CHAPTER 3

1 0 0
                                    

Kailangan ko matuklasan kung ano nga ba talaga ang koneksyon namin ni Veronica.
Sino ba talaga sya sa buhay ko?

*September 22, 2020 ( Kasalukuyan/Present)

Isang linggo na ang nakakaraan mula nung dapat mangyayare na aksidente kay Veronica. Isang linggo na pero after that incident wala pa akong balita sa kanya. Pumupunta ako sa fast food na pinag tatrabahuan nya pero hindi ko sya nakikita na pumapasok. Tinanong ko naman yung isa nyang kasamahan kung na saan si Veronica pero sabi nila hindi din daw nila alam, nag tataka din daw sila kung bakit isang linggo na absent si Veronica hayy.

Wala ako idea kung saan ko paba pwede hanapin at matagpuan si Veronica kasi kahit mga kasamahan nya wala din silang number ng cellphone. Nag makaawa ako sa manager pero hindi daw sila pwede mag bigay ng information. Mag bibigay na lang din daw sila ng balita sakin once na ma contact na nila si Veronica.

Wala ako magawa kundi mag hintay dahil hindi ko nga alam kung saan ko ba hahagilapin tong babae na ito.
Boring na Boring nanaman ako dito sa Office. Tamang upo at tulog lang haha. Kaya nag isip na lang ako na gumala. Syempre ibig sabihin non e pumunta sa future. Madami pa ako gusto malaman, ang dami ko pang tanong na gusto ko malaman ang sagot. Sino si Veronica sa buhay ko? sino sino sino?

*February 22, 2022 ( Future/ Hinaharap)
Nasa hinaharap ako na nag hahanap din ng sagot sa mga katanungan. Isang oras na mula ng pumunta ko sa future pero hindi ko pa din makita si Veronica.
Kailangan ko pa ata na mag lakad ng buong araw para matagpuan sya.
Pero bago ko simulan ang hamon hahaha, kumain muna ko sa isang sikat na kainan sa taong ito (2022). Excited na ako na matikman to ng mga tao sa present.

Agad akong natapos sa pag kain para nasimulan nanaman ang pag hahanap sa babae na yon haha. mag pakita kana Veronica oh.

After 1 hour and 30 minutes, napatigil ako sa isang art gallery. Nabighani kasi ako sa sining na nakita ko. Ang ganda nya sa mata at nakaka pang akit sa mga taong dadaan doon. Hindi ako nag dalawang isip na pumasok at tingnan pa ang ibang mga sining sa loob.

Pag pasok ko, mas lalo akong napa mangha sa sobrang gaganda ng mga larawan na nakasabit sa mga dingding. Parang halos lahat gusto ko iuwi sa bahay. Ewan ha, pero nag ka pake na naman ako sa mga bagay na ganito.

Habang tinitingnan ko ang mga larawan, may isang babae ang lumapit sakin. Nag tatrabaho ata sya dito sa art gallery na to.

Hi sir! Kamusta po ang mga sining namin dito? May gusto po ba kayo bilhin? Parang halos lahat nagustuhan nyo po ah. Alam nyo po ba, ang tagal pinag isipan nyan ni Mam bago nya ilabas yang mga larawan. Gusto nya ipag kait sa tao, pero dalawang linggo palang po nung mula kaming nag bukas, pero sobrang dami na ang pumunta at humanga sa mga gawa nya. - Bungad ng babae sakin.

Na pa oo nalang ako sa haba ng sinabi nya sakin. Bigla din kasi ako napatigil sa pakikinig sa kanya, ng bigla kong makita yung isang larawan. Bakit sobrang familiar sya sakin.

Dalawang bata na masaya at sabay na nag pipinta sa semento ng kalsada. Puno ng makukulay yung ipinipinta nila. Ayan, yan yung sining na nakasabit sa dingding na nagbigay pansin sakin.

Bakit parang mas duma dami ang katanungan sa isipan ko. Bakit lalong dumami ang mga kasagutan na gusto kong malaman.

Bakit? Bakit Ako nandyan sa larawan?
Oo ako yung isang bata na nasa larawan, at yung isang bata ay yung nakilala ko nung ako ay 8 years old. Nag kakilala kami sa play ground, nakita ko sya non na mag isa at walang kalaro. Niyaya ko sya makipag laro sakin, para naman may kasama sya. Doon nag simula ang pag kakaibigan namin. Nakilala ko sya bilang isang magaling mag drawing. Nakakabiliba pag sinimulan na nya mag drawing at mag pinta sa edad na 8years old.

Oo noon, masaya ako at nakikihalubilo sa mga tao. In short may pake pa sa mga nang yayare haha.

Pero bakit nga ba ako nandyan sa larawan? Alam ko na ako yon. Sino ang nag pinta ng imahe na yan? Gusto ko sya makilala at makita. Siya kaya yung bata na nakalaro ko non?

* September 22, 2020 ( Kasalukuyan / Present)

Gabi na at kailangan ko na din umuwi, hindi ako pwede mag tagal sa future at baka hindi na ako makabalik ng mismong araw. Nasarahan kasi ko non at doon na natulog sa future na bawal mangyare dahil may posibilidad na hindi ako makabalik sa present.

Nakahiga lang ako ngayon habang nanonood. Or shpuld i say, nakabukas ang TV at lutang sa dami ng iniisip. hahaha mas lalo gumulo isip ko, hindi ko na nga nakita si Veronica may dumagdag pa. Sino na nga ba yung bata na kalaro ko noon at sya ba ang lumikha ng larawan kanina? hay gusto ko nalang muna matulog pero paramg sasabog na ulo ko sa dami ng isipin haha.

Dave, saan ka? - Text ko kay Dave

Bakit? Nasa bahay na, ano na naman problemo mo haha? - reply nya sakin

Inom tayo, pampatulog lang. Hirap ako makatulog ngayon e - sagot ko sa kanya

Osige, inom lang pala e. Basta alam na. Sagot mo lahat! - tuwang reply nya sa akin

Alam nya kasi na pag nag yaya akp mag inom e matic na sagot ko na lahat pati pulutan. Kuripot kasi tonh si Dave. Bilang pa lang ang libre nya sakin, mga 5 hahahaha.

Oo sige, ano pa nga ba? dali, uhaw na uhaw na din ako hahaha - reply ko din sa kanya

Mga 15 minutes lang nag tagal ng dumating si Dave. Sa pag yaya ko lang kasi nakakapag relax tong kaibigan ko. Sabi ko nga, napaka sipag sa trabaho haha.

Kwento doon, kwento dito. Tumagal ng dalawa at kalahating oras ang pag iinom namin ni Dave. After non bumgsak na ako sa pag kakaantok ganon din naman si Dave.
Kinaumagahan, pag gising ko. Hindi ko na maaninag si Dave, maaga siguro umuwi at syempre kahit gaano sya ka pagod, papasok at papasok pa din sya sa trabaho haha.
Pero ako? eto tamad na tamad tumayo palang haha. Sobrang mag kasalungat talaga kami  ni Dave.

Pero bigla ko naaalala na kailangan ko pumunta ulit sa future hindi para hanapin si Veronica, kundi para makilala at mahanap yung nag pinta ng larawan na yon.

* February 26, 2022 ( Hinaharap/Future)
Apat na araw sa future mula ng nag punta ako. (Feb. 22, 2022). Agad ako nag punta sa Art Gallery na nakita, pero nakapaskil doon na 11 pa ng umaga ang bukas nila. Sa sobrang excited ko 8:30 am nandito na agad ako nag gagala sa future, kaya ngayon kailangan ko mag hintay ng dalawang oras mahigit.

After 2 hours and 45 minutes.

Bumalik ako sa Art Gallery, at Yes! Bukas na nga haha dali dali akong pumasok at nakita si ate na nag tanong sakin nung una akong pumunta dito.

Ngayon tinanong ko naman sya, kung pwede ko ba makilala yung gumawa nga nung larawan nung dalawang bata. Sabi naman ni ate na, pwede naman daw at madalas nga daw makipag usap yon sa mga tao na dumadalaw sa Gallery na to.
Maghintay lang daw ako ng 15 minutes, lalabas daw yung gumawa nga non.

After 15 minutes...

Sir, palabas na po si mam - sigaw sakin ni ate.

Okay sige, Salamat! - pag papasalamat ko naman sa kanya.

Nung naririnig ko na ang tunog ng bawat hakbang nya pababa ng hagdan, agad ko sya tiningala at doon ko nasilayan ang mukha nya.

Nagulat ako ng makita sya. Bakit sya? Sya din ba yung babae na kalaro ko nung bata kami?
Bakit si....

To be continue....

My TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon