Chapter Eight

800 20 0
                                    

KINABUKASAN ay maaga ngang dumating si Jiroh sa bahay nina Bianca. Kabababa lang niya upang mag-almusal ay nandoon na ito at kausap ang pinsan niya. Mabuti na lang at nakaligo at nakapag-bihis na siya.

"Ang aga mo yata?" iiling-iling na puna niya. Simula nang makapag-usap sila ni Jiroh nang nagdaang gabi ay parang may malaking bato ang naalis sa dibdib niya.

"I told you I will come early, 'di ba? Nakapag-bilin na din naman ako sa office kagabi pa na hindi ako makakapasok ngayong araw." nakangiting sagot nito. Nang maupo siya sa tabi nito ay bigla siyang nangaligkig dahil sa sumunod na ginawa nito, inilapit nito ang mukha sabay amoy sa kanya.

Ngunit hindi nakaligtas sa pandinig niya ang sinabi nito kaya naman isinantabi na lang muna niya ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya dahil sa ginawa nito. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa binata. Hindi ito pumasok para lang masamahan siyang mag-apply ng trabaho?

"Sorry, Jiroh. Nawala sa isip ko na may pasok ka nga pala sa trabaho. Okay lang naman siguro kung hindi mo na lang ako samahan. Sabihin mo na lang sa'kin kung saan ang opisina ni Kuya JJ at ako na lang ang pupunta." Hindi siya ang tipo ng tao na mahilig magpaligoy-ligoy pero nang mga sandaling iyon ay na-guilty talaga siya sa ginawa niya.

Natawa ito. "It's okay. Wala na namang masyadong gagawin sa office eh. Hindi naman siguro babagsak ang kompanya namin kung maga-absent ako ng isang araw, 'di ba?" Muli ay inamoy-amoy na naman siya nito. "Bakit sobrang bango mo yata ngayon? Normal mo ba talagang ginagawa 'yan?" kunot-noong tanong nito.

Muli ay hindi niya ito pinansin. Iyon ang unang beses na ginawa nito iyon pagkatapos ng apat na taon, ang amoy-amuyin siya at naghahatid ng kakaibang kilig at saya iyon sa kanyang puso.

Pero hindi pa rin naalis ang guilt na nararamdaman niya. Mali pa din na hindi ito nakapasok nang dahil sa kanya.

Napalingon siya sa pinsan niya nang marinig niya ang pagtikhim nito. "May ibang tao dito kaya sana tigil-tigilan mo 'yang pag-amoy sa pinsan ko. Ang laswang tingnan, Jiroh!" saway nito sa binata pagkatapos ay binalingan siya nito. "Isa pa, hindi na iyan ang dapat na inaalala mo ngayon, dear cousin. Okay lang naman na um-absent si Jiroh nang isang araw sa trabaho, masyado na siyang napapagod do'n. Ang dapat mong alalahanin ay ang nalalapit na birthday ng daddy mo."

Kumunot ang noo niya. "Bakit?" Ano namang dapat niyang alalahanin sa birthday ng daddy niya? Wala naman siyang gagawin doon kung hindi ang umuwi para sa mga magulang niya. Para hindi tuluyang magtampo ang mga ito sa kanya. Isa pa, nami-miss na din naman niya ang mga ito.

Nalukot ang mukha ng pinsan niya. "Trent called me a while ago. Ang mommy mo, nagbabalak na isabak ka sa mga dates sa anak ng mga kakilala niya. Actually, pati sina Thomas alam na din ang balak ng mommy mo kaya sinabihan nila ako na paalalahanan ka." Bigla itong natawa nang may ma-realize. Iiling-iling na uminom ito ng tubig. "Mukhang desperada na si Tita Lucille na ihanap ka ng prince charming mo at nang magkaro'n ka na ng happy ending, Princess Bianca." tudyo nito.

Nanlaki ang mga mata niya at maging ang ulo niya ay parang lumobo dahil sa sinabi nito. Siya, ipapa-date ng mommy niya sa kung sino-sinong lalaking anak ng mga kilala nito? Ano na naman ang kalokohang pumasok sa kukote ng nanay niya at naisip nitong gawin iyon? As far as she's concerned, ngayon lang muling ginawa ng mommy niya na pakialaman ang lovelife niya.

Mukhang nabasa naman ni Kuya Travis ang iniisip niya dahil agad itong nag-seryoso. "Bianca, Tita Lucille maybe just wants you to have a happy love life. Maybe she wants to make it up to you by letting you choose your own prince charming in those gentlemen that she's going to introduce to you."

"By making me date those men?" napabuntong-hininga siya. "Kuya Travis, alam mong hindi ko priority ang lovelife ngayon. Kailangan ko munang makahanap ng trabaho. Makapag-settle dito sa Manila. 'Tsaka na ang lovelife na iyan, may oras pa naman ako para diyan. Besides, bata pa naman ako para sa mga ganyang bagay."

A Song For You Book 1: A Man in Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon