CHAPTER FOUR

32 5 31
                                    

Disconnected Fright

BLARE VILLACORTA'S POINT OF VIEW

"Shit..." Mahina kong usal, matapos lapatan ni Nathan ng paunang lunas ang aking binti na nabaril.

"I can't promise that everything will be alright. Hindi ko talaga alam kung ano ba 'tong nangyayari ngayon, pero lagi mong tandaan na mahal na mahal kita Blare" Nathan said, before he kissed my forehead.

My words went missing. I can't even say or formulate a single word so I just hug him. I hope this nightmare will end as soon as possible.

Dala ng pinaghalong takot at kaba, nanginginig akong napatingin sa suot kong wristwatch. Fuck, it's already twelve am.

If I'm not mistaken, ito na ang pangatlong araw namin dito. Damn it, today is Stacy's birthday!

Napatungo na lamang ako dahil muli na namang tumulo ang aking mga luha. Sana naman ay nasa maayos na kalagayan pa rin ang mga kaibigan ko.

"Blare, can you hear that?" Nathan suddenly asked me.

"H-Hear what?" Kinakabahan ko ding pagtatanong, bago ako tumingin sa paligid nitong unang kwarto sa second floor.

Magsasalita pa sana si Nathan, ngunit mabilis rin kaming napapitlag dahil meron na lang biglang pumalakol sa pinto ng kwartong pinagtataguan naming dalawa.

Agad itong nawasak, sa kadahilanang ito'y gawa lamang sa kahoy. Dala ng katarantahan ay dali-dali akong napatayo sa kama, saka ko tuluyang kinuha sa isang tabi ang babasagin na flower vase.

Shit. Sa isang iglap lang ay walang kahirap-hirap na nakapasok dito yung killer! Lalo pa akong ginapangan ng kaba dahil bigla na lamang niya akong tinutukan ng baril!

Sa sobrang takot ko ay wala sa sarili kong ibinato sa kaniya ang flower vase na aking hawak, dahilan para mabitawan niya ang kaniyang baril na dala.

Nakita kong tumakbo si Nathan upang kunin yung baril, ngunit agad na nakakuha ng isang bangko yung killer. Dali-dali niyang hinampas si Nathan, kaya mabilis akong napasinghap. Fuck, I'm heckin' scared. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. I can't even move for shit's sake!

"Damn it! K-Kill m-me, just d-don't h-hurt h-her..." Nathan pleaded, while his blood was falling towards his forehead.

I started crying like a piece of crap. Nanginginig ako dahil sa takot, lalo na ngayong walang tigil na pinaghahampas nung killer si Nathan. Fucking fries.

Halos masira na yung silya kaya't tuluyang nawalan ng malay si Nathan! What the damn?!

"Shit, shit, shit! Nathan wake up! Please, wake up!" Paghi-hysterical ko, habang natatarantang pinupunasan ang aking mga luha na patuloy pa rin sa pagragasa.

Tatakbo pa sana ako papunta sa direksiyon ni Nathan, ngunit mabilis akong napasigaw dahil bigla na lang nagpaputok ng baril yung killer.

What the shit?! Damn these fucking devil! Kung saan-saan tumatama ang mga bala ng baril niya kung kaya't natataranta akong sumuot sa ilalim ng kama.

Stupid crap. Lalong bumuhos ang mga luha ko, matapos kong maramdaman na nadaplisan pala ang aking kaliwang balikat. Napasinghap ako dahil sa labis na sakit. Dugo ng dugo ang balikat ko, kaya wala akong magawa kundi ang hawakan ito at magpatuloy na lang sa pag-iyak.

"Fuck!" I cursed. Bigla ko na lamang namalayan na may marahas ng humila sa'kin, paalis sa ilalim ng kama.

"Bitawan mo ako! Damn it! Stop this son of a bitch!" I shouted while crying. Nilalamig na ako dahil sa takot. Hindi ko kayang alisin ang aking tingin doon sa baril na hawak ng killer, lalo na't itinaas niya na ito at itinapat sa direksiyon ko.

A Letter From DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon