*Balik sa bahay ni Iyela*
"Grrrrr." Ungol ni Blanc sa kampon ng kadiliman.
Tumakbo si Blanc kay Iyela at may inilusot sa kaniyang bulsa sa likod.
Tinulak ni Iyela si Blanc at natumba.
"Wala kang silbi sa akin ngayon," sinabi ni Seth kay Blanc, "ikulong niyo yang aso na yan, 'wag n'yong pakakainin." sabi niya sa kaniyang mga tagasunod.
"Yes, sir!" sagot ng tatlong tagasunod.
Nilagyan nila ng tali si Blanc sa kamay at hinawakan ng maigi.
"Ssssa-ssaa-ssaaa." Pabulong na utos ni Seth kay Onyx.
Umalis sila sa bahay ni Iyela at gumawa ng kampo sa kabundukan.
Makalipas ang tatlong oras, bumalik si Skye sa bahay ni Iyela at ginamot ang kaniyang sugat.
Nakita muli ni Skye ang box na ipinagbawal buksan ni Iyela.
Malalaman ko ang lahat gamit ang box na ito.
Nasa loob ng box ang isang liham, singsing, card at isang litrato.
Kinuha ni Skye ang liham at binasa ang nakasulat:
"Louise,
I wasn't expecting any of these. Please forgive me. I would do anything to get you back again."Makikita sa litrato ang isang lalaki at si Iyela, may nakasulat sa likod ng litrato na: "Together forever."
Iyela...anong nangyari kay Louise?
Kinuha ni Skye ang card at humanap ng kwarto na bubukas gamit and card na iyon.
Isang pintong malaki na mukhang di na nabubuksan ang naka-access sa card na iyon, dahan dahang binuksan ni Skye ang pinto.
Nanlaki ang kaniyang mga mata sa nakita.
Bumulaga sa kaniya ang katawan ni Louise na nakalagay sa isang malaking tanke.Si Louise...!
Higit pa sa nakita, ang kaniyang mga mata ay may nabasa:
"A God's blood, for one's life."
Nangilabot sa takot si Skye sa kaniyang natuklasan, hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita.
BINABASA MO ANG
Taong 2050,
Historical FictionIsang maikling istoryang ginawa tungkol sa Philippine Mythology. Taong 2050, muling nabuhay si Galang Kaluluwa upang pigilan ang masasamang balak ni Ulilang Kaluluwa sa mundong ibabaw. Kanilang makikilala si Iyela, na siyang babago sa kapalaran ni G...