Taong 2050, ang mga tao ay unti-unting nauubos dahil parami ng parami ang namamatay dahil sa hindi alam na kadahilanan. Biglang narinig ni Galang Kaluluwa ang pagtawag ni Bathala sa kaniyang pangalan.
"Huh?" nagtatakang sinabi ni Galang Kaluluwa habang nababalisa sa paulit-ulit na pagtawag sa kaniyang ngalan.
"Sandali.." pahinang sinabi ni Bathala.
Naalala ni Galang Kaluluwa ang kaniyang kamatayan at ang pagkakaibigan nila ni Bathala. Sa kaniyang paggising, bumulaga sa kaniyang mga mata ang tatlong manananggal na si Bebe, Bubu at Baba.
"Aming panginoon! Kami'y naghanda ng tatlong masarap na putahe para sa iyong pagbabalik!" Sinabi ng tatlo ngunit mali-maling sinabi ni Bubu.
"Huh? Sino kayo? Nasaan ako? Marapat na lamang na ako'y lumisan!" nagmamadaling sinabi ni Galang Kaluluwa.
"Sandali lamang, ako si Bebe, isang manana-," muntikan na madulas si Bebe. "babae hindi mo ba nais.." nagpapaantig na sinabi ni Bebe kay Galang Kaluluwa.
Pinutol ni Bubu ang sinabi ni Bebe at nagpakilala na parang nababaliw, "Ako si Bubu, HAHAHAHAHA!"
"Ako naman si.."
"Baba..PFFT," sinundan ni Galang Kaluluwa "oo, alam ko na," nagmamadaling inihanda ni Galang Kaluluwa ang kaniyang pakpak at bumangon.
"maraming salamat sa paggising sa akin, tatlong binibini."Agad na lumipad si Galang Kaluluwa at kaniyang naramdaman muli ang hangin sa kaniyang mga pakpak.
Agaran niyang hinanap si Bathala sa mga ulap ngunit kumakagat na ang dilim.Biglang kumidlat na nagsilbing ilaw ni Galang Kaluluwa upang makahanap ng matutuluyan, ngunit nagsimula naman umulan.
Nakakita siya ng isang malaki at magarbong bahay sa gitna ng kagubatan. Doon siya nanatili hanggang mag-umaga.
Tinanghali ng gising si Galang Kaluluwa at sa pagmulat ng kaniyang mga mata ay may nakatingin sa kaniyang isang magandang dalaga.
BINABASA MO ANG
Taong 2050,
Ficción históricaIsang maikling istoryang ginawa tungkol sa Philippine Mythology. Taong 2050, muling nabuhay si Galang Kaluluwa upang pigilan ang masasamang balak ni Ulilang Kaluluwa sa mundong ibabaw. Kanilang makikilala si Iyela, na siyang babago sa kapalaran ni G...