Binasa muli ni Skye ang nakasulat sa pader.
Kung magbibigay ba ako ng dugo, mabubuhay ba si Louise?
Naging mahinahon si Skye at pinag-aralan ang mga charts at librong nakakalat sa kwartong iyon.
Nakakita rin siya ng malalaking computer at mga screen na nagbibigay impormasyon at kumokontrol sa buong bahay ni Iyela.
Makalipas ang dalawang buwan, napag-aralan nang mabuti ni Skye ang mga pananaliksik na naisagawa ni Iyela at nakumpleto na ni Skye ang mga kailangan upang mabuhay si Louise.
Kumuha si Skye ng kutsilyo at nagsimulang hiwain ang kaniyang palad.
Ang hapdi at kirot sa kaniyang mga palad ay hindi niya maipaliwanag, pumatak ang kaniyang luha kasabay ng pagpatak ng kaniyang dugo.
Kailangan lamang maghintay ng 12-48 na oras upang magpakita ng sintomas na siya ay buhay at humihinga.
Naghintay ng matiyaga si Skye habang nakatingin sa monitor.
Hindi nagtagal ay nakarinig ng tunog si Skye.
"Beep.....beep.....beep...."
"Ang sabi ng jeep."
Laking gulat ni Skye sa pagbisita ni Bathala.
"Wazzup, kiddo?" tanong ni Bathala.
Umupo si Skye habang naglalagay ng pangtapal sa kaniyang mga palad.
"Kailangang mabuhay si Louise para malaman ko lahat." sagot ni Skye.
"Ahh, so ito si Louise..may itsura no? Pogi, gwapo, handsome, ha!"
"Oo na, alam ko na. Wag ka na nga sumusulpot dito, hindi nakakatuwa."
Sumimangot si Bathala kay Skye, ang mga mata ay tila pinapaalam na hindi siya natutuwa sa sinabi ni Skye.
"Wag mo gawin yan sa mata mo, hindi cute!" pasigaw na sinabi ni Skye.
"Aalis na nga, mag-iingat ka at baka mahanap kayo ni Seth! Legit!"
Nawala si Bathala sa paningin ni Skye.
Napabuntong hininga si Skye at napapikit, napahawak sa sintido sa pagbisita sa kaniya ni Bathala.
Pagmulat ng kaniyang mata, nakakita siya ng isang maitim na anino.
"Sino ka...?"
BINABASA MO ANG
Taong 2050,
Historical FictionIsang maikling istoryang ginawa tungkol sa Philippine Mythology. Taong 2050, muling nabuhay si Galang Kaluluwa upang pigilan ang masasamang balak ni Ulilang Kaluluwa sa mundong ibabaw. Kanilang makikilala si Iyela, na siyang babago sa kapalaran ni G...