Unang beses palang na nagkausap tayo
Pero bakit ganito? Tinamaan na ako sayo,
Isa ka lang naman na ka G.C ko
Pero bakit ganito? Baliw na ba ako?Ginawan ka ng tula para mapa-ibig ka
Pinuri mo pa ako at sinabing "Ang galing talaga",
Namangha ka pa sa pagkakasulat ng bawat linya
Minsan sabi ko pa nga "Hayaan mo, kapag naging akin ka gagawan lagi kita ng tula"Noong unang beses meron lang na "ikaw at ako"
At pinapangarap ko na may mabuo sanang salitang "Tayo",
Pero naiisip ko ~ sino nga ba naman ako para sayo?
Maganda ka, pangit ako, baka sabihin mo lang "Hindi tayo talo"Pero wag kang mag-alala dahil di ako susuko
Desidido akong bihagin ang 'yong puso,
At ang tanging panalangin ay mapasa akin ang 'yong puso
Yung tipong wala nang ibang mamahalin kung 'di ako
BINABASA MO ANG
Related Poems
Poetryit is all about poems, different kinds of emotions, different kinds of feelings