April na pala? Siguradong usong uso na naman yung mga magjojoke dyan mapapersonal man o chat."Annie!" Lumingon ako sa tumawag sa akin at tumambad sa akin ang muka ng kaibigan kong si Princess.
"Oyy kamusta na?" Masigla kong bati sa kaniya.
"Ayos naman ikaw ba?"
"Ayos din naman hahaha." Napuno nalang ng tawanan ang kwentuhan namin.
"Bat di pa tayo naorder nagugutom nako Annie eh. May hinihintay ka pa ba?" Mukang gutom na nga siya haha.
"Oo eh, Yung boyfriend ko iniintay ko pa. Date sana namin to ni Rafael pero naisipan kong isama ka na haha." Tumahimik na lang bigla siya at saka uminom ng tubig. Mukang nagugutom na talaga si Princess haha.
What if iprank ko si Rafael? Kunwari ibebreak ko na siya kase matagal na akong may iba hahaha. April's fools naman kaya why not diba? Makisakay na lang sa trip ng marami.
"Babe!" Tumayo ako sa silya at sisimulan ko na ang acting ko haha. Humalik si Rafael sa pisngi ko tapos medyo umiwas ako.
Umupo siya sa katabi kong silya habang katapat naman namin si Annie.
"Oh, hi Annie!" Ngumiti naman si Rafael kay Annie.
"Hi den Rafa!" Nubayan! Ang sisigla nila baka mawala ako sa concentration ko eh hahaha.
"R-rafael." Kunwaring malungkot kong tawag sa kaniya.
"Yes babe?"
"Let's end everything here." Yumuko ako at kunwaring naiiyak na.
"Bakit babe?"
"Matagal na akong may iba. Mas mahal ko siya kesa sayo Rafael." Saad ko habang nakayuko parin.
Namayani ang katahimikan sa aming tatlo. Sisigaw na sana ako ng happy April's fools pagkatunghay ko ng muka pero naistatwa ako ng makitang magkatabi na si Princess at Rafael na kasalukuyang kaharap ko.
"Ako rin Annie. Matagal ng kami ni Princess, nilihim namin to sayo kase alam naming masasaktan ka. Annie matagal ko nang mahal si Princess, at ngayong pinalaya mo na ako malaya na rin kaming makakapagsama."
Unti unting namuo ang luha sa mga mata ko. HAPPY APRIL FOOLS SELF! Ako pala yung totoong naloko. Bakit? Bakit nila nagawa sa akin ito?
Lalong nanikip ang dibdib ko ng makitang nagyakap pa silang dalawa. Ang mga hayop! Ang tagal na pala nila akong niloloko. Kinuyom ko ang mga kamao ko habang nagpipigil ng luha. Tumingin ako sa kanila at ngumiti.
"M-masaya ako para sa i-inyong dalawa." Saad ko ng nakangiti pero alam ko sa sarili kong nangingilid na ang mga luha ko.
"Salamat Annie." Sabi ni Rafael. Ang hayop!
"Salamat bes." Dagdag pa ni Princess na mang aagaw! Mga hayop talaga.
Hindi ko akalaing ako yung maloloko. Bakit? Bakit nila nagawa sa akin ito? Bakit nila ako pinagtaksilang dalawa? Ang sakit sakit sa pakiramdam.
"Happy April fools." Bulong ko sa sarili ko.
CREDITS SA NAMES: @
DONT FORGET TO
VOTE , COMMENT AND SHARE
I LOVE YOU GUYSFOR MORE UPDATES ADD ME AT MY FACE BOOK ACCOUNT:
Beatrice IvonnePLEASE ALSO FOLLOW AND JOIN MY FACEBOOK GROUP :
WATTPADERS(readers and writers)#happyAprilsFools
YOU ARE READING
SEPARATED(A sad story compilation)
AcakThis is a one shot story compilation. All endings will be sad but, hope you still read and vote.