Minsan may feelings talaga tayong biglang nalang nating nararamdaman,
Ang masakit lang bakit hindi natin malaman yung katotohanan?
Magpapakatanga tayo sa isang tao,
Kahit nasasaktan na hindi parin sumusuko.Minsan na nga lang magkagusto,
Tapos doon pa sa taong imposible maging sayo,
Sa taong nakakulong sa nakaraan,
Na may mga bagay na hindi nya kayang iwan at kalimutan.Ang sakit! Sobra! Tapos wala ka pang mapag sabihan,
Kinikimkim mo napang kahit ikaw ay nasasaktan.
Bakit ba kasi ganun tayo?
Nagpapakatanga sa taong hindi para sayo."Please let me love you!"
"Susuko naman ako pag pagod na ako eh"
"Titigil na ako sa pangungulit"
"Wala ng mang-aasar sayo"
"Pero sa ngayon hayaan mo muna ako mahalin ka"
"Wag mong isipin kung nasasaktan mo ako kasi ginusto ko to"Mga salitang binitawan ko,
Sa taong mahal na mahal ko,
Sa taong bumubuo ng bawat araw ko,
Sa taong dahilan ng ngiti at mga luha ko.Ganito ba ang pagmamahal?
Kailan ba nating masaktan?
BINABASA MO ANG
Related Poems
Poetryit is all about poems, different kinds of emotions, different kinds of feelings