CHAPTER 4

1 0 0
                                    

Nagulat ako ng makita sya. Bakit sya? Sya din ba yung babae na kalaro ko nung bata kami?
Bakit si....
Ve-Ve-Veronica??
Si Veronica ang may ari nitong Art Gallery? At sya din ba yung babaeng bata na kalaro ko nung 8 years old ako?
Ha? Pa- paano??
Nagulat din si Veronica ng makita ako doon sa loob ng art gallery.

Jona-than? ikaw ba yan? Ano ginagawa mo dito? May kailangan ka ba sa akin? Hindi ba sabi ko naman sa iyo na tapos na tayo? Simula nung nangyari yon aksidente na iyon hindi ko na ginusto na makita ka pang muli Jonathan. Dahil simula din nung araw na iyon, kinalimutan na kita! Umalis kana kung ayaw mo mag ka gulo pa dito. Please lang Jonathan umalis ka na. - Bungad agad sakin ni Veronica na halata ko naman na may lungkot at galit sya habang sinasabi ang bawat kataga.

Nagulat na lang ako sa mga sinabi nya. "Tapos na tayo" ha? tayo? Kami? Nag karoon ng kami, kailangan?  saan? bakit? paano? So talaga niligawan ko sya sa past? Wow ang tinik mo Jonathan haha. Peto teka ano ung aksidente na sinasabi nya, na yun yung naging dahilan ng pag hihiwalay namin? Ano yung aksidente na yon?
Nagulat din ako ng makita ko yung reaksyon nya habang nag sasalita, alam ko na grabe ang galit nya sakin dahil halatang halata iyon sa pag sasalita niya. Ano ba yung pag kakamali na ginawa ko? Mas lalo na naman nadagdagan yung mga katanungan sa isipan ko.

Pamunta ko dito sa Future para malaman yung mga kasagutan ko, pero mas lalo pa pala madadagdagan. hay buhay....
Pero bago ang lahat, kailangan ko sya tanungin kung sino yung dalawang bata na nasa larawan.

Ah Sorry  Veronica, wala akong intensyon na masama sa iyo ngayon. Hindi ko nga alam na Ikaw pala may ari ng Art Gallery na ito. Napunta kasi ko dito nung isang araw, naakit lang kasi ako sa larawan na naka paskil sa labas kaya naisipan ko pumasok. Tapos nakita ko yung larawan na nakasabit na yon (Tinuro  yung larawan kay Veronica) ang ganda din kasi. Ikaw daw ang nagpinta? - Sagot ko naman sa kanya, habang tinanong kung sya ba talaga gumawa nung larawan.

Oo ako nga nagpinta nyan, halos lahat ng nakikita mo dito ay ako ang gumawa. Bakit mo naman natanong? - Sagot sa akin ni Veronica

Ang ganda kasi talaga, maaari ko bang itanong kung sino ba iyang dalawang bata na nasa larawan? - Tanong ko ulit sa kanya

Yung dalawang bata? Yung batang babae, ako yon. 8 years old ako nyan, tapos yung isang bata na lalaki, hindi kp alam kung ano ang pangalan nya at ling na saan na sya ngayon. Nakilala ko lang sya sa isang Play ground. Naging isang matalik na kaibigan ko sya, dahil walang ibang gusto na makipag kaibigan sa akin non kundi sya lang. Kaya ipininta ko yan, para hindi ko sya makalimutan. - Malungkot na sagot sa akin ni Veronica

Nagulat ako ng banggitin sakin yon ni Veronica. So siya nga yung bata na naka sama at naka laro nung bata ako? Bakit sya ulit? Ano ba talaga ang merong samin ni Veronica? Bakit lagi kami pinag lalapit ng tadhana?

Ganon ba? Hinahanap mo ba sya? - Tanong ko sa kanya

Oo, mula nung nag kalayo kami, lagi ko na inisip. Kaya nung natuto na ako umalis hinanap ko sya, lagi lagi ako pumupunta sa Play ground kung san kami nag kita. Pero ni isang beses hindi ko sya naabutan o nasilayan. Tumagal din ng anim na buwan at mahigit yung pag punta ko don. Teka bakit mo ba natanong kung sino yang nasa larawan? Bakit familiar ba sa iyo o naiuugnay mo sarili mo sa larawan? - Sagot at tanong ni Veronica sa akin.

Ah hindi, na curious lang kasi ako. Naisip ko kung ano nga ba ang kwento behind that painting haha. Kailangan ko na pala mauna, may gagawin pa ako sa office.  - Pag papaalam ko kay Veronica.

Sige, ingat ka nalang. - Tipid na sagot nya sa akin.

Pag ka tapos ng usapan namin at pag papaalam ay agad din naman ako lumabas ng Gallery.
Pag ka tapos ko din malaman lahat ay bumalik na ako sa present. Parang sasabog kasi ulit tong ulo ko sa dami ng nalaman ko haha.

*September 23, 2020 ( Kasaluluyan / Present)
Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nalaman ko kahapon sa future. dalawang taon lang nung mangyari yon mula ngayon. Pero nag karoon sya ng sariling Art Gallery, at sa loob ng dalawang taon, naging kami at nag hiwalay agad? Parang nakakapagod kung iisipin ko kung paano mga nangyari lahat ng yon haha.
Umagang umaga at eto na naman ako tinatamad agad. Pero kailangan ko muna pumunta ng office. Ilang araw na ako hindi nadadaan doon. Baka nag tataka nanaman yung mga empleyado ko.

Binilisan ko agad ang kilos ko dahil tumawag na din si Dave, may kailangan daw sya idiscuss sakin.
Around 1:30 ng hapon ng natapos lahat ng kailangan ko gawin sa trabaho. Sa dami ng araw na hindi ko pinupunta sa office e tambak na paper works ang kailangan ko pirmahan (as CEO)
Ngayon ay nakaupo ako dito sa office at tulala ( Alam nyo yung tulalang muka sa dami ng isipin?)

Wooooooahhhhhh!!! - Pang gugulat sakin ni Dave
Ay butiki!! ( Sigaw ko sa sobrang gulat habang naihagis ang hawak na ballpen), Ano bayan Dave. Ang dami ko iniisip ko, tas bigla mo ako gugulatin jusko ( sabay buntong-hininga) - Inis na sabi ko kay Dave

Yun na nga e, ang lalim ng iniisip mo dyan kaya ginulat kita hahaha, at saka "ang dami?" ano ano yung madami na iniisip mo na iyo? hahaha kailangan ka pa nag ka problema? - sabi nya sakin

Ewan pre, ang gulo - Tipid na sabi ko

Teka pre, explain mo kasi sakin. Tungkol na naman to sa nakita mo sa future no? Bakit ano meron? - Tanong sakin ni Dave

Naaalala mo si Veronica? - Tanong ko sa kanya

Oo, na kwento mo na iyan sakin. Bakit ano meron sa kanya? - Sagot at tanong nya din sakin

Nagkita kami sa future, tapos nung pag kakita namin. Ang dami nya agad sinabi sakin, na kesyo break na daw kami. Ayaw na daw nya ulit ako simula daw nung nangyari yung aksidente na yon. Hindi ko alam kung ano bang aksidente yon para maging dahilan ng pag hihiwalay namin. - lungkot na sabi ko kay Dave

Oh teka pre, Wala ka pang dapat ikalungkot ngayon okay? Una, Hindi pa nagiging kayo dito sa present, pangalawa ni hindi ka pa nga nanliligaw haha teka kailan mo ba babalakin. At pangatlo pwede mo pa malaman ang dahilan pag pumunta ka sa future. - Sagot sakin ni Dave

Wow, pinapapunta mo na ako sa future ngayon ha - Banggit ko sa kanya

Aba kung ganyan lang din naman ang dahilan dapat lang naman. Kung taong mahal mo iyan hindi mo hahayan na mawala yan sayo dahil sa aksidente na sinasabi nya. For now, susuportahan kita. Mukang tinaman ka na talaga e haha -  Tuwang sabi nya sa akin

Haha yan ang gusto ko sa iyo pre, oh pano una na ako! - Sabay pag papaalam ko sa kanya

Saan ka naman pupunta - Tanong nya sakin

Edi sa Future? - Sagot ko naman sa kanya

Hindi ko naman sinabi na ngayon ka agad pumunta ah? haha pero sige na gooo!!! Alamin mo ha! Para sa iyo din yan - Sabi nya sa akin
Copy boss! Una na ko, kaw ma ulit bahala dito - Pag papaalam ko sa kanya

Tama si Dave, kailangan ko malaman simula una kung saan nagmula pag mamahalan namin ni Veronica at kung bakit natapos ito. Kailangan ko na ulit pumunta sa future.
Pag papatuloy sa susunod na kabanata...

My TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon