1:KISS

278 70 63
                                    


It will always be a good morning for me. Sino ba namang hindi diba? Kung yung long time crush mo na sa palagay mo ay nagugustuhan mo na ay kasama mo na sa boarding house. Di man kami room mates at least nasa ilalim kami ng iisang bubong.

"Krnggggg! Krnggggg!" Bumangon na ako at pinatay ang alarm clock ko. It's just four in the morning, inaagahan ko talaga ang pag gising para makita ko yung crush ko, by the way he is Von. Sa tingin ko nga ay meant to be kami eh, kasi tatlong letra lang meron ang pangalan niya same as mine, J E M. I'm Jem and his Von, ang cute diba?

Tumuloy na ako sa banyo para maligo, pagkalabas ko ay niligpit ko muna yung hinigaan ko nakalimutan ko kasi. Hindi naman ako naguguton kaya nagdirediretso nalang ako sa pagbibihis.

Inayos ko na lahat ng gamit ko sa school. Time check, 4:45 am. Saktong pagkasara na pagkasara ko ng pintuan ng kwarto ko ay nakita ko si Von na bumababa na ng hagdaan, nasa second floor lang naman kami.

Sumakay siya ng taxi kaya sumakay na rin ako tapos sinabi ko kay manong driver na sundan yung sinakyan ni Von. Medyo naguluhan pa nga ako eh kasi di sa school ang diretso ng sinasakyan ni Von. Tumigil kami sa garahe ng ospital. Why is he here? And why so early?

Inabot ko na ang bayad kay manong driver at bumaba na ng taxi. I saw Von entering the hospital di na ako sumunod kasi wala naman akong maidadahilan sa pagpasok ko doon kaya iintayin ko nalang siyang lumabas. 5:23 na sya nakalabas ng ospital, nakakapagtaka lang dahil ang tagal niya naman doon sa loob.

Nasa school na kami ngayon. Feeling ko buo na agad ang araw ko dahil nakita ko na yung crush ko. First day of school guys! Fourth year high school student na ako ngayon, last year na ito ng pagiging high school.

"Jowaaaaaaaa!"
"Loveeeee!"
"Jemmm!"

Hahaha alam ko na kung kaninong mga sigaw yon.

Humarap agad ako sa kanila. Yung tumawag sakin ng jowa si Trisha yon ang pinakamaganda at pinakatalented kong kaibigan. Yung love naman si Annie yon pinakacute kong kaibigan na hanggang ngayon ay di parin binibigyan ng label, hahaha. For sure yung tumawag ng Jem sakin ay si Maya na parang oldest sister namin, si Charm na pinakamaputi at si Rain yung pinaka abnormal. Actually may group name kami ehh, SAMAHAN NG MGA GAGU. hahaha long story kung paano nabuo.

"Namiss ko kayuuu!" Sinalubong ko ang yakap nila. Kasi ikaw ba naman di mo mamiss kaibigan mo pagkalipas ng apat na buwan? Yes 4 months dahil nung Covid 19 na yon. At hanggang ngayun meron parin non.

"Oy mga tao wag na kayung maghanap ng section nyo kasi..... CLASSMATES ULIT TAYO!"

"Tara na sa room!"

Nasa room na kami ngayon at dumating na yung teacher namin.

"Good morning class."

"Good morning ma'am."

First day of school kaya puro introduce yourself at sobra akong nagulat dahil dun sa huling nag introduce ng pangalan niya. It was Von! Classmates kami!

Lunch time na at iniwan ako nung mga GAGU dahil pupunta silang canteen ako naman dito lang sa room kaya napagpasyahan kong lumapit kay Von.

"V-von."

"Oh, hi Jem." Nakita ko na naman yung ngiti niyang nakakatunaw talaga. Nakatulala lang ako sa kaniya.

"Oy. Mind if you join me eating?" Inaalok niya akong sabayan siya kumain?

"Talaga?!" Nasobrahan naman at ako sa pagka excite.

"Haha, of course."

Dali dali kong kinuha ang lunch ko at di na inintay ang mga GAGU.

SEPARATED(A sad story compilation)Where stories live. Discover now