Blanc

10 0 0
                                    

Pagkaalis ng tatlong manananggal, hindi nawala ang panlilisik ng mga mata ng puting lobo kay Skye.

"Blanc!" Masayang sinabi ni Iyela.
Tumakbo ang puting lobo palapit kay Iyela na tila higante dahil hindi ito magkakasya sa pinto kung ito ay papasok man.
Idinikit ni Iyela ang kaniyang noo sa ulo ng puting lobo at nagbigay pasasalamat.

"Si Skye," pagpapakilalang sinabi ni Iyela, "bago palang siya dito."
Tinignan ng masama ng puting lobo si Skye. Biglang nagpalit anyo ang puting lobo at naging isang batang babae na may mahabang puting buhok. Nagtago siya sa likod ni Iyela habang nagpapakita ng pagtatampong tingin kay Skye.

"Matagal na kaming close ni Blanc kasi simula palang nung pinanganak siya, ako na ang nakakita sakanya. Cool 'di ba?" pagpapakilala ni Iyela kay Skye.

"Ikaw ay isang.." nagpapalagay na sinabi ni Skye.

"Werewolf." sinabi ni Blanc.

"Hindi ikaw, si Iyela kasi! Isa ka bang Beta Charmer?"

Natahimik si Blanc at si Iyela sa tanong ni Skye.

"Ano yung Beta Charmer?"
nagtatakang tanong ni Blanc.

"Ang Beta Charmer," paliwanag ni Iyela "ang nakapagpapasunod sa mga kampon ng kadiliman pati na rin sa normal na tao."

"Beta Charmer ka b-" naputol na tanong ni Blanc.

"Hindi," paliwanag ni Iyela, "isa akong Alpha Charmer."

Natahimik si Skye dahil ang Alpha Charmer ay may kapangyarihan na makapagpasunod ng kahit sino, maging ang mga diyos.

Taong 2050,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon