Tama Na

4 1 0
                                    

Spoken poetry

Nasasaktan ako alam ba? Dahil 'di ko siya kayang palitan sa puso mo at alam ko na, mas mahal mo siya higut sa akin at tanggap ko na, kahit na lagi mo 'kong kasama at wala na akong magagawa

Mahal kita pero mahal mo siya, masakit sa damdamin pero doon ka masaya, kahit na alam mong ang mahalin ka ay 'di niya magawa, at nasasaktan ako dahil pinagpapatuloy mo pa.

Hindi naman ako nanliligaw kaya karapatan ko ay wala, ilang beses ko na sa'yong sinabi pero 'di ko ginagawa, dahil alam kong pag-asa ko sa iyo ay talagang walang-wala, kaya sinasabi ko sa sarili ko "You're not enough kaya please tama na"

Pinipilit kong umiwas, pero 'di ko kaya, ang lumingon palayo sayo ay 'di ko magawa, sapagkat pagpikit at pagmulat ng mata, ikaw lang ang nakikita, 'di mapagkakaila na ang sigaw ng damdamin ay pangalan mo sinta.

Bakit nga ba sayo ay pinagpipilitan ko pa? 'Di mo naman ako magugustuhan pero bakit nga ba? Hindi ko din alam kung bakiy ko ginagawa, nagmumukha na akong tanga mapasa akin ka lang sinta

Mahal kita, mahal kita sigaw ng puso kong minamahal ka,
Pero ano ang magagawa ko kung ang mahal mo ay iba? Minsan sinasabi ng kaibigan ko "Tama na, nasasaktan ka na", pero alam mo ba ang sinabi ko? "Hindi ko kaya kasi mahal ko siya"

Ganun kita kamahal, hindi mo ba mahalata? Siguro nga hindi dahil nakatingin ka sa iba, pero wala akong magagawa kasi mas mahal mo siya, at  'di ko na kayang maskta  pa kaya ititigil ko na.

At sa oras na marinig o mabasa mo itong aking tula, ang simula ng paglilimot ng pag-ibig ko sayo sinta, paglilimot na hindi ko alam kung kakayanin ko ba, kakayanin ko ba? Oo! Kakayanin ko na.

Related PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon