Chapter 4

1.8K 49 3
                                    

Third Person's POV

Ilang minutong pagdadrive din ang ginugol ni Louise. Mabuti nalang at hindi matraffic kaya hindi matagal ang biyahe. Dumating sila sa isang classic resto.

Kulay brown at white ang domenanteng kulay sa paligid nito. May mga potted plants sa mga gilid gilid. Gawa sa kahoy ang mga muwebles at medyo open ang lugar kaya nakakapag labas masok ang hangin.

Natatabingan ito ng mga kurtinang apple green at isang malaking clock ang nakasabit sa dingding sa east side. May mga door chimes din pagkapasok mo at nakakalat sa hangin ang mabangong aroma nang pagkain. Overall, the vibe of the resto was fresh and homey. Nag order naman agad si Louise. Pero sumangguni muna ito sa kasama.

"Uhmm anong gusto mo?" Tanong niya sa babae.

"Ikaw." Simpleng sagot naman nito. Kumabog nang husto ang dibdib niya.

"Ha?!" Nanlaki ang mga mata nito sa gulat at napaubo pa nang bahagya.

"I mean.. ikaw bahala." Sagot ni Hell na tinanguan lang ng huli. Saka nagtuturo sa menu at pina-serve nalang sa waitress na ngayon ay nakangiti nang wagas.

Nang dumating ang order nila ay nagsimula na silang kumain. Ang awkward ng hangin. Walang nagpapansinan. Walang nagtitigan. Ang tanging ingay lang ay gawa ng plato at kubyertos at ang mahihinang usapan nang mga tao sa loob nang resto.

Kung aangat ang tingin ng isa may magbababa naman ng tingin and vice versa. Tila nahihiya sa naganap na eksena kanina.

"Ehem! Uhmm... Do you mind if mag ask ako about sayo?" Panimula ni Louise. Breaking the thick iceberg that was surrounding them.

"Oo naman." Nag angat nang tingin si Hell dahil interested naman talaga siyang kausapin ang bakla.

"So Hell, ilang taon ka na?" Panimula nito.

"I'm 20. Ikaw?"

"21. Anong course mo?"

"Business administration."

"Hmm.. good choice ah. Engineering here."

"I know."

"Ano pang alam mo sakin?" Dahil narin sa tingin ni Louise ay stalker niya ang babae ay tinanong na niya ito nang deretso. Nakakahiya namang magpakilala sa taong kilala ka na.

"Bukod sa gay ka. Isa kang Engineering student, ikaw ang leader ng basketball team niyo number 1 ka dun, saka pili lang ang nakakaalam na gay ka." Pagsasalaysay ni Hell na nagpagulat ng husto sa bakla. Nawindang ang cells at tissue niya sa rebelasyong sinabi ng dalaga.

"How did you know all of that and yung gay part?" Hindi na talaga mapakali si Louise sa kinauupuan niya.

"Trust me when I say I know you." She winked at him that made chills to his bone. It ran from his chest to his spine down.

"Weh!? Pano?"

"Observation is the key." Simpleng sagot ni Hell.

"Sabagay. Grabe siguro yung mata mo. Laser type." Lumapit si Louise kay Hell. As in sobrang lapit na nakakailang na lapit. Mga 10 inches ang pagitan nila.

After the casual talk ay bumalik na sila ng school. Pagdating ng alas singko ay may game ang bakla. Basketball player kasi ito kahit lumalambot lambot. Sharp shooter at ace player ng school.

Syempre hindi pahuhuli ang bida natin. Support is real ang peg. Kelan pa ba siya umabsent sa kahit anong game nito? Eh ultimo may sakit na siya't lahat ay bantay sarado parin ito.

Walang nakakalusot sa matang lawin nitong mga mata. Enhanced with night vision pa at infrared.

She was on one of the center bleachers. Ayaw niya sa huli kasi di niya makikita yung laro saka ayaw niya sa harapan kasi ayaw niya ng atensiyon saka pansin.

"Kyyyyaaaaahhhh!! Go Adrian!" Sigaw ng mga hitad sa paligid. Akala mo kitikiti ng makita ang lalaki. Sino ba namang hindi magiging uod na binudburan nang asin kung ang gwapo nitong mukha ang makikita mo?

"Please marry me fafa Klent!" Sigaw naman ng isa. Mga cheer squad ba to? Supportive eh.

"Be mine Louise!!" Napatingin saglit sa kanya ang lahat. Habang ang bakla naman ay masukasuka na pero ayaw ipahalata. Duhh! The girl is a no no.

Ang mga sigawan na pagkapasok palang ng bakla ang ikinainit naman ito ng ulo ng ating bida. Possessive mode si ate.

"Mga bwisit! Kanila kanila?" Buong magdamag siyang wala sa mood. Nakabusangot at nakakunot ang noo. Pero focused sa scoreboard at sa mismong laban. Alam niya kung may madadaya sa bebe niya. 

Mabilis na nag agawan ng bola ang magkabilang panig. Napakapit siya sa upuan dahil dikit ang laban.

Ang mga hiningang pinigilan at ang pawis na tumatagaktak. Ang balik paroon at parito ng mata ang siyang makikita sa bawat isa.

Lalamang ang isa tapos babawi naman ang isa. Walang natatambakan. Todo bantay siya baka may foul na makapatalo sa kalabang team. She knows coz she can. MVP yata siya sa mga sports.

"Prrrtt!!!~ Score for Team Arsenic!) Sigaw nang coach na nagpapalakpak sa kanya.

Yep! Louise is the captain of Team Arsenic at ang kalaban nito ngayon ay ang Team Bismuth. Sa laban na ito madedetermine kung sino sino ang isasabak sa game para sa interschool.

Pero nagulat nalamang siya ng sa last round ay tumingin sa kanya si Louise at kumaway saka shinoot yung bola sa 3 point line na nagpapanalo sa kanila.

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. And oh her heart! Nagpaparty party ang mga kulisap sa tiyan niya. Good heavens! Buo na ang araw niya. Pwede na siyang magparosary mamaya. Magtitirik talaga siya ng 12 gold candles sa magical lake.

She can't help but smile. Is he for real? Hindi niya ata yun gawain. Paimpress ang loko. Eh impressed naman talaga siya. Akala siguro best friend niya ito. Hmm.. pwede naman. Kaso lang ayaw niya.

Parang mga kitikiti naman yung nasa harap niya na nag aagawan pa kung sino ang kinawayan daw. Nag away away pa ang mga ito. Desperate fans club of cheap and pangit people.

Lumayas na siya sa bleachers dahil nagkagulo na ang lahat at umuwi narin pagkatapos. Kinuha niya ang mga gamit niya sa locker area saka siya naglakad palabas. Pero bago yun, nagalagay muna siya ng letter sa isa sa mga men's locker.

Bakit niya yun ginawa? Secret na malupet. Abangan niyo nalang ulit.



🐰🐰🐰🐰

It's back guys! I'm hoping for your feedback 😉

Raping That Handsome GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon