CHAPTER 9

1 0 0
                                    

Maya maya pa, dalawang babae at isang lalaki ay umuwi na din. Apat nalang kaming natira, Yung babae sa future, at yung dalawa ay mag jowa pa pala.

Di nag tagal nag paalam na din sila na uuwi na. Tinanong nila yung babae kung sasabay na ba pero sabi nya mamaya na daw. Hindi na ko matingin ng deretso dahil ramdam ko na talaga ang pag ka lasing. Maya maya pa, tumabi na sakin ng babae. Onti onti na sya lumalapit at nararamdaman ko ang pag haplos nya sa likod ko. Bigla sya bumulong sakin
"Alam mo sir, mula ng makita kita iba na talaga ang tingin ko sayo. Matagal na kita gusto.''
Pag ka banggit nya sakin ay bigla nya nilapit ang muka ko sa muka nya. Naramdaman ko ang labi nya sa labi ko.

Gusto ko labanan ang tukso pero wala ko nagawa at bumigay ako. Mas lalo uminit ang nangyari sa amin ng babae. Ilang minuto din nag daan pero andun pa din kami at patuloy sa pag inom.
Bumalik kami sa pag hahalikan at doon na pumasok at sumugod si Veronica. Bigla akong natauhan ng bigla sya sumigaw, hinila nya ang buhok ng babae.
Sigaw sya ng sigaw sa aming dalawa. Galit na galit sya. Hinampas hampas at sinuntok suntok din nya ko. Nakita ko na umiiyak sya habang nagagalit sakin at binabanggit ang mga salita na "Ano bang kulang sa akin, bakit kailangan mo ako lokohin Jonathan.  Mag 8 months pa lang tayo pero hindi kana nakatiis at nag hanap ka agad ng iba. Anong mali sakin. May mali ba akong nagawa?!". Yan mismo ang mga kataga na binanggit nya at yun nga din mismo ang narinig ko ngayon. Pag ka sabi nya ay bigla nalang sya umalis habang umiiyak. Hinabol ko sya, pero bigla sya sumakay ng taxi.

Bigla na lang din ako umalis at dumeretso sa bahay ni Dave. Hindi ko alam gagawin, kailangan ko ng tulong ni Dave ngayon.

Oh bakit? Kakatapos nyo lang? Parang di ka nalasing ah? - Tanog ni Dave

Hindi ko na sinagot pa ang tanong ni Dave at bigla na lang ako nag open sa kanya.

Pre, may malaki akong nagawa kasalann kay Veronica. Nadatnan nya ko nakikipag halikan sa isang empleyado, pre maniwala ka, hindi ko alam kung bakit ko nagawa. Sinubukan ko pigilan pero bumigay ako. Bigla ako natauhan ng sumugod si Veronica pre. Nag sisigaw sya at sinuntok ako. Grabe din ang iyak nya pre. Alam ko mali ako pero ayoko makita yung ganon sya. Pre tulungan mo ako, alam hindi sasagutin non ang mga tawag ko at text ko. At kahit na puntahan ko sya hindi ako pag bubuksan non. Pre, yung nangyari kanina. Yun yung nakita ko na sa future, yun ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Veronica. Mali ako oo, pero hindi ko hahayaan na mag hiwalay kami. Tulungan mo ako na maayos to Dave - Pag mamakaawa ko kay Dave

So pumunta talaga don si Veromica? - Pag tatanong ni dave

What do you mean? - Tinanong ko din sya

Hindi ka daw kasi na rereply sabi nya. E diba before naman ako umuwi binigay ko na sayo phone mo. Nakailang text at tawag na daw sya pero wala kang answer. Kaya ngayon sakin sya tumawag, nagulat nga ko e. Pag ka sagot ko, nag mamadali nyang tinanong kung alam ko daw ba kung na saan ka. Edi sinabi ko yung totoo. Sabi ko sa kanya na wag na sya pumunta kasi baka mamaya wala naman sya madatnan don. - Sagot ni Dave

Ano ba naman yan pre, sana sinabi mo n umuwi na ko at baka tulog na. Sana sinabi mo na sabay tayo umuwi, edi pag nalaman nya yon hindi na sya mangingulit at uuwi na din yon sa kanila. - Paninisi ko kay Dave

