Hell Lucy's POV
Kinabukasan ay araw ng sabado. Ang dami kong dapat gawin pero hindi ko ginawa. Siguro ang tamad tamad ko na sa paningin niyo. Well, I Don't Really Care. Kayo ang magtrabaho kung gusto niyo. Reklamo!
I slept almost the whole day. Nagising ako bandang... Maggagabi na. Typical me during these days. Syempre dapat enjoy your weekend kasi wala kang time mag enjoy pag school days. Around 6 pm, kumakalam ang sikmura ko. Hindi pa pala ako nakakakain simula kaninang umaga.
Bumaba ako para tignan kong may food pa ba na available. But wala! Tang na juice! Nakalimutan ko na last week pa ako naggrocery. My god! I'm so dying here!
Lumabas ako para pumunta ng convenient store. Nalalakad lang naman yun. Alangan gumapang pa ako? Charot!
Nang makarating ako sa may madilim na eskinita, bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok. Palinga linga ako sa paligid baka may masamang elemento.
Biglang umihip ang malamig na hangin saka parang may dumaan sa likod ko. Pagtingin ko wala naman.
Nagpatuloy ako sa paglalakad being more cautious. I feel it on my back. Sinusundan ako ng kung ano mang sumusunod sakin.
Akmang hahambalusin ko ng mapagtanto ko kung anong nakasunod sakin. Napangiti ako nanh wagas.
It's a cute grey kitten. So adorable. I picked it up. At saka ko hinimas himas ang ulo nito. It gave off a soft purr.
"Hallo mingming! Wala ka na bang titirahan? Akin ka nalang ha?" Sabi ko. Para na akong bata sa lagay na to but I love pets like no other.
Kinarga ko ang pusa saka sinama ko ito patungo sa convenient store. Ang cute cute niya kaya hindi ko mapigilang panggigilan.
Nag order ako nang noodles at saka isang pack nang cat food saka ko pinakain sa cute na pusa.
Syempre namili narin ako nang makakain ko sa mga susunod na meals. Nakakatamad pa namang lumabas.
Mga gulay, prutas, gatas, oats at tinapay ang kinuha ko mula sa mga gondola. Hindi ko kinalimutan yung biscuits at ice tea.
Pagkatapos ay inuwi ko narin ang pusa. Para akong timang kasi kinakausap ko siya eksaktong pagkaupo ko sa couch.
"Anong gusto mong pangalan ming ming?"
"..."
"Kitty?"
"..."
"Ah, Woori? Mengshi? Mong?"
"..."
"Ayaw mo ba? Sige iba nalang. Ahmm... Alam ko na! Ikaw nalang si Fluffy. Diba Fluffy?"
"Meeeoowww"
"Omo! Ayyiiee! Nagustuhan mo yung Fluffy? Sige, Fluffy baby."
I yawned as sleepiness came to my system. Kinarga ko na si Fluffy patungo sa kwarto ko at saka ay itinabi ko na ito nang pagtulog.
🌅🌅
Nabulabog ako nang may sunod sunod na nagdoorbell. Pupungas pungas pa aking bumangon para tignan kung sino ang nasa pinto. Only to see a lady in her 40's.
"Sino po sila?" Tanong ko.
"Ahh.. nandito ako para sana kunin yung pusa ko. Nakita ko kasi sa footage na ikaw yung nakapulot sa pusa ko. Yung grey na pusa na dinala mo kagabi." Mahabang paliwanag niya.
Kaya pinapasok ko muna siya sa loob saka ko kinuha si Fluffy sa loob ng kwarto ko. Nalungkot naman ako sa isiping ibabalik ko na siya sa tunay niyang may ari. Pero wala aking magagawa.
Totoo nga talagang may mga bagay na hindi para sayo kahit gaano mo pa kagusto at gaano ka pa nito napasaya.
"Salamat iha ha. Hindi ko alam kung maayos yung naging lagay niya kung iba ang nakakuha sa kanya. Itinuring ko na kasi siyang anak eh. Huling alala ko sa anak ko bago siya nawala sa mundo dahil sa cancer. Salamat talaga." Maluha luhang sabi ng ginang.
"Wala pong anuman ma'am. Salamat po sa pusa niyo. Napasaya niya po ako kagabi."
Pagkatapos noon ay nagkapaalaman na kami ng ginang. At bumalik na ako sa loob ng bahay para mag imis ng mga kalat at mag trabaho sa mga school works ko.
Wala namang masyadong ganap kaya eto, lunes na naman.
Salamat naman at wala yung paharaharang mga epal sa hallway. Pagkatapos ng klase, nakita ko si Adrian. Oo Adrian ang tawag ko sa kanya. Wala kasing ibang tumatawag nun. Ako lang dapat. Haha.
Papunta siya sa may locker. I followed him.
"Hoy Hell! Sinusundan mo ba ako?" Akusa niya.
"Paano mo nasabi?"
"Kasi look oh! Papunta ako ng guys locker. Ayun sa kabila yung sa girlash." Sabay turo pa sa kabilang direction.
"Ay ganon? Porket papunta ako dito sinusundan kita? Pupuntahan ko ang boyfriend ko noh." Palusot ko.
"Witit mo ko maloloka girlash. Diba sabi mo kahapon ako yung boyfriend mo?" Sabay suka suka action.
"Baliw ka ba?! Ikaw na nga ang may sabi na barako ang gusto mo. Boyfriend ko si ano... Ah si.." sa kakahanap ko ng palusot nakita ko si Clyde.
Si Clyde ay isa ring heart-throb sa school. Syempre it runs in the family namin. He is my cousin by the way.
Nilapitan ko siya sabay hawak sa bewang niya.
"Uy Lucy. Anong ginagawa mo?" Curious na tanong niya.
"Wag kang magtanong letche! Magpanggap ka nalang." I said while gritting my teeth. Sabay kurot pa sa kanya. Buti hindi pumalag.
"Ahmm... Boyfriend ko. Si Clyde." Pakilala ko.
Louise's POV
Heloo mga mem! Anyway, may boypren daw si ateng. Yung karibal ko patalaga sa school ha? Wengya!! Kabanas super! At hindi ko alam kung bakit. Kaloka.
Nakahawak siya sa may bewang nito. Hala. Magdikit na sana kayo. Walang Poreber makikita niyo. Mga hmmm!!
"Congrats" sabi ko sabay talikod. Alangan naman manood ako doon na parang timang. Masokista ang peg?
Pagbukas ko ng locker ay nakita ko na naman ang isang sulat. Kung sino man tong girl na sumulat sakin, matalino siya injerness. Baka nag research. Haha! Credits.
"You made my day. Just keep on being you coz I'm falling for you. I don't care if you don't like me. But one thing is for sure. You'll surely catch me when I fall." Basa ko sa sulat .
Aba matindi! Sure ka ghurl? Kabahan ka na. Hindi mo alam na isa akong.. basta. Ahahaha!
Pero ang nakakapagtaka lang ay hindi ko naman binabasura yung mga letters. Instead I all keep them. Aish! Bahala na nga.
![](https://img.wattpad.com/cover/216500789-288-k316367.jpg)
BINABASA MO ANG
Raping That Handsome Gay
RomanceShe's in love with a Gay. He's a She. Paano nabuo ang istorya nila? Out of the mind na kabaliwan at katatawan na kapupulutan din ng aral. Expect some errors. Lahat ng mga pangalan, lugar, negosyo, coincidence at iba pa ay likhang isip lamang. Pagk...