"Congratulations graduates!" At sabay sabay na naming inihagis ang mga cap namin."Congratulations Chriztian!" Bati ko sa soon to be boyfriend ko hahaha. Kailangan advance ka na mag isip.
"Same to you Vera." Bakit parang ang lungkot niya? He must be happy kasi after so many years, finally nakagraduate na kami.
I was about to ask him if there's any problem when his phone suddenly rang. Kinuha niya iyon at agad na sinagot.
"Really? Ok, we'll be there." His expression suddenly changed. Kung kanina maaaninag mo ang lungkot niya ngayon naman ay umaliwalas na ang itsura niya and he seems to be very happy, I guess?
"Hehe, sino yun?" Of course, kapag crush mo dapat usisera ka! Hehehe.
"It's ate Angela." Nasilayan ko na naman yung mga ngipin niyang mapuputi dahil nakangiti siya ngayon.
"Si ate Angela? She's here na pala. Bakit daw?" Si ate Angela ay best friend namin ni
Chriztian even she's five years older than us. Apat kasi kaming magkaibigan, yung isa si kuya Micko, magkasing edad lang sila ni ate Angela."She's inviting us in her restobar, alam niya kasing wala parents natin dito kaya naisipan niyang tayo nalang daw ang mag celebrate."
"Nice, two weeks din natin siyang hindi nakasama ah... Bakit kaya? Well, I'm in."
"Great. And, oh. By the way nandun si kuya Micko." Hanggang ngayon ba naman aasarin pa rin niya ako kay kuya Micko? Yes, I once have a crush on him pero dahil lagi akong inaasar sa kaniya ni Chriztian, sa kanya nabaling yung paghanga ko.
"Tara na nga!" Asar kong bulyaw sa kaniya. Siyempre ako itong feeling jowa kaya ako na ang nauna sumakay sa kotse niya. Siyempre sa shotgun seat ako umupo para mas malakas makajowa ang datingan.
Nang makasakay siya sa kotse ay dumiretso na agad kami sa restobar.
"Miss you guys!!!" Pagkapasok na pagkapasok namin, iyan na agad ang salubong sa amin ni ate Angela.
"It's been a while ate." Mas nauna akong humiwalay sa yakapan naming tatlo. Mga ilang segundo din ang lumipas bago maghiwalay si ate at Chriztian sa yakapan nila.
Kung ibang tao ako iisipin kong magkarelasyon yung dalawa pero knowing them? Magkapatid pa nga ata turingan nila, tsaka hindi sila talo, ang laki kaya ng tanda sa amin ni ate Angela!
"Kuya Micko!" Agad nagyakap si Chriztian at kuya Micko. I feel nothing special, as I said hindi ko na siya crush but Chriztian is still insisting that I do.
"Hi Vera. It's been a while"
"Kuya Micko two weeks lang naman hahaha."
"Ouch! Di mo pala ako namiss!"
"Syempre namiss kita kuya! Pero mas namiss ko si ate Angela."
"Don't worry ako din naman eh." Tatawa tawa niyang sabi. Pakiramdam ko naman biglang naging awkward ang paligid dahil sa sinabi niya.
"What's wrong?" Inosente niyang tanong. Hhmmm.... I smell something fishy. May gusto kaya si kuya Micko kay ate Angela? Support!!!
"Ahhm, hehehe. Gutom na ako guys, pwede na ba tayong kumain?" Bigla namang nawala ang awkwardness ng itanong ko yun.
"A-ah sige tara na dun."
After we eat nagpaalam na kami ni Chriztian na uuwi na, medyo late na din kasi eh tapos nagparty party pa kami dun.
Kasalukuyan kami ngayong nasa kalagitnaan ng kalsada kasi ihahatid ako ni Chriztian sa amin. Sweet diba? Kaya hindi na ako magtataka isang araw tanungin niya ako kung pwedeng maging kami. Kahit di naman niya ako ligawan sasagutin ko pa rin siya hihihi.
YOU ARE READING
SEPARATED(A sad story compilation)
RastgeleThis is a one shot story compilation. All endings will be sad but, hope you still read and vote.