Chapter Five

754 15 0
                                    

WALANG pagsidlan ang kilig at saya na nararamdaman ni Bianca. Paano ba namang hindi kung ang taong mahal mo ay hindi nauubusan ng sorpresang hinahanda para sa'yo? Minsan, natatakot na din siya na sa sobrang sayang nararamdaman niya, hindi niya namamalayan na pinapalitan na pala iyon ng sakit at kalungkutan.

Halos buong talambuhay ni Jiroh ay alam na niya. At ang pagiging mabait nito sa ibang babae, hindi na niya pinagse-selosan dahil palagi siyang ina-assure nito sa nararamdaman nito para sa kanya. Dalawang linggo na ang nakararaan simula nang mag-usap sila tungkol sa pagiging immature niya, pagkatapos niyon ay hindi na uli nito binuksan ang paksang iyon. Mas lalo lang itong naging sweet, caring at attentive sa kanya. Sa tabi na din niya ito umuupo sa mga klase nila. At mas madalas na silang lumalabas ngayon.

Sa tulong ng mga kaibigan niya, naitatago niya sa mga magulang niya ang paglabas-labas nila ni Jiroh at ang minsang paghuli niya kung umuwi. At isa ang gabing iyon sa mga pagkakataong iyon. Kanina ay niyaya siya ng binata para lumabas dahil may sorpresa daw ito sa kanya. Ayaw naman nitong sabihin kung ano iyon pero ang puso niya, sobrang excited na dahil iyon ang magiging first romantic date nila kahit na ba hindi pa niya alam kung saan siya dadalhin nito.

Alas-siyete siya umalis sa bahay nila at ang paalam niya sa mga magulang niya ay may group project sila sa bahay nina Carli. Syempre pa ay sinuportahan siya ng mga kaibigan niya. Bahala na daw ang mga itong mag-back up sa kanya.

Hindi mapuknat ang ngiti sa labi niya. Paano ba naman, napaka-pogi ng kasama niya. Hindi lang iyon, nang salubungin siya nito kanina sa gate ng village nila ay hinalikan siya nito hindi lang sa tuktok ng ulo kundi pati sa pisngi. Sinabihan pa siya nitong maganda. Sino ba naman ang hindi mamahalin ang lalaking marunong mag-appreciate sa mga babaeng mahal nila? Na pakikiligin ka kahit saan at kahit anong oras. Hindi tuloy niya naramdaman ang tagal ng biyahe nila. Nawalan na siya ng pakialam kahit na tahimik sila pareho sa buong durasyon ng biyahe, basta masaya siya.

Bumalik lang sa kasalukuyan ang isip niya nang sa wakas ay huminto ang sasakyan ni Jiroh. Isang napakagandang open-air restaurant ang pinagdalhan nito sa kanya. At napag-alaman niya na isa pala iyon sa mga bagong negsoyong ipinapatayo ng isa sa mga ninong ni Jiroh. Hindi pa raw tapos iyon pero nagkaroon ng pribilehiyo si Jiroh na magamit ang lugar para pagdausan ng date nila.

"Bakit kailangang dito pa? Masyado mo naman yatang pinaghandaan itong dinner date natin?" komento niya. Hindi naman sa hindi niya nagustuhan ang inihanda nito para sa kanya, masyado lang iyong magarbo.

Hanggang sa makapasok sila sa loob ay hindi pa din maalis ang pagkamangha niya dahil talaga namang napakaganda ng buong lugar. Sigurado siyang agad na dadayuhin ng mga tao iyon kapag opisyal nang nabuksan ang restaurant. Masuwerte siya at nauna na siyang nakapunta doon kaysa sa ibang tao.

"You like it?"

Nanayo ang mga balahibo sa batok niya nang marinig ang malambing na bulong na iyon sa tapat ng tainga niya. Nang lingunin niya si Jiroh ay masuyo itong nakangiti habang nagniningning ang mga mata nito. Gusto na yata niyang himatayin dahil gadangkal na lang ang layo ng mga mukha nila sa isa't-isa. At lalo pang nagwala ang buong sistema niya nang bigla nitong ipulupot ang dalawang braso nito sa katawan niya at niyakap siya mula sa likod.

Hindi humihingang tumango na lang siya 'tsaka pasimpleng lumayo dito ngunit hindi naman siya nito pinakawalan kaya itinuon na lang niya ang tingin sa napakagandang tanawin sa harap nila. Mahirap na, baka hindi niya mapigilan ang sarili niyang halikan ang mapulang labi nito.

"When you first looked at me, I forgot to breathe. That moment marked my hardened heart, I vowed never to leave. And the touch of your skin healed something deep within. That left me wanting more of you, the less I got the more it grew."

A Song For You Book 1: A Man in Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon