Chapter Three

863 21 0
                                    

TINATAMAD na sumandal si Bianca sa swivel chair at tumingala sa kisame. Nag-iisip siya ng puwedeng gawin para sa araw na iyon kahit na ang katawan niya ay naghuhumiyaw pa ng pahinga.

Hindi na talaga siya sanay nang walang ginagawa. Bukod kasi sa nalinis na niya ang bahay ng pinsan niya, nakapag-luto na din siya ng mga pagkain nila hanggang mamayang gabi. Na-edit na din niya ang mga litratong nakuhanan niya bago siya umuwi ng Pilipinas. Naipadala na din niya iyon sa boss niya kaya nakahinga na siya ng maluwag dahil wala na siyang utang sa dati niyang trabaho. Isang linggo pa lang siya sa bansa pero nagpaparamdam na naman ang napaka-sipag na bahagi ng sistema niya. Ang plano kasi niya ay magpapahinga muna siya ng ilang araw bago niya umpisahang maghanap ng bagong trabaho.

Wala sa loob na nakagat niya ang ibabang labi at ginulo ang buhok nang biglang sumagi sa isip niya ang nangyari noong gabing lumabas sila ng mga kaibigan niya at saluhan sila ni Jiroh. Ang pagngiti nito, ang pagkausap nito sa kanya na animo walang nangyaring hindi maganda sa pagitan nila apat na taon na ang nakakaraan at ang mga sinabi nito sa kanya nang ihatid siya nito sa bahay ng pinsan niya. Alam niyang seryoso ito sa sinasabi nitong hindi na ito galit sa ginawa niyang biglang pag-alis noon at gusto nitong ibalik ang pagkakaibigang mayroon sila pero pa'no naman siya? Oo nga at gusto din niyang maibalik ang pagkakaibigan nila noon pero nang makapag-isip isip siya ay na-realize niyang hindi lang pakikipag-kaibigan ang gusto niyang makuha mula dito. Base sa reaksiyon ng utak at puso niya nang muli niya itong makita, sigurado siyang hindi pa din nawawala ang nararamdaman niyang pagmamahal para dito. Iyon nga lang, halata naman na siya lang ang nakakaramdam ng gano'n dahil may pakiramdam siyang hindi ganoon ang nararamdaman nito para sa kanya.

Bumuntong-hininga siya at paulit-ulit na iniuntog ang ulo sa swivel chair. May naisip na siya kung ano ang dapat niyang gawin sa kasalukuyan niyang problema pero hindi niya alam kung mapagta-tagumpayan niya iyon.

Bakit hindi mo subukan para malaman mo kung effective? udyok sa kanya ng isang bahagi ng isip niya.

Ipinilig na lang niya ang ulo at tumayo. Lumipat siya sa kama at pabagsak na humiga doon. Bahala na, mamaya na lang uli siya mag-iisip ng mga puwede niyang gawin sa kasalukuyang problemang kinakaharap niya sa sarili. Sa ngayon, matutulog na lang muna siya. Baka kailangan niya iyon para luminaw ang isip niya.

Ngunit hindi pa siya nagtatagal sa pagkakahiga ay narinig na niya ang tunog ng cellphone niya. Agad siyang bumangon at kinuha iyon. Sandali pa siyang nag-alinlangan bago niya pinindot ang answer button.

"Anak, wala ka bang balak na umuwi dito sa bahay? Ni hindi ka man lang tumawag sa'min para sabihing nasa Pilipinas ka na pala. Nag-aalala na kami ng daddy mo sa'yo. Kung hindi ko pa tinawagan si Travis kanina para magtanong, hindi ko pa malalaman. Aba anak, may mga magulang ka pa ha? Pinaaalala ko lang sa'yo. Oo nga pala, malapit na ang birthday ng daddy mo kaya kailangan mong umuwi dito sa'tin."

Nahilot ni Bianca ang sentido dahil sa haba ng litanya at lakas ng boses ng mommy niya. Daig pa nito ang nakalunok ng megaphone sa lakas ng boses nito ngunit hindi naman niya ito masisisi kung gano'n man ang ibungad nito sa kanya.

Nawala na kasi sa isip niyang tawagan ang mga ito dahil na din sa mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraang araw. Idagdag pa ang lalaking laman ng puso at isip niya. Kung pinaalala lang sa kanya ng pinsan niya iyon, sana ay natawagan niya ang mga magulang niya at nang hindi na siya pinagagalitan ngayon ng kanyang ina.

Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Ma, paki-hinaan mo naman ang boses mo. Hindi naman kasi ako bingi eh. 'Tsaka nakalimutan ko lang po talagang tumawag sa inyo. Sorry na po," pagdadahilan niya.

A Song For You Book 1: A Man in Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon