Ngayon ko lang naisip at naitindihan
Nalaman at nasulyapan
Mga maling nagawa't mga kasalanan
Bakit nga ba natin pinagtitiyagaanNaisip mo na ba mga mali nating nagawa?
Bakit nga ba inu-uli-ulit pa?
Alam mo nang mali 'di mo pa tinatama
Naguguluhan ka ba o nagmamangang lang talaga?Bakit nga ba mapagbiro ang tadhana?
Akala mo siya na pero hindi pa pala
Yung taong pinapangarap mong hang buhay na makasama
Ay isa lang palang pag-subok para makita mo ang taong pakakasalan ka.Pero bakit nga ba naghahanap ka pa?
Kung ang matagal mo ng hinahanap ay nasa tabi mo lang pala
'Di mo lang siya maramdaman dahil nakatingin ka sa iba
O baka manhid ka ka lang dahil kaibigan mo siyaIsang tanong na mahirap sagutin, "Bakit nga ba"?
Bakit ganto, bakit ganyan at marami pang iba
Bakit di mo sagutin ang 'yong "Bakit nga ba"?
Para malaman mo ang dahilan ng pagkawala niyaPero mahirap kasi masasaktan ka lang diba?
Pero di mo masasagutan kung iisipin mong palang masasaktan ka na
Pagbigyan mo naman ang sarili mong sa nakaraan ay makalaya
Upang kasalukuyan ay maharap mo ng may saya at siglaPero pano yun mangyayari kung ang nakaraan ay 'di mo maiwan?
Rason mo? Mga nangyari ay ayaw mong kalimutan
Mga pangyayaring may saya ngunit may kalungkutan
Ang magkukulong sayo sa masalimuoy na nakaraanTanong ko sayo, magmamahal ka pa ba ng iba?
Sasabihin mo hindi na para 'di na masaktan pa
Pero di mo makikita ang taong mamahalin ka
Kung paniniwalaan mo ang sarili mo na masasaktan ka lang dibaKaya sana sa tulang ito'y nakapag-isip ka na
Mga tanong mong "Bakit nga ba?" Ay sasagutin mo na
Upang 'di ka na masaktan pa kung makita mo sila
Dahil nasagot mo na ang 'yong "Bakit nga ba"
BINABASA MO ANG
Related Poems
Poetryit is all about poems, different kinds of emotions, different kinds of feelings