- untitled -

5 1 0
                                    

Spoken
Free style
No rhymes

- Hindi masamang magmahal,
  Hindi masamang umibig ng wagas
  Hindi rin masamang masaktan,
  At hindi rin masamang umiyak

- Oo, nakakapagod,
  Oo, nakakasakit,
  Pero wala tayong magagawa,
  Kung pag-ibig natin ay di sapat para sa kanya

- Mahalaga tayo,
  Pero binabalewala lang ng isang tao
  Yung isang tao na pinagbigyan natin ng pagmamahal na totoo,
  Pero pag dating sa kanya kulang parin ito

- Deserve tayong angkinin ng ibang tao,
  Pero dahil sa kanya, hindi natin pinapansin yung iba
  Nagpapakatanga?
  Oo, sobra dahil pinipilit natin yung sarili natin sa taong imposible maging atin

- Oo nga, mahal natin,
  Pero walang kwenta yang pagmamahal na yan kung sa iba sya may pag tingin
  Masakit man isipin,
  Pero dapat ng itigil yung nararamdaman ng damdamin

- Kasi kung susumain
  Mas karapat dapat ka sa iba, kesa sa taong sa huli ika'y paiiyakin
  Oo, hindi natin malalaman ang HULI kung hindi SISIMULAN
  Pero wag kang MAGPAKATANGA kung sa SIMULA palang SINASAKTAN ka na

- Dahil kahit gaano ka pa KAHALAGA sa iba,
  Kung ipagpipilitan mo ang sarili mo sa isa
  Wala kaming magagawa,
  kung likas na sayo ang pagiging TANGA

Related PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon