CHAPTER 8

1 0 0
                                    

In Fact, ni rent ko ang restaurant na ito for 24 hours. So wala ng ibang tao na mag bubulungan na naman sa paligid ng hindi magagandang salita sa Girlfriend ko.

Past 7 pm ng makadating si Veronica sa restaurant. May nilakad na naman kasi sya pero hanggang ngayon ay hindi pa din nya sinasabi sa akin. Tuwing tinatanong ko sya e ang sagot nya lagi ay "Secret muna love, saka ko na lang sasabihin sa iyo pag approved na" pero sa isip-isip ko, baka ang tinutukoy nya ay ang pagpapatayo ng kaniyang sariling Art Gallery.

Sorry love (Sabay kiss sa akin),  medyo natagalan yung nilakad ko tapos nag dalawang sakay pa ako, ang hirap kasi sumakay banda sa alabang, walang deretso dito. - Bungad sa akin ni Veronica

Sabi ko naman kasi sa iyo sunduin nalang kita o kaya papasundo kita, parehas mo naman ayaw. Pero okay lang ang mahalaga ay nakadating ka na at safe ka pa. - Sagot ko kay Veronica

Matapos namin mag sisihan hahahaha tinawag ko na agad ang chef na naka assign sa amin. Inihain nya naman lahat ng pag kain na inorder ko. At saka Hindi pa pala alam ni Veronica na ni rent ko tong Restaurant for 24 hours hehe.

Napaka dami naman ng inorder mo, tayong dalawa lang naman ang kakain. Baka hindi natin to maubos, sayang ang pag kain. - Saad sa akin ni Veronica

Inorder ko talaga yan lahat para sa iyo. Pero kung may matira man pwede naman natin ibigay nalang kila kuya ( trabahador). - Sagot ko kay Veronica

Okay sige haha. Tara na kumain na tayo, for sure gutom na gutom ka na kakahintay haha. - Sagot ni Veronica

Sinimulan na namin kumain. Tumagal din ng halos 1 hour ang pag kain namin plus kwentuhan haha. May ilang natira sa mga pagkain at tulad nga ng sabi ko, kung may matira man ipapabalot nalang kila kuya at iuuwi nila para sa pamilya. Hindi naman totally na tira tira to, yung iba wala pang bawas as in hehe.

Nga pala Jonathan. Bakit tayo lang nandito? - Pag tatakang tanong ni Veronica

Ah yun ba haha syempre gusto ko kasi na tayong dalawa lang kumakain dito, wala ng iba. Not unlike nung first date natin dito, ang daming tao tapos maririnig mo pa yung mga bulungan ng tao against you, na ayaw ko naman mangyari while we sit here and celebrating our second monthsary. Kaya ni rent ko tong restaurant for 24 hours. Para mas sulit natin tong araw na ito hehe. - Sagot ko sa kanya

Hindi mo naman kailangan gawin yon. Sobra na sobra na gastos mo sakin/ sa atin. Nakakahiya pa din sa side ko. - Sagot nya sa akin

Why not? Girl friend naman kita ah, lahat ibibigay ko hanggat kaya ko and Lahat gagawin ko para sa iyo love. - Sagot ko sa kanya

After namin mag usap at matapos kumain. Iniwan na namin kila kuya ang tira at sabi ko na ibalot na nila at iuwi sa pamilya nila. Then lumabas na kami ng Restaurant para sana manood naman ng cine kaso nahalata ko na pagod na si Veronica. Kaya sabi ko na ihahatid ko na lang sya sa bahay nya to rest. At bukas nalang kami manonood ng cine.

Hindi namn sya nakatangi dahil ramdam din nya ang pagod sa sarili. Kaya hinatid ko na sya agad sa kanila.

After ko naman ihatid si Veronica, umuwi din ako agad. Medyo sumakit din likod ko kaya gusto ko na din humiga at matulog.

November 30, 2020 (Kasalukuyan/Present)

one week ang nakalipas ng mag second monthsary kami ni Veronica. Masaya pa din ang pag sasama. May mga away dahil sa maliliit na bagay pero nauuwi din sa mabuti na usapan. Hanggat maaari ayaw namin na lalaki pa ang away dahil lang sa isang bagay.

May lakad ngayon si Veronica kaya naisipan ko din na pumunta sa future.

February 8, 2022 (Future/Hinaharap)
Eto pala ang eksatong date at araw ng itinayo ang art gallery ni Veronica. Pupunta sana ako sa bahy nya pero nakita ko na now open na ang art gallery. First day ofcourse. Pero alam ko that time wala na kami ni Veronica. At dyan nalang sya masaya sa pag pipinta.

My TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon