Chapter Seven

693 17 0
                                    

Present time

HINDI ALAM ni Jiroh kung paano niya puputulin ang katahimikang namamayani sa pagitan nila ni Bianca nang mga sandaling iyon. Hindi niya magawang magsalita at guluhin ito sa mukhang pagkahulog sa kung anuman ang iniisip nito. Sa katahimikang namayani kasi sa kanila, hindi niya napigilan ang sariling balikan ang nakaraan nila. Oo nga at mas madami ang magagandang alaala nila nang magkasama pero basta-basta na lang ba niyong matatakpan ang sakit na naramdaman niya noong ipagpalit siya nito sa pangarap nito?

Ang akala ko ba, okay na sa'yo na ibalik ang pagkakaibigan n'yo? Hindi ba't iyon na lang ang gusto mo mula sa kanya? tanong ng isang bahagi ng isip niya.

Pero kung ganitong hindi pa din naaalis ang mga kakaibang nararamdaman ko sa kanya mula nang muli ko siyang makita, parang mas gusto ko na lang dugtungan ang kung anuman ang relasyon namin noon. Masyado ba akong mabait kung iyon ang naiisip kong mangyari ngayon? tanong naman ng kabila.

Hindi! Bakit hindi mo subukang itanong sa kanya kung ano ang nararamdaman niya para sa'yo nang alam mo kung ano ang magiging desisyon mo. Masyadong matagal ka nang nahirapan nang dahil sa kanya.

But she's my friend. Mahalaga siya sa'kin.

But she's also the woman you love and the one who broke your heart.

Gusto na niyang sabunutan ang sarili dahil sa pagtatalong kasalukuyang nagaganap sa isip niya. Hindi na niya alam kung anong gagawin. Obviously, may nararamdaman pa siya para kay Bianca kahit na pilit pa niyang itanggi iyon sa sarili niya pero isusugal na naman ba niya ang sariling damdamin? Paano kung saktan na naman siya nito sa huli o iwan nang walang pasabi? Saan na naman siya pupulutin?

"How are you now, Bianca? I mean, kumusta ka na ngayong natupad mo na ang pangarap mo?" sa wakas ay basag niya sa katahimikan. Baka masiraan na siya ng ulo kapag nagpatuloy pa ang pananahimik nila doon. Kakatwang wala din siyang naramdamang kahit na anong bitterness sa puso nang tanungin niya ito. Siguro dahil sa kaibuturan niya, proud pa din siya sa kung ano man ang naabot nito sa buhay.

Tila naman nagising ito mula sa malalim na pag-iisip. Bumaling ito sa kanya at tiningnan siya nang mataman. And for a moment there, all he wants to do is kiss her delectable lips so that he'll finally realized what he truly feel for her. Sa isip niya, iyon lang ang naiisip niyang paraan para malaman kung ano talaga ang nararamdaman niya para sa dalaga. Tumikhim siya upang alisin ang agiw sa isip at hinintay ang sagot nito.

"I'm fine. I'm doing fine and I'm happy of what I become." sagot nito. May nahimigan siyang lungkot sa boses nito na nagpakirot sa puso niya. Ilang sandaling katahimikan ang muling namayani sa pagitan nila bago ito muling nagsalita. "How about you, Jiroh? How are you?"

Isang matamis at malawak na ngiti ang kusang sumilay sa labi niya. "I'm fine. Finally, naka-adjust na ako sa dami ng trabaho sa AREC. Okay ang banda, nakakatugtog kami dalawang beses sa isang linggo kaya nakakapag-relax kami sa mga trabaho namin. I'm fine." Kahit sa pandinig niya ay walang sense ang sinabi niya but who cares? Hindi naman talaga niya alam kung anong isasagot sa tanong nito. Kung hindi pa nito tinanong iyon sa kanya, hindi pa siya mapapaisip kung kumusta na nga ba siya. Dahil simula nang mawala ito sa buhay niya, sumusunod na lang siya sa agos ng buhay.

Tumango-tango ito bago nag-indian sit paharap sa kanya. "So... Is it safe to ask kung kumusta na kayo ni Sophia? Bakit hindi natuloy ang kasal ninyo? Mukhang masaya naman kayong dalawa no'ng engagement party n'yo."

Nanlaki ang mga mata niya. Maingat naman ang paraan ng pagkakatanong nito pero ang ikinagulat niya ay kung paano nito nakilala si Sophia. Paano nito nalaman ang tungkol sa kasal na sa umpisa pa lang ay wala naman silang balak ituloy? At pa'no nito nalaman ang tungkol sa engagement party nila? Nandoon ba ito nang gabing maganap ang party sa bahay ng mga Ladores? Imposible! Hindi naman niya sinabi iyon dito at alam niyang malabong sabihin din dito iyon ng mga kaibigan niya.

A Song For You Book 1: A Man in Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon