"Uy, OK ka lang ba? Nagcocosplay ka ba?"
Nagmamadaling bumangon si Galang Kaluluwa pagkakita sa dalaga.
Kaantok-antok na nagtanong si Galang Kaluluwa, "Maaari mo bang ulitin ang iyong sinabi?"
"Hala, ang weird, tigilan mo na nga 'yang pagcocosplay mo! Hahahaha!"
"Co-Cosplay?"
"Oo, aking butihing bisita, ika'y tumuloy muna at magpahinga pfft," pakikisamang sinabi ng binibini at nag-bow ng dahan dahan habang nakahawak sa kaniyang palda, "hindi ligtas ngayon dahil may pumapatay daw na manananggal tuwing gabi!" dagdag niya na parang ginagaya ang isang nagcocosplay.
"Maaari ko bang malaman ang iyong ngalan?"
"Iyela," tumingin sa mata at nag-alay ng kamay kay Galang kaluluwa, "weird name, right? Ikaw ba?"
"Ako naman si Gala..."
"Hmm?"
Napahinto si Galang Kaluluwa sa pagsasalita.
Biglang bumungad sa isip niya ang mga kaalaman mula noong siya'y namatay hanggang sa kasalukuyan nung sandaling nakipagkamay siya kay Iyela,
napaisip si Galang Kaluluwa sa kaniyang pangalan na nailagay na sa mga lumang kasulatan. Natahimik siya sumandali at nagpasalamat kay Bathala."Ako si.. Skye."
"Ohhh, cool name. Sana all! Kaso di naman yata bagay, Iyela Skye... Hahahahaha!" Pabirong sabi ni Iyela. "Maligo ka muna tsaka.." tinignan ng masama ni Iyela ang kasuotan ni Skye, "hubarin mo yang suot mo! Baduy!"
Lumipas ang oras at maayos na ang kasuotan ni Skye, napagtanto niya na kailangan niyang itago ang kaniyang pakpak upang maitago ang kaniyang identity.
"Isa na lang ako dito, iniwan ako ng parents ko kasi ayaw ko sa kanila.." tahimik na sinabi ni Iyela habang nasa sala sila ni Skye.
"Bakit?"
"Ewan ko ba, ang corny nila eh, para bang nang-aabuso na yung kumpanyang binuo nila, akala ko magiging maayos lahat.." malungkot na sinabi ni Iyela, "welcome ka naman mag-stay dito basta kahit anong mangyari 'wag mo bubuksan yung box na yun," sinabi ni Iyela at tinuro ang maliit na kahon na may label na "Onei Company."
"'Wag ka mag-alala, hindi ko gagawin 'yon" paalalang sinabi ni Skye.
BINABASA MO ANG
Taong 2050,
Historical FictionIsang maikling istoryang ginawa tungkol sa Philippine Mythology. Taong 2050, muling nabuhay si Galang Kaluluwa upang pigilan ang masasamang balak ni Ulilang Kaluluwa sa mundong ibabaw. Kanilang makikilala si Iyela, na siyang babago sa kapalaran ni G...