3: BROTHER

84 44 21
                                    

"I hate your dad Rixie, I hate him for being a cheater, pero mahal ko pa rin siya." Hahangos hangos na sabi sa akin ni mom.

I'm always affected when mom is the topic. I love my mom but I also love my dad. I might got angry to him for cheating my mom but at the end of the day he is still my father and no one can cheat that.

"Mom are you sure na anak talaga ni dad yung pumunta dito? What if he's just a scammer na gusto ng pera?" Nag aasam na tanong ko kay mom. Gusto ko kasing mag think positive para naman gumaan gaan ang pakiramdam ni mom.

"I know his not lying Rixie, alam kong nagkaroon na ng babae ang dad mo dati bago pa ako mabuntis sayo at hindi imposible na m-may n-nangyari sa kanila." Lalong umiyak si mom dahil sa sinabi niya. Ang sakit makita si mom sa ganitong sitwasyon. Ayokong makita siyang nasasaktan lalo na ang umiiyak.

"Kung nandito lang talaga ako mom nung pumunta yung nagpakilalang anak daw' ni dad ihohot seat ko talaga siya baka niloloko lang talaga niya tayo." Mapanghamong tono ko para ipakitang titibayan ko ang loob ko anuman ang harapin namin ni mom.

"Basta anak, Rixie, ipangako mo sa aking hinding hindi mo sasabihin sa dad mo ang nalaman natin ha? I want him to admit his own mistakes at tsaka kasi, baka hindi pa rin niya ito alam. Natatakot akong mawala si Raul sa atin. Ha anak?" Umiiyak na pakiusap sa akin ni mom.

"Ok mom. I love you mom." Niyakap ko kaagad si mom para maramdaman niyang suportado ko siya. I don't want to make her feel alone and lonely.

"I love you too anak. Sana hindi mo maranasan kay Jelon ang nararanasan ko sa dad mo."

"I trust Jelon mom and I know he'll never cheat on me."

Nasa kama na ako ngayon, nakahiga at nagse cellphone. Iniiwasan ko talaga ang isipin yung nagpakilalang anak daw' ni dad. May nag notif sa akin, binuksan ko at nagtext pala ang boyfriend kong si Jelon. Magdate daw kami bukas. Ang sweet sweet talaga niya sa akin. Siyempre umoo ako, namiss ko din kasi siya ehh.

Nandito na ako ngayon sa meeting place namin. I'm just sitting on the chair while waiting for Jelon. I'm thirty minutes earlier sa oras na pinag usapan namin ni Jelon, well I used to be early in everything anyway.

While waiting for him, may nakita ang mga mata kong hindi ko dapat makita. Unti unting nagbagsakan ang mga luha ko ng makita ko si dad na may kalambingan. So totoo nga? My dad is really a cheater.

Nakakainis naman oh! Umiiyak ako ngayon dito tapos nakalimutan kong magdala ng panyo tapos mamaya pa rin ang dating ni Jelon. Arggh! I hate this day.

"Miss, take this." Lumingon ako dun sa lalaking nag abot sa akin ng panyo. My mom told me to not talk to strangers but now I feel that strangers are the safest secret keepers rather than anyone.

"Thanks." Inabot ko ang panyo niya at pinunasan ang mga luha ko mabuti nalang at hindi ako sinipon dahil nakakahiya naman kung masisingahan ko pa.

"Do you need someone to talk to?"

"Yes, sorry for disturbing you."

"It's alright, by the way I can be that someone you can talk to." Hindi ko alam pero parang naging komportable ako sa kaniya. Umiyak lang ako ng umiyak sa kaniya at sinabi ang mga hinanakit ko sa daddy ko pero hindi ko talaga kinuwento kung ano ang nangyari.

"I think kailangan ninyong magkausap ng taong yan for you to answer your questions. Are you leaving? Mag gagabi narin kasi, gusto mo sabay tayo hanggang dun sa kanto?"

SEPARATED(A sad story compilation)Where stories live. Discover now