Pre, Girlfriend mo yon. Nag aalala sa iyo yung tao. Nag tatanong ng maayos kaya sinagot ko din ng maayos! Mas gusto mo pa na mag sinungaling ako? Saka malay ko ba na nakikipag landian ka na pala sa iba! Kasalanan ko pa ba na nangyari sayo yan ngayon, kahit baliktadin mo mundo, mali ka Jonathan. Maling Mali. Saka alam mo na din pala na magyayari yan bakit hindi ka umiwas. Kung tutuusin maiiwasan mo yan e, kaso nadala ka din kaya bumigay ka talaga! Alam mo, umuwi ka nalang muna at itulog mo yan. Tutal hindi ka din naman kakausapin ng tao e - Pag sasagot sa akin ni Dave

Gulong gulo na ako. Umuwi na nga lang ako para ipahinga ang katawan ko pati na din ang isipan ko. Ang sakit na din kasi ng ulo ko kaya natulog na ako.

Kinabukasan, hindi pa man din ako nakakatayo, kinuha ko na agad ang cellphone ko, baka mamaya may missed call na ako lay Veronica o mamaya baka may text sya. Pag bukas ko ng cellphone ko. Ni isang text or missed call ay wala akong nakita. Ako na amg nanguna dahil ayun ang nararapat.

"Goodmorning love. Alam ko na galit ka sa akin ngayon, let me explain. Amindo ko sa pag kakamali ko. Hindi akonmag dedeny don. Pero pakinggan mo naman ako. Sobrang lasing na talaga ko non. Hindi ko na alam kung ano ginagawa. Nabuhayan ako at nagising ang diwa nung dumating ka. Kausapin mo ako, puntahan kita. Asaan ka? Sorry love. Sorry. " - Text ko kay Veronica

Pagkatapos ko isend ang text. Bumangon na ako at kumain at naligo then umalis na din agad. Dumeretso ko sa bahay ni Veronica. Nag hintay ako sa labas. Mahigit 2 hours na pero wala pa din lumalabas. Napansin ata ako ni ate na nag hihintay kay Veronica kaya kumatok sya sa kotse sabay sabi "Iho si Veronica ba hinihintay mo. Hindi sya dyan umuwi kagabi ah, baka na kila Venus sya." 
Ah ganon po ba nay? Sige po, salamat. Tawagan ko nalang- Sagot ko kay nanay

Umalis na ako sa tapat ng bahay nya. Tinext ko ulit sya kung nasaan ba sya pero wala pa din reply.

Past 1pm ng may mag text sa akin. Si Veronica. Nakikipag kita sya sa akin at may importante din syang sasabihin daw. Kaya agad agad akong pumunta sa lugar na tinext nya sa akin. Sa restaurant kunh saan una kami nag date at kung saan kami nag cecelebrate ng monthsary.

Nauna ako don, naghintay ako sa kanya. Pero mga 5 minutes palang ay nandya na din sya.

Hindi na ako mag tatagal pa Jonathan. Gusto ko lang sabihin na, gusto ko na itigil natin to. Alam ko naman na mabir ka at seryoso sakin, oi nakikita ko yon. Pero ako may motto ako, na once na masaktan ako. Hindi ako mag dadalawang isip na hiwalayan ang tao na yon. Ikaw ang una naging karelasyon ko pero sayo ko din una naramdaman yon. Hindi ko hahayaan na masaktan pa ang puso ko sa pangalawang pag kakataon. - Bungad sa akin ni Veronica

Ha? Teka bakit naman ganon. Handa ko naman itama ang pag kakamali ko. Nag sisi ako. Lahat gagawin ko mabalik lang ang tiwals mo sa akin. Please naman wag mo ako iwan. Hindi ko kaya- Pag mamakaawa ko Kay Veronica

Wala na ako magagawa. Hanggang dito na lang siguro muna. Kailangan ko na din umalis, may lakad pa ko. Ingatan mo lang sarili mo - Pag papaalam ni Veronica

Nag makaawa ako pero walang nangyari. Hindi ko alam gagawin ko pag wala si Veronica sa buhay. Sanay na ako na nandyan lang sya sa tabi ko.

Wala naman ako ibang masisisi. Kundi ang sarili ko din. Sa akin nag mula, kaya ako din ang mag aayos nito. Kailangan ko itama ang lahat, at kailangan ko n din sabihin sa kanya kung sino ba talaga ko. At saan nag mula ang pagiging time Traveler ko.

Itutuloy sa susunod na kabanata.

My TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon