Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na pwede na akong makapaglaro ulit sa labas. Nandito ako ngayon sa park at nakaupo sa swing.I'm 14 years old now, in my younger years I used to go to hospital most of the times and my parents didn't allow me to play outside. Hindi ko rin alam kung ano ang sakit ko at tsaka wala na akong balak alamin yon because I'm happy now. I don't want to ruin my special day.
May nakita akong lalaki sa di kalayuan, baka pwede ko siyang makalaro kaya tumakbo ako papalapit sa kaniya. Kasalukuyan siyang nakatalikod sa akin so I decided to get his attention. Kinulbit ko siya ng dalawang beses at di naman ako nabigo dahil humarap siya.
"Pwede makipaglaro?" Tanong ko sa kaniya habang nagpapacute pa.
"What? Hahaha. Hindi ka na bata lol."
Sinimangutan ko siya at ng akmang aalis na ay hinawakan niya ang palapulsuhan ko.
"Wait hahaha. Ilang taon ka na ba at gusto mo pang maglaro?" Tanong niya sa akin habang nangaasar pa.
"I'm JUST FOURTEEN." Sabi ko sa kaniya na pinagdidiinan pa ang bawat salita.
"Just fourteen? Hahaha. Fourteen lang din naman ako ah. Ang tanda mo na para maglaro pa. Ako nga eh, I stopped playing when I am eight."
"And so? Sino kaba ha?" Inis kong tanong sa kaniya.
"I'm Jerrick. How about you? Hahaha." Tatawa tawa niyang saad habang iniaabot sa akin ng kamay niya.
Ang pilisopo! Nagpakilala nga eh hayyys! Kaasar!
"I'm Pau." Then I gave him a fake laugh.
Nandito kami ngayon ni Jerrick sa park habang inaalala ang unang beses naming pagkikita three years ago.
"Ang epic mo nga noon eh hahaha." Jerrick concluded.
"Eh sa gusto kong magkaroon ng kalaro eh. Ay oo nga pala birthday ko na sa isang araw punta ka sa bahay ha?"
"Oh sige ba! At asahan mong bibigyan kita ng regalong di mo inaakala."
Isang regalong hindi ko inaakala hihihi.
"Siguraduhin mo yan ha!"
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at tumitig ng diretso sa mga mata ko. He smiled at me sweetly and that made me smile at him too.
Sa loob ng tatlong taon alam kong minahal ko na si Jerrick at alam ko ding patuloy ko siyang mamahalin. He's been very sweet to me back then at kahit ngayon naman. Siya lang ang kaisa isang taong nagparamdam sa akin ng true and genuine love. Sadly, that's the kind of love my family cannot give to me.
"Ma! Andito na po ako." Pumasok na ako sa pinto at aakyat na sana pero biglang lumabas si mama mula sa kusina.
"Saan ka nga pala galing Pau, anak?" Tanong sa akin ni mama habang may talsik pa ng harina sa muka.
"Sa park po." Sagot ko.
"S-sino namang kasama mo?"
"Si Jerrick ma."
"Anak, anak. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo na ang pakikipagkita diyan sa J-jerrick na yan ha?! Anak naman oh! Huling beses ko ng sasabihin to, parang awa mona TI-GI-LAN-MO-NA!"
"Ma, alam mo naman kung gaano kaimportante sa akin si Jerrick. Ma all these years siya lang ang nakakaintindi sa akin. Ma, alam mo namang sa eskwelahan ni isa walang gustong makipagkaibigan sa akin ni kumausap nga wala din alam kong iniiwasan nila ako. Pakiramdam ko mag isa ako pakiramdam ko walang nagmamahal sa akin, not until dumating si Jerrick sa buhay ko, sya lang ang nagpardam sa akin na mahalaga ako ma, yung pakiramdam na n-never niyong pinadama sa akin." Puno ng hinanakit kong sumbat kay mama. Habang binabanggit ko ang mga iyon ay nangingilid na ang mga luha ko.
YOU ARE READING
SEPARATED(A sad story compilation)
RandomThis is a one shot story compilation. All endings will be sad but, hope you still read and vote.