Ipinaliwanag ni Iyela ang kaniyang pagiging Alpha Charmer. Nakaupo si Skye sa isang sulok habang nakikinig kay Iyela.
Humingi si Iyela ng paumanhin kay Blanc sapagkat matagal niya itong tinago sa kaniya.
"OK lang yun, Iyela," sabi ni Blanc kay Iyela, "naiintindihan ko."
Niyakap ng mahigpit ni Iyela si Blanc at nagpasalamat.
"Skye...Hindi ka normal na tao 'di ba? Yung pattern ng pakpak mo.." sinabi ni Iyela kay Skye habang yakap si Blanc.
"Iba rin yung amoy n'ya!" dagdag ni Blanc.
"Anong amoy?" Tanong ni Iyela.
"Amoy dugo!"
"Hah?!"
Nawalan ng malay si Skye dahil nasaksak siya sa likod ni Bebe. Nanaginip si Skye habang siya ay walang malay. Napanaginipan niya ang pagkikita nila muli ni Bathala.
"Bathala?" patanong na sinabi ni Skye sa nakatalikod na lalaki.
"Ako nga." sagot ni Bathala.
"Legit?"
"Ako lang to."
"Hindi ka p'wede dito sa mundong ibabaw."
"Ako si Bathala. Paanong di p'wede? Duh?"
Napaisip si Skye na parang wala sa wisyo si Bathala ngunit pinasawalang bahala niya na lamang ito.
"Bakit ngayon ka lang dumating?" pangamba ni Skye.
"Naging mahirap ang aking paglalakbay, wala kayang iPhone doon sa taas, 'no ka ba."
"Weird. May dahilan ba ang iyong pagpapakita?"
"Oo."
"Ano?"
"Skye, Galang Kaluluwa, alam ko mahilig ka gumala pero si Iyela ay hindi magandang tourist spot para sa'yo. Y'know? She's bad news!"
"Huh?"
"Sa tingin mo, bakit ang bilis ka n'ya pagkatiwalaan? Sumulpot ka lang pero pinatuloy ka n'ya sa kanyang tahanan, that's soooo weird."
".........."
"Isa pa, yung box. Yung box na may Onei Company na label, that's weird. Galing yun sa isang dark company!"
"Bathala..."
"Just so y'know, I'm just reminding you," dagdag ni Bathala, "oras na para bumalik!"
Nawala nang bigla si Bathala at naiwan si Skye sa madilim na lugar.
1...2...3...
Bumilang si Skye at pumikit ng matagal.Pagmulat ng kaniyang mata, nakita niya si Iyela sa kaniyang kama at nakalapag ang ulo nito sa kaniyang hinihigaang kama.
BINABASA MO ANG
Taong 2050,
Historical FictionIsang maikling istoryang ginawa tungkol sa Philippine Mythology. Taong 2050, muling nabuhay si Galang Kaluluwa upang pigilan ang masasamang balak ni Ulilang Kaluluwa sa mundong ibabaw. Kanilang makikilala si Iyela, na siyang babago sa kapalaran ni G...