Chapter 5 : Her side

5 2 0
                                    

Irish's pov

Hello sa inyo ako ngapala si Irish Jamie jimenea at ngayon si Mrs.Tyron Peirera lahat ba kayo nagtataka kung ano ang nangyari sa amin ni Karl?? Ako nga din nagtataka kung bakit hindi kami nagkatuluyan.

Ang ganda ng video presentation na ginawa ng barkada nakakamiss na tuloy sila lately hindi na kami nagkakabonding dahil busy na kanya kanya naming buhay na tinahak.

Nasa pangalawang picture na kami ang sarap balik balikan ng mga nakaraan naming mga picture kaso nga lang may part na masakit. Ang picture ngayon ang isa sa mga favourite ko group study kasi malapit na ang Exam at lahat kami pursigidong magaral sobrang pasasalamat ko ky karl dahil sa kanya nagkaroon ako ng mga kaibigan , haters (malalaman nyo yan sa mga susunod na chapters) at higit sa lahat I learn to fall in love at the same time heartbreaks.

 

 

“Ayos ka lang?” tanong sa akin ni tyrone

 

 

“OO naman, bakit mo natanong?”

“Hindi ka naman siguro nagsisisi sa ginawa mo?” tanong nya ulit

 

 

“Syempre , magagawa din kitang mahalin” ayokong maging unfair sa kanya nagawa nya akong mahalin at magagawa ko din yun makakapag move on din ako

 

 

“Bibigyan kita ng huling chance my oras ka pa para mag back out alam ko naman na hindi ako ang gusto mo na pilitan ka lang dahil ito ang gusto ng parents natin at ayokong maging unfair sayo.” Nakangiti nyang sabi

 

 

“Sigurado ka ba sa mga pinagsasabi mo , ayokong ipahiya kayo sa mga bisita at kamag anak mo”

 

“Wala naman silang alam sa nangyayari alam mo naman na mahal kita at ayoko na maging malungkot ka lang sa piling ko” seryoso nyang sabi.

Pero hindi ko naman alam kung anong nararamdaman ni karl para sakin kung sa kanya ba talaga ang singsing na nakita ko sa labas ng wedding boutique kasi umuulan.

 

 

(Flashback)

Habang namimili ako ng susuotin kung gown kasama ang bestfriend kung si Jessica.

 

 

“Besh tignan mo to hang Kyut kyut bagay na bagay sa akin toh” nakangiti nyang sabi sa akin nagsusukat din kasi sya dahil sya ang brides made ko.

 

 

Oo nga bagay na bagay sa iyo” nakangiti kong sagot.

 

 

“Talaga bang sigurado ka sa gagawin mo na pagpapakasal kay Tyrone besh may time kapa para magbago ang isip mo” nagbago nanaman ang ihip ng hangin

 

 

“Wala na talagang mababago” sagot ko

 

 

“Last question , Mahal mo ba talaga si Tyron or si karl parin ang nasa isip at puso mo dahil kung –“ teka parang si karl yung nasa labas kitang kita ko tumingin sya sa akin dito sa loob sa malaking glass window ang lakas pa naman ng ulan wala syang payong na dala “nakikinig ka ba sa akin bakit tingin ka ng tingin dyan sa la---“.

 

 

“ lalabas muna ako” putol ko sa sinabi ni jess at simula ng kumuha ng payong

 

 

“teka lng ang lakas ng ulan sa labas” hindi naku nakinig sa kanya.

Pagkarating ko sa labas pumunta ako sa pwesto nya kanina kung nasaan ko sya nakita pero wl akong nakitang tao guni guni ko lang ba yun? Pero may nakita akong isang maliit na box at nong buksan ko isang sing sing.

 

 

“Besh halika na nga at bumalik na tayo sa loob ang ginaw dito sa labas” hinila nalang ako pabalik ni jess

 

 

(end of Flashback)

Hanggang ngayon di pa din maalis sa isip ko ang tungkol doon palagi ko ngang dala dala ang sing sing ewan ko ba talaga kung para kanino toh.

Precious TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon