Coz I love you guys. That's why I will update this. Char!!
Lucy's POV
So hello po! Matutulog na kami guys. (Ano to vlog?!🤣)
At eto nga nag aaway kami ngayon kung san kami hihiga. Iisa lang kasi yung kama dito sa bahay na to at paniguradong pakana yung ng magagaling naming ina. At itong kasama ko walang kagentlemanan sa buto. Ay Barbie nga pala siya. Pero basta! Naiinis ako!
"Wit mo me mapahiga sa sala ha? Ipapatapon talaga kita sa Guam. Kita mo tong balat ko? (Sabay turo pa sa braso niya). Madali tong mag itch. Kaya shupi ka!" Tinulak niya ako kaya nahulog ako sa higaan.
"Baka nakakalimutan mo na ako ang tunay na babae dito. Isusumbong kita kina tita!!"
"Nyenyenye! Isheshembeng kite kene tita. Ako sabi dito. Diyan ka sa sahig. Hindi naman kagandahan yang skin mo." Umirap pa siya ng bongga sakin bago ako itulak ulit. Pag napikon talaga ako, sa mars to mapupunta.
"Patulugin mo ako o papatayin kita mamili ka?"
"Patayin mo na ako. Alam ko naman na hindi mo kaya eh." Panghahamon niya pa sakin. Kaya inunahan ko na siya ng higa sa kama.
"Blehh! Akin ang kama." Bumelat pa ako sa kanya saka nag pagulong gulong.
"No! Wag ka jan impyerna ka!" Exaggerated naman niyang sigaw na animo namatayan ng ipis.
Nag agawan kami sa higaan na parang mga bata. Ultimo kumot at unan pinag agawan na namin. Hila dito. Hila doon. Tulak sa kanan. Tulak sa kaliwa. Hanggang sa hingalin at mabwisit na ako ng todo.
"Bwisit! Pwede ba Klent Adrian Louise Montefiore umayos ka nga!" Bulyaw ko sa kanya. Itinapin ko yung kumot at unan at nasapol siya sa mukha. Oo galit na ako.
"Ikaw kasi ang umayos! Dapat sa kama ako. I can't sleep there. It's itchy." Ang arte talaga ng baklang to. Super. May pakamot kamot pa siya sa balat niya. Psh!.
Huminga muna ako ng malalim para iclear ang mind ko para mag decide kung ano ang tamang gagawin. Namewang ako saka-
"Sige. Ganito nalang. Hati tayo sa kama. Ikaw dun ako dito." Itinuro ko sa kanya ang right side samantalang ako naman sa left side.
"Baka gahasain mo na naman ako." Pinagkrus niya yung braso niya sa kanyang dibdib at sumiksik sa may headboard ng kama.
"Ay aba lenchak! Ano kala mo sakin manyak? Hindi ako nakainom ngayon noh."
"Yung unan yung divider natin. Walang lalagpas." Peste ang childish ng kingina.! Ipinagitna niya yung mga unan na animo gumawa ng border sa pagktan ng North at South Korea.
"Oo na." Sumuko narin ako dahil sa pagod at antok ko. Bahala siya jan. Basta matutulog ako.
Nahiga na ako saka ay tumalikod sa kanya. Nakapatay na ang ilaw at tanging ang lampshade nalang yung naka on. Ilang minuto pa ay binasag niya ang katahimikan at nagtanong sakin.
"Bat ang init ng ulo mo? Buntis ka ba?"
"Hindi ko alam. Wag kang magtanong o palalayasin na talaga kita."
"Ok po. Chooooorrriiiii!!" Sabi niya sabay zip pa kunyari ng bibig. Pero naririnig ko parin yung sarkasmo sa boses niya.
Natulog narin kami sa wakas. Nagising kami ng umaga. Alangan naman gabi diba? Common sense b*tch! Nasilaw ako sa sikat ng araw at babangon na sana ako para magbanyo ng bigla kong naramdaman na may nakadagan na mabigat sakin.
Pagtingin ko, nakayakap pala ang kumag sakin. Akala ko ba ayaw niya na nagdidikit kami? Pero eto siya parang tarsier kung makakapit. May nalalaman pa siyang border border ek ek eh kusa naman din niyang tinanggal. Psh!
"Adrian!! GISING! Wag mo akong yayakapin ano ba?!" Gusto kong kumawala sa parang sawa na pagkakapulupot niya sakin. Pero talagang ayaw eh.
"Wag kang maingay Lucyfer. Natutulad ka na yata sa dragonang yun. Hmm..." saka mas hinigpitan ang yakap esta sakal sakin.
Aba! Ano daw? Nananaginip ba to. Binatukan ko ng malakas. Ayon nagising din sa wakas.
"Aray ko mama! Jusko Lord! For Beauty Sake! My Head!!" Saka siya tumingin ng masama sakin.
"Wag mo akong titigan ng ganyan. Baka mainlove ka lang."
"Yucks! Pwe! Ako? Mainlove sayo? Pag nabulag na ako."
At ayun na nga. Nagprepare na kami papasok ng school. Ngayon kasi malalaman ang result kung gagraduate ba kami o hindi.
Pagbalik namin ng bahay...
"Gagraduate ka?!" Sabay naming tanong
"Oo!" Sabay ulit.
Nagtatalon kami sa tuwa. Sabay kaming gagraduate. Hehe. Tinawagan namin ang parents namin para ibalita ang pagtatapos namin.
Sa kalagitnaan ng pagsasaya namin ay nakaramdam ako ng kakaiba.
Pumasok ako ng cr at... Oh no! Eottoke??
"ADRIAN!!" I screamed to the top of my lungs. Ilang kalabog ang narinig ko bago marahas na bumukas ang pinto.
"Bakit ba? Anong nangyari?" Mababakas sa mukha niya ang pagtataka at pagaalala.
"Meron ako." Halos pabulong kong sabi. Syempre nakakahiya naman diba? Diba girls? Dapat umoo ka.
"Ano?" Naguguluhan niyang tanong sakin. Tila mukhang sa paningin niya ay may tinubuan ako ng malaking mata sa noo
"May red tide ako today." Pag iimporma ko para maklaro niya.
"O tapos?" Yun lang?! Pagkatapos kong mahiya dito at magpalamon na sana sa bowl, 'O tapos?' lang ang sasabihin niya?
"Bwisit! Ambobo mo ha? Ibig sabihin nun hindi ako buntis."
"O yun lang naman pala. Akala ko mamamatay ka na." Peste talaga. Anong mamamatay? Gusto yata nitong mauna.
"Peste ka talaga! Mauna ka. Ipapabook ko sa St. Peter ang kabaong mong peste ka! Baka hindi mo kayanin kasi ipapabuhat ko sayo." Galaiti kong sigaw sa kanya at halos maputol ang mga litid ko dahil doon.
Huminga muna ako ng malalim. Yung hingang kayang i clear lahat ng madugong nakikita kong ways kung papano siya bibitayin.
"I forgot na wala pala akong napkin. Bili ka naman oh. Please." Puppy eyes pa ako niyan. Syempre, nahimasmasan na ang lola niyo.
"Fine." Sabi niya matapos siyang nagbuntong hininga. Sumuko din. Dapat lang. Pangarap lang niyang reglahin pero hindi yun mangyayari. Pwahahaha!
"Yes! Love you." Sabi ko sa kanya. Syempre dapat sweet. Awww..
"Well I don't."
Sabi niya sabay alis na. Nagflip pa siya ng imaginary bangs niya na abot hanggang tuhod._______
Ayan! Matagal na panahon bago nag edit. Ako na si tamad.
BINABASA MO ANG
Raping That Handsome Gay
RomanceShe's in love with a Gay. He's a She. Paano nabuo ang istorya nila? Out of the mind na kabaliwan at katatawan na kapupulutan din ng aral. Expect some errors. Lahat ng mga pangalan, lugar, negosyo, coincidence at iba pa ay likhang isip lamang. Pagk...