Isang gabi, makalipas ang dalawang buwan, ninais na umalis ni Skye upang hindi maabala si Iyela. Nag-iwan siya ng sulat upang ipaalam kay Iyela na siya'y umalis at hindi nawawala. Ngunit biglang nakarinig nang ungol ng aso si Skye at napalingon.
"Ahoooooooooooo"
Si Iyela! Kailangan ko siyang prote-
Nakaramdam ng sakit sa kanang parte ng kaniyang likod si Skye, nanlabo ang kaniyang paningin at nakita niya si Bebe.
"Panginoon! Sa akin ka lang!" pasigaw at pabebeng sinabi ni Bebe.
"Kailangan na nating tumakbo! Paparating na siya! Takot na takot na sinabi ni Bubu.
"Tanga ka ba? Wala tayong paa! Baka nakakalimutan mo, manananggal tayo!" galit na sinabi ni Baba.
Lilipad na sana palayo ang tatlong manananggal ngunit hinabol sila ng isang malaking puting lobo. Nanlilisik ang mga pulang mata nito sa tatlong manananggal.
"Aray!" maarteng sinabi ni Bebe.
"Nakatingin lang sayo, nasaktan ka na?" patanong na sinabi ni Baba.
"Masakit ba yun?" seryosong tanong ni Bubu.
Nagtinginan silang dalawa ng walang sinasabi...
Pinaikutan sila ng puting lobo habang nanlilisik ang mga pulang mata. Sumama ang tingin nito kay Skye at kinagat ng puting lobo ang kamay ni Bebe kaya nabitawan ni Bebe si Skye.
Agad na umakyat sa ikalawang palapag si Iyela para makita si Skye at ang puting lobo.
"Alis! 'Wag na kayong babalik!" Malakas na sinabi ni Iyela sa tatlong manananggal.
Gumalaw ang nga pakpak ng tatlong manananggal palayo sa bahay ni Iyela.
"Anong nangyayari?! Bakit ayaw sumunod ng mga pakpak ko?!" nagtatakang sinabi ni Bebe habang pilit na pinasusunod ang kaniyang mga pakpak.
"Lumilipad tayo! HAHAHAHA!" sabi ni Bubu.
Natahimik lang si Baba habang lumilipad sila palayo sa bahay ni Iyela.
BINABASA MO ANG
Taong 2050,
Historical FictionIsang maikling istoryang ginawa tungkol sa Philippine Mythology. Taong 2050, muling nabuhay si Galang Kaluluwa upang pigilan ang masasamang balak ni Ulilang Kaluluwa sa mundong ibabaw. Kanilang makikilala si Iyela, na siyang babago sa kapalaran ni G...