Morning Madness
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Umaga na kung kaya't wala sa sariling tinunton ng salarin ang bagong pinagtataguan nila Kyle. Nadismaya kasi ito dahil hindi niya tuluyang nabiktima ang mga taong nagtatago sa bathroom ng mansion.
"Ayesha!" Halos hindi na makakilos ng maayos sila Kyle at Kenneth kaya naman puro sigawan na lamang nila ang patuloy na maririnig sa buong library.
Sa kabila ng mga palahaw sa silid ay tila ba masahol pa sa isang bingi ang salarin. Nakangisi lang siya sa likod ng kaniyang maskara, at animo'y isang batang sabik na sabik sa mga ginagawa niya.
Marahas na hinawakan ng salarin ang nanghihinang si Ayesha, dahilan upang dali-daling magpunta sa direksiyon nila ang duguang sila Kyle at Kenneth.
Ngunit sadyang tuso ang taong nakasuot ng kulay itim na roba dahil bago pa man makalapit sa kaniya sila Kyle ay agad na niyang pinaputok ang baril.
Nangalaglag pa ang mga libro sa bookshelf dala ng matinding pagtama ng baril, ngunit hindi na lamang ito pinansin ng salarin, bagkus ay patuloy niyang naituon ang atensiyon niya sa dalawang binata.
Walang pag-aalinlangan niyang binaril ang kaliwang binti ni Kyle at isinunod naman niya ang kanang binti ni Kenneth. Dahil dito ay muling napasalampak sa sahig ang dalawa, kasabay ng kanilang pagsinghap.
Napangiti ng malawak ang salarin, bago niya mariin na inundayan ng saksak ang pilit pa ding nagpupumiglas na si Ayesha.
Paulit-ulit niyang sinaksak ang dalaga, hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng buhay. Umagos ang napakaraming dugo mula sa katawan ni Ayesha, kaya't nagtungo naman siya sa direksiyon ng nakahigang si Kenneth.
Buong lakas na sinipa ng salarin ang binata, saka niya ito walang habas na pinagbabaril sa dibdib. Muling nagtalsikan ang dugo, dahilan para mabahidan nito ang sahig at pati na rin ang mga libro sa paligid.
Dahil sa nasaksihan ay tila ba lalong tinakasan ng lakas si Kyle. Labis siyang napaiyak, matapos harap-harapang makita ang pagkamatay ng kaniyang kasintahan at matalik na kaibigan.
Nanghihina at nahihilong napasiksik sa isang bookshelf si Kyle. Namumutla siya at halos impit na mga hikbi na lamang ang tanging lumalabas sa kaniyang bibig.
Dala ng takot ay wala sa sarili siyang napaurong, hanggang sa aksidente niyang makapa ang tila ba kakaiba sa kahoy na sahig ng library.
Bahagyang nagulat si Kyle, ngunit sa huli ay namalayan na lang ng binata na pwersahan niya na pala itong binubuksan sa pamamagitan ng pag-angat dito.
Gawa rin sa kahoy ang secret door na kaniyang natagpuan at talaga namang katulad na katulad ito ng sahig sa library, kung kaya't ito'y hindi madaling mapansin.
Dahil sa magkahalong pighati at kaba ay walang pag-aalinlangang sumuot sa lagusan na iyon si Kyle.
Sa kabila nito ay abala naman ang salarin sa kaniyang ginagawa. Patawa-tawa niya kasing pinagmamasdan ang bangkay nila Ayesha at Kenneth, na animo'y isa siyang batang nakatanggap ng regalo buhat sa labis niyang kasiyahan.
Walang pagsidlan ang tuwa ng salarin kaya't agad siyang naglabas ng barbed wire. Mariin niya itong ipinulupot sa leeg nila Ayesha at Kenneth, dahilan upang umagos ulit ang maraming dugo.
Matapos niyon ay dali-dali siyang naglabas ng dalawang piraso ng papel. Ang isa ay nailagay niya sa bulsa ni Kenneth, habang ang isa naman ay marahas niyang naipatong sa duguan na tiyan ni Ayesha.
Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muling napangiti ang salarin, bago siya masiglang lumabas ng library.
*****
BINABASA MO ANG
A Letter From Death
Mystery / ThrillerDeath never takes a wise man by surprise, he is always ready to go.