-Umtitled-

4 1 0
                                    

- Sa isang pagmamahalan,
  Hindi mo maiiwasang may masaktan
  Hindi mo maiiwasang makasakit
  Dahil ganyan naman talaga ang pag-ibig "MAPANAKIT"

- Walang taong marupok,
  Sadyang mahal mo lang talaga
  Kasi, minsan akala natin naka move on na tayo
  Pero yung totoo hindi pa

- Meron ding taong maghihintay ng sobra
  Para sa isang taong imposible maging kanya.
  Bakit? Kasi mahal nya
  At handa syang gawin lahat para sa ikakasaya nya kahit ikakasakit nya

- Ang mali lang yung pagiging TANGA
  Marami pa jang iba, yung mas deserving ka talaga,
  Yung ginagawa mo para sa kanya
  Ay ginagawa nya rin sayo dahil dun ka masaya

- Hindi natin kailangan ipagpilitan yung sarili natin
  Sa taong alam natin na kahit anong gawin ay hindi magiging atin
  Tandaan mo, walang sweldo ang pagiging TANGA
  Kaya wag mong araw arawin dahil la sa dun ka masaya

- Pero sabi nga nila
  Kahit gaano kasakit ang gawing advice mo sa kanya
  Kung mahal talaga nya
  Wala kang magagawa
  Babalik at babalik yun sa taong mahal nya

- Dahil ganun naman talaga
  Malambot yung puso sa taong minahal natin ng sobra
  Na kahit anong sabihin ng iba
  Wala tayong magagawa kung yung puso ang mag dikta

Related PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon