Walang Iwanan

11 2 0
                                    

Oh kay saya nating magkasama
Magkatabi habang tumatawa
Nagkukwentuhan at kumakanta
Kay sarapa balikan, masasayang ala-ala

Hindi ko litanya ang malulungkot na ala-ala
Sapagkat pag katabi ka'y lahat sumasaya
Ikaw ang gamot sa malulungkot kong mata
Kaya ako'y nagdusa sa iyong pagkawala

Oh bakit ganito? Nasaan ka na ba?
Nandito lang ako at hinihintay ka
'Di na ba maibabalik mga nangyari't nadama?
Kay sakit namng isipin na wala ka na talaga

Aking sandalan noon, ngayo'y wala na
Taga pagtanggol sa lahat ng masasama
Labasan ng sama ng loob pati hinanakit pa
Kay sakit isipin na ang noon ay isa nalang ala-ala

Ako'y nagdurusa sa iyong pagkawala
Pagkat sa buhay ko'y ika'y sadyang mahalaga
Ngunit sa punto nato'y wala na akong magawa
Ang masasaya nating pagsasama'y nabubuhay nalang sa mga ala-ala

Related PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon