Manhid Ka

8 0 0
                                    

Manhid ka alam mo ba?
Naghihintay ako sayo pero naghanap ka pa ng iba
Mahal kita alam mo ba?
Malamang hindi, dahil pag-ibig ng iba ang iyong nakikita

Gusto kita alam mo ba?
At alam kong hindi dahil 'di ka sa'kin nakatingin kung 'di sa iba
Ang manhid mo alam mo ba?
Pero ayus lang minamahal naman kita, patago lng talaga

Alam mo ba na hindi ako susuko?
Nandito lang lagi ako para sayo
Kahiy patagong nasasaktan mo ang damdamin ko
Wala akong pake, ikaw ang mahal at gusto ko

Kahit manhid ka mahal kita
Wala akong pake sa sinasabi ng iba
Pagkat ikaw lang ang gusto ko at wala ng iba
Sa puso ko'y ikaw lang ang nag-iisa

Related PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon