Chapter One

2.2K 27 0
                                    

"HI MISS BIANCA!"

Agad na napatayo si Bianca mula sa pagkakaupo sa isang bench at nilingon ang nagsalita. Isang maganda at nakangiting babae ang nakatayo sa likuran niya. Napakalawak ng ngiti nito habang nakatingin sa kanya. "Yes?"

Kasalukuyan siyang nasa NAIA at hinihintay ang pinsan niyang si Kuya Travis. Kung siya lang ang masusunod, mas gusto na lang niyang magpasundo sa driver nito na si Tatay Ferdie pero mapilit ang pinsan niya at sinabi nitong ito mismo ang susundo sa kanya.

Kung hindi lang siya pinilit ng pinsan niyang umuwi sa Pilipinas, malamang ay kuntento pa siyang nagta-trabaho at namumuhay ng tahimik sa Paris. Pero sa kabilang banda, mas ayos na sa kanya ang tumira sa poder ng pinsan niya kaysa naman mag-umpisa na naman ang mga magulang niya na pakialaman ang buhay niya kapag doon niya piniling manatili sa poder ng mga ito.

"Good morning, Miss Bianca. I'm Ashley, Sir Travis' personal secretary. Ako po ang inutusan niyang sumundo sa inyo dahil may urgent meeting po siya sa isang importanteng kliyente." masigla ngunit magalang na bati at pakilala nito sa kanya.

Napabuntong-hininga na lang siya at napailing-iling. Dapat talaga ay nagpasundo na lang siya kay Tatay Ferdie at hindi na hinintay ang pinsan niyang 'drawing'. "Bakit pa niya ako pinasundo sa'yo?" nababagot na tanong niya. Hindi niya gustong maging bitch sa harap ng ibang tao pero madali talaga siyang mabagot kapag pagod na pagod siya.

"Ang bilin po kasi niya ay dalhin kita sa opisina niya. Hihintayin ka na lang daw po niya doon." nanatiling nakangiti ito nang sumagot. Mukhang hindi naman ito apektado sa kagaspangan ng ugaling ipinakita niya.

Tumango na lang siya bago tumayo at nagpatiunang maglakad hila-hila ang dalawang maletang dala niya ngunit hindi pa siya nakakalayo ay naramdaman na niya ang kung sinong umaagaw sa isang maleta niya.

Tumigil siya sa paglalakad at nagtatakang nilingon si Ashley na malapad pa din ang ngiti habang pilit na kinukuha ang isang maleta niya. "What are you doing?"

"Ako na lang po ang magdadala ng maleta ninyo, Miss Bianca." anito ngunit hindi niya iyon binitiwan. Hindi niya ugaling i-asa sa iba ang mga bagay na kaya naman niyang gawin nang mag-isa.

"I can manage, thank you." aniya bago ito tinalikuran at tuloy-tuloy na naglakad palabas ng arrival area.

Agad niyang namataan si Tatay Ferdie na nakasandal sa isang itim na kotse. Awtomatiko siyang napangiti at lakad-takbong nilapitan ito. "Welcome home, anak!" masiglang bati nito sa kanya.

Walang babalang niyakap niya ang may-edad na lalaki. Biglang nawala ang inis at pagkabagot na nararamdaman niya nang dahil dito. Malapit siya dito kahit noong bata pa siya dahil ito ang madalas na nakakalaro niya kapag ayaw siyang isali ng mga pinsan niyang lalaki sa laro ng mga ito. "I missed you, Tatay!" ganting bati niya.

Nang lumayo siya dito ay ginulo nito ang buhok niya katulad ng madalas nitong gawin noong bata pa siya. "Na-miss din kita. Dalaga ka na talagang bata ka!" masuyong nginitian siya nito bago kinuha ang mga maleta at agad na dinala sa likod para ilagay sa compartment ng sasakyan. Siya naman ay sumakay na sa passenger's seat at agad na isinandal ang ulo sa upuan.

Naramdaman man niya ang pagpitik ng sentido niya ay hindi na lang niya iyon pinansin. Nagpaparamdam lang ang pagod at puyat niya dahil isang linggo na siyang walang matinong tulog at pahinga. Sunod-sunod kasi ang trabaho na ibinigay sa kanya ng boss niya sa pinagta-trabahuhan niyang Advertising Agency sa Paris kaya nakakalimutan na din niyang magpahinga. Nilubos nito ang natitirang araw niya sa kompanya nito at wala siyang nagawa dahil kasama sa kontratang pinirmahan niya ang dalawang linggong pananatili sa kompanya pagkatapos niyang ipasa ang resignation letter niya.

A Song For You Book 1: A Man in Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon