MABILIS na lumipas ang mga araw. The day of Bianca's father's birthday came. Maaga siyang nag-biyahe kasama sina Kuya Travis, Jiroh at Alex papuntang Batangas. Ang gusto kasi ng mommy niya ay makapag-kuwentuhan pa silang pamilya at makilala pa ng mga ito ang nobyo niya bago magsimula ang pagtitipon.
Nalaman niyang imbitado din pala ang mga kaibigan niya sa kaarawan ng daddy niya pero ang sabi ng mga bruhang babae, susunod na lang daw ang mga ito dahil sa pare-parehong dahilan, ayaw gumising ng maaga.
Apat na araw na ang nakalilipas mula nang mabuo ang plano nila ni Jiroh na magpanggap na magkasintahan. And as of now, okay naman ang lahat. Katulad ng sinabi niya dito, hindi naman talaga nila kailangang mag-practice pa para lang magmukha silang magkasintahan sa harap ng mga magulang niya. Parang natural na lang kasi sa kanila ang umakto na sweet sa isa't-isa kahit na nasaan sila o kahit sino pa ang kasama nila.
Kung tatanungin siya, malakas ang pakiramdam niya na bumabalik na din ang nararamdaman ni Jiroh para sa kanya pero syempre, ayaw niyang mag-assume. Baka masaktan lang ulit siya and worse, maapektuhan na ng tuluyan ang pagkakaibigan nila. Pero kahit ganoon, ipinapanalangin pa din niya na sana ay dumating ang panahon na magkaroon ng second chance para sa kanila.
Saktong alas-diyes ng umaga sila nakarating sa bahay ng mga magulang niya. Agad silang sinalubong ng mommy at daddy niya at nang makita siya ng mga ito ay mahigpit siyang niyakap ng mga magulang niya.
"I've missed you, princess!" nanggigigil na sabi ng daddy niya.
"Lalo kang gumanda at tumangkad, hija!" ani naman ng mommy niyang bumitiw sa pagkakayakap sa kanya at pinupog siya ng halik sa mukha.
Napapangiwi siya sa bawat dampi ng labi ng mommy niya sa mukha niya. Siguradong magmamarka ang lipstick nito sa bawat sulok ng mukha niyang madadaanan ng labi nito.
Kung minsan, hindi pa din siya makapaniwala na kung gaano kahigpit ang mga magulang niya sa kanya at kung gaano kalayo ang loob niya sa mga ito noon, ganoon naman sila kalapit ngayon. Well, some things really meant to change. Besides, pamilya pa din naman sila at nag-iisang anak lang siya ng mga ito. Nag-mature na din naman siya nang magpunta siya sa Paris.
"Good morning, Tita. Good morning, Tito." Bati ng boses ng pinsan niya at parang ito naman ang gusto niyang pupugin ng halik sa mukha dahil iniligtas siya nito sa kamay ng makukulit niyang mga magulang.
Inakbayan siya ng daddy niya habang ang mommy niya ay nakaabrisite sa braso niya bago hinarap ng mga ito ang pinsan niya. Kahawak kamay nito si Alex habang nakatayo naman sa kabilang gilid nito si Jiroh.
Pasimple niyang sinulyapan ang magiging reaksiyon ng mga magulang niya dahil sa presensya ni Jiroh pero wala ang pagkagulat na inaasahan niyang makikita sa mukha ng mga ito. Matamis na nginitian lang ng mommy niya ang binata samantalang ang daddy naman niya ay nakangiting tinanguan din ito.
"Happy Birthday, Tito Rod!" bati ni Kuya Travis sa daddy niya. Lumapit ito sa matandang lalaki at niyakap iyon.
Pasimple naman siyang humiwalay sa mga magulang para lapitan si Jiroh. Agad siyang kumapit sa braso nito at lihim na bumuntong-hininga.
"Good morning, Tita. Good morning, Tito. Happy birthday po!" bati ni Jiroh sa mga magulang niya. Hinalikan nito sa pisngi ang mommy niya at kinamayan naman ang daddy niya.
Gusto niyang mapakunot-noo dahil sa inaakto ng 'nobyo' niya maging ng mga magulang niya sa isa't-isa. Parang close na close ang mga ito kung magbatian at mag-ngitian ngunit hindi na lang niya iyon pinahalata sa mga ito.
"Halika na sa loob at nang makapag-pahinga kayo." anang mommy niya bago nagpatiuna nang pumasok kasama ang kanyang ama.
Kaagapay naman niya si Jiroh at ang magkasintahan sa pagpasok sa malaking bahay. "Good luck sa pagpapanggap ninyo. Matagalan sana ninyo ang isa't-isa." nakangising ani Kuya Travis na halata namang nang-aasar lang.
BINABASA MO ANG
A Song For You Book 1: A Man in Love (Complete)
Romance"My heart only beats for you." BIANCA and Jiroh are friends before they became lovers. But because of some complicated and heartbreaking circumstances, Bianca has to left him without talking to him. Alam niya sa sarili niyang tama lang ang ginawa ni...