"WHERE ARE you going, young man?"
Napapikit ng mariin si Jiroh bago huminga ng malalim. Pinilit niyang gawing kalmado ang hitsura niya bago siya humarap sa kanyang ina na siyang kumakausap sa kanya.
"I'm going to the band's practice." simpleng sagot niya. Sabado nang araw na iyon at nakaugalian na nilang mag-practice sa studio bago sila tumuloy sa gig nila sa gabi ding iyon sa R&S.
"Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko sa'yo, Jiroh Paulo?" tanong ulit nito sa kanya. Walang kahit na anong ekspresyon ang mababasa sa mga mata nito. Maging ang boses nito ay kasing-lamig ng yelo. At naiinis siya kapag ganoon ang tono ng kanyang ina, pakiramdam niya ay hindi siya nito anak dahil kung kausapin siya nito ay animo isa siyang robot. Well, it's not as if anak nga ang turing nito sa kanya. Ni hindi nga sila close ng mommy niya at kung manduhan nito ang buhay niya, animo ito isang napaka-buting ina sa kanya.
At dahil sa tanong nito ay naalala niya ang pag-uusap nila noong nakaraang linggo nang sabihin niya dito at sa daddy niya ang tungkol sa relasyon nila ni Bianca.
"Are you out of your mind? Talagang seryoso ka sa kung sinumang Bianca na iyan? Alam mong nakatakda kang ma-enggage kay Sophia, hindi ba?" dumadagungdong ang boses na sunod-sunod na tanong ng mommy ni Jiroh. Namumula na ang mukha nito sa galit. Naabutan niya ang mga ito sa sala at parang sadyang hinihintay siya. Kaya naman napagpasyahan niyang kausapin na muna ang mga ito bago siya pumunta sa practice ng banda niya.
"At sinabi ko na sa inyo na hindi ako papayag na ma-enggage sa isang babaeng hindi ko naman mahal. Ni hindi ko nga kilala ng lubos iyang babaeng gusto n'yong ipakasal sa'kin eh. Dalawang beses ko pa lang nakikita si Sophia, mommy." kalmadong paliwanag niya sa ina. Hinarap niya ang daddy niya na tahimik lang na nakikinig sa pagtatalo nilang mag-ina. "Dad..." paghingi niya ng tulong dito.
Tiningnan lang siya nito at agad niyang nakuha ang ipinahihiwatig ng tingin nito. He needs to deal with his mom alone dahil wala itong balak na pakialaman ang pangangaral sa kanya ng kanyang ina kaya lalo siyang na-frustrate. Ang akala pa naman niya ay maaasahan niya ang daddy niya sa pagkakataong iyon.
"Noon pa, alam mo na ang nakatakdang mangyari sa buhay mo. Hinahayaan kita sa kahibangan mong panliligaw diyan sa babaeng iyan dahil ang akala ko hindi ka seryoso. Pero ngayon sinasabi mo sa akin na kasintahan mo na siya? Hinding-hindi ko siya matatanggap sa pamilyang ito, Jiroh! Tandaan mo 'yan!"
"I don't care, mom. I love her and I will fight those people who will come our way. Kahit ikaw pa iyon." matatag na pahayag niya.
Lalong namula sa galit ang mukha ng kanyang ina. "Ano ba ang nagustuhan mo sa babaeng 'yan at patay na patay ka sa kanya?" sigaw nito bago hinarap ang kanyang ama. "Pagsabihan mo 'yang anak mo. Ni ang respetuhin ako ay hindi na magawa." Iyon lang at umakyat na ito sa ikalawang palapag.
Hinarap siya nang daddy niya nang mawala sa paningin nila ang kanyang ina. "I want you to bring that girl here as soon as possible, I want to meet her. Let your mom meet her too, baka sakaling magbago na ang isip ng nanay mo at tanggapin na niya sa sarili niyang hindi siya puwedeng mag-desisyon para sa'yo." anito bago tumayo na. Lumapit ito sa kanya at tinapik ang balikat niya bago siya iniwan doon.
Naiinis na ginulo niya ang buhok bago inayos ang pagkakasukbit ng gitara sa balikat niya. Wala siyang pakialam kung nakatakda siyang ma-enggage sa Sophia na iyon. Hindi niya isusuko ang nararamdaman niya para kay Bianca at kahit na anong mangyari, ipaglalaban niya ang pagmamahalan nilang dalawa. Dadalhin niya ito sa bahay nila nang makilala na ito ng mga magulang niya at ipapakita niya sa mga iyon na walang makakapag-hiwalay sa kanila ng babaeng mahal niya.
BINABASA MO ANG
A Song For You Book 1: A Man in Love (Complete)
Romance"My heart only beats for you." BIANCA and Jiroh are friends before they became lovers. But because of some complicated and heartbreaking circumstances, Bianca has to left him without talking to him. Alam niya sa sarili niyang tama lang ang ginawa ni...