Spoken poetry
Aaminin ko sayo, sa bawat nginit mo, ngumingiti na rin ang puso ko, at simula ng marinig ko ang boses mo, lagi ko ng hinahanap hanap ito. Hanggang sa, ayun na siya, dumating sa pagkakataong ang puso ko'y naging gulong-gulo, hindi ko alam kung dapat ko bang sundin ang sinasabi ng puso o dapat tanggapin ko nalang na talagang hanggang magkaibigan na lamang tayo.
Piliy kong sinasabi sa sarili ko na sapat, sapat na ang naging magkaibigan tayo, sapat na ang nagkaroon ako ng bahagi sa puso mo, kahit na alam kong hanggang kaibigan lang ako.
Minsan naiisip ko, ano kaya kunh lumayo nalang ako sayo? Kung umiwas nalang ako sa pagsulyap sa mga mata mo, sa mga mata at ngiting bumihag sa puso ko.
Unti-unti nalang akong nahulog sayo ng 'di inaasahan at hindi sinasadya, sa bawat kamustahan, lalong lumalalim, ngunit sa tuwing titingin ako, napapayuko na lamang, hanggang ang mga luha mg pilit na paglimot sayo ang siyang lumulunod sa puso ko.
Kahit anong iwas ko sayo, na hindi maramdaman ito. Iwasan ko man, pigilan ko man, sadyang hindi ko na maitatangi na ikaw ang isinisigaw ng puso ko.
Mula sa pagmulat hanggang sa pagtiklop ng aking mga mata, ikaw lamang ang nilalaman ng isip ko. Kaya kahit anong gawin kong pag-iwas sa iyo, malabong mangyari ito. Sa hangin ko na lamang isisigaw at ipadarama na mahal kita at baka sakaling makararating ito sayo.
Unti-unti akong lumilingon palayo sayo, lumalakad palayo sayo. At sa bawat hakbang na gawin ko kasabay nito'y unti-unting paglaho ng pag-asa ko na mamahalin mo rin ako
BINABASA MO ANG
Related Poems
Poetryit is all about poems, different kinds of emotions, different kinds of feelings