman ngayon ay ako ulit nag text sa kanya.

"Busy? Hindi ka pa ba tapos? Ano oras ka makakauwi? Susunduin kita" Text ko kay Veronica

After 30 minutes bago sya mag reply.

"Saglit na lang to, matatapos na ako love. Text ako pag okay na" Reply nya sa akin

Kaya ako walang magawa kundi ang maghintay lang sa text nya tutal malapit na naman matapos.

7:30 pm ng sinundo ko sya sa fast food. Tinanong ko kung ano ba ang nilakad nya, pero sabi nya secret daw muna. Saka nalang daw nya sasabihin sakin pag approved na.

Nahatid ko na sya at ako umuwi din agad.

Novermber 23, 2020 ( Kasalukuyan/Present)

Eksaktong 2 months ng maging kami ni Veronica. Ang daming nangyari pero halos lahat ay maganda at masaya.

Ngayon ay hinihintay ko sya sa restaurant na pinag kainan namin nung unang araw na naging kami. Syempre we celebrate our second monthsary. In Fact, ni rent ko ang restaurant na ito for 24 hours. So wala ng ibang tao na mag bubulungan na naman sa paligid ng hindi magagandang sakita sa Girlfriend ko.

Itutuloy sa suaunod na kabanata.

My TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon