Seth at Onyx

8 0 0
                                    

Tinignan niya ang kaniyang paligid at nakakita ng orasan.

Umaga na..

Narinig ni Skye ang mabilis na padyak paakyat sa kanilang silid. Bumungad sa kaniya ang nagmamadaling si Blanc.

"May paparating na isang grupong may masamang amoy. Looks like bad sme- news." Ibinalita ni Blanc kay Skye habang naiilang sa amoy.
Nagising si Iyela sa pagkakadinig kay Blanc, nakita niyang nagising na si Skye.

"After 6 hours, nagising ka rin."

Aalis pa lamang ng kama si Skye, biglang nabasag ang mga bintana sa putok ng baril.

Nabigla si Iyela sa pagkakarinig ng malakas na mga putok ng baril.

Mayroong mga balang nakapasok na may markang simbolo ng kadiliman. Sinenyasan ni Iyela si Blanc na magtago sa loob ng aparador. Dahil nahirapan gumalaw, hindi naiwasan ni Skye ang bala at natamaan sa kaniyang kanang binti at balikat.

Naisip muli ni Skye ang ibinanta sa kaniya ni Bathala na masama para sa kaniya si Iyela ngunit hindi pa rin niya ito pinaniniwalaan.

Nasindak sa gulat si Skye noong makita ang nangunguna sa kabila ng pamamaril, nakita ng kaniyang mga mata na may kasamang malaking ahas na kulay itim, si Ulilang Kaluluwa.

Napunta ang tingin ni Skye sa malaking ahas na itim, nakakatakot ang laki nito, ang dilaw na mata nito ay tila nanunukso.

"Seth, what now?"

"Shut up," galit na sinabi ni Ulilang Kaluluwa, "let Onyx handle it."

Pinagdikit ni Ulilang Kaluluwa, na tinawag nang Seth, ang kaniyang dalawang hinlalaki at hinliliit at pumikit.

"Sssssa-sssssa-ssssa." sinabi niya itong pabulong na utos ni Seth sa kaniyang ahas.

Ang malaking ahas ay biglang nawala sa paningin ni Iyela at Skye, nanatili silang handa.

Nagkaroon ng marka sa binti ni Iyela at biglang hindi siya makapagsalita o makagalaw, hindi niya ngayon mautusan ang mga kampon ng kadiliman dahil hindi siya makapagsalita.

"Hnnmp! Hnhg!" Tila may busal sa bibig na nahihirapan makapagsalita.

Napagapang na lamang sa gilid si Skye habang nananalanging huwag sana siyang paslangin sapagkat si Ulilang Kaluluwa ay kaaway ni Bathala.

"Galang Kaluluwa," pagtawag ni Seth, "tignan mo kung sino ang iyong pinagkakatiwalaan."

Nakita ni Skye ang mga dilaw na mata ng ahas na si Onyx, sobrang lapit sa kaniyang mukha ngunit mabilis rin itong naglaho. Pagkakurap niyang isa, nakatapat na ang baril sa kaniyang ulo.

Ang may hawak ng baril ay si Iyela.

Tumingin lamang si Skye sa mga mata ni Iyela. Ang mga mata ni Skye ay tila nagpakita ng bahid ng kalungkutan.

"'Wag!" ang sabi ng isa na may maliit na boses.

Taong 2050,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon