Chapter Nine

807 17 0
                                    

KINABUKASAN ay nagulat si Bianca nang biglang sumulpot si Jiroh sa bahay nila.

"Hindi ba't may pasok ka? Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong niya. Tanghali pa lang kaya sigurado siyang hindi pa tapos ang oras ng trabaho nito.

Ngingisi-ngising tumuloy ito sa kusina at animo welcome na welcome na kumuha ng maiinom sa refrigerator. "Nag-half day ako. Tinatamad akong mag-trabaho eh." kaswal na sagot nito. Umupo ito sa ibabaw ng mesa at pinagmasdan siya.

Lihim siyang na-concious dahil sa tinging ibinibigay sa kanya ni Jiroh. Kumpara sa office attire nito, para lang siyang tambay sa suot niya. Disente naman para sa kanya ang maong shorts at sleeveless shirt na suot niya pero bigla siyang tinamaan ng hiya ngayong kaharap niya ang pormal na si Jiroh.

Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya ipahahalata ang totoong nararamdman niya nang mga sandaling iyon. "Hindi ka na nga pumasok kahapon, nag-half day ka pa ngayon? Anong gusto mong palabasin, Jiroh Paolo?" pagtataray niya.

Nagkibit-balikat ito. "Wala. Nabo-bore kasi ako kaya naisipan kong pumunta dito. At dahil alam kong wala kang gagawin, labas na lang tayo." akmang magsasalita siya ngunit itinaas nito ang isang kamay upang pigilan siya. "Huwag ka nang umapela dahil hindi kita hahayaan. Kailangan nating mag-practice bilang mag-boyfriend and girlfriend para hindi na tayo mahirapan sa harap ng mga magulang mo." tumaas-baba pa ang mga kilay nito na animo brilliant idea ang naisip nito.

Naiikot niya ang mga mata at nakahalukipkip na sumandal sa entrada ng kusina. "As if naman kailangan pa natin ng practice para diyan. Sigurado namang expert ka diyan." parunggit niya.

"Ako, expert?" exaggerated na anito. Sinapo pa nito ang dibdib. "Well, I'm flattered na ganyan ang tingin mo sa expertise ko, Miss Bianca Leviste." nakangising ganti nito sa kanya. Halata ang pang-aasar sa tono.

"Alam mo, Jiroh dapat nagta-trabaho ka ng mabuti hindi iyong sinasayang mo ang oras mo sa pangi-istorbo sa'kin. Sa halip na nae-enjoy ko ang natitirang araw ng bakasyon ko, mape-perwisyo pa ko sa'yo eh."

Bumaba ito mula sa mesa at lumapit sa kanya. "Alam mo, Bianca hindi naman masama kung aminin mo sa sarili mo na gusto mo din akong makasama eh. Ganoon naman talaga ang madalas nating gawin noon, hindi ba? 'Tsaka hindi ka ba natutuwa na gumagawa ako ng effort para makasama ang girlfriend ko? You should be proud of me, babe."

Lihim niyang nahigit ang hininga nang walang sabi-sabing hinalikan siya nito sa noo at sa tainga. Pakiramdam niya ay may milyon-milyong wire ng kuryente ang biglang nabuhay sa buong sistema niya.

Nang magtama ang mga mata nila ay kitang-kita niya ang pagkinang niyon, mas makinang pa kaysa sa pinaka-makinang na bituin sa langit.

Corny!

"Eh, ano nga ang gusto mo ngayon?" patuloy pa din niyang pagtataray kahit ang gusto na niyang gawin ay ang daluhungin ito at pupugin ng halik ang buong mukha. Kaya lang bigla niyang naisip na hindi gawain iyon ng magkaibigan lang.

Lalong lumawak ang ngiti nito at sa lalo niyang pagkagulat ay hinapit siya nito palapit sa katawan nito at niyakap siya. Ipinatong pa nito ang baba sa balikat niya. "Pasyal tayo sa mall tapos sama ka sa practice ng banda mamaya tapos deretso tayo sa gig mamayang gabi. Susulitin natin ang araw na magkasama." excited ngunit pabulong na pagbabalita nito sa kanya. "Kaya kung ako sa'yo, magbibihis na ako kung ayaw mong buhatin pa kita paakyat sa kuwarto mo... babe."dagdag nito. Muli ay nangaligkig na naman siya.

Akmang lalayo na siya dito ngunit lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "One more thing. Please, stop nagging me. Hindi ka mukhang girlfriend kung makikita tayo ng ibang tao, magmumukha kang asawa ko." Nagkibit-balikat ito. "Not that I'm complaining. Ikaw lang ang inaalala ko." dagdag pa nito bago sa wakas ay pinakawalan siya.

A Song For You Book 1: A Man in Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